Archive for the Category ◊ Travel ◊

12 Nov 2008 Litratong Pinoy #33: Kinagisnan
 |  Category: Litratong Pinoy, Travel  | 25 Comments

Noong nakaraang Sabado, kami at ang aming mga kaibigan ay nagpunta sa Texas Renaissance Festival sa bayan ng Plantersville may mahigit dalawang oras ang layo mula sa aming tirahan.  Kami ay naging saksi sa mga tanawin, kasuotan, tugtugin, laro at lasang (kultura sa madaling salita) kinagisnan ng mga taong ipinanganak noong ika-16 na siglo (Ang panahon ng Renaissance ay tumagal mula ika-15 hanggang ika-17 siglo).

Hindi ko na papakahabain pa ang panimula.  Narito ang mga eksenang tumambad sa amin sa mahigit pitong oras na pagbabad sa panahon ng Renaissance… (PS: Nilakihan ko na ang mga larawan kaya’t mukhang mahaba ang aking akda…well, napahaba nga yata. :D)

Mga magagarang kasuotan - Ikinagulat namin na kahit ang mga bumibisita sa festival ay nakagayak Renaissance (costume) din.  Ang iba’y nakita naming nagbibihis sa paradahan ng mga sasakyan at ang iba nama’y nagarikila sa may labas ng theme park.  Marami ding nagtitinda ng kasuotan sa loob ng festival.

Ang mamang ito ay hindi si Sting.  Pero kamukha ano?  Bahagi siya ng palabas na nagtatampok sa jousting.

Kung napanood ninyo ang pelikulang A Knight’s Tale na pinagbidahan ng yumaong si Heath Ledger, may mga taong nagpapakilala sa mga kalahok sa jousting.  Iyon ang papel ng babaeng nakasuot ng magarang kasuotan sa larawan.

Kngith in shining armor?  Hindi ba’t iyan kung minsan ang ginagamit na pantukoy ng mga kababaihan sa kanilang mga iniirog? Kiliiiig!

Ikinatuwa naming lubos ang panood ng jousting.  Ikalawang bahagi lamang ito ng palabas ngunit ito ang aming pinakaaabangan.  Hindi siya kasing “action packed” katulad ng sa pelikula at katulad ng aking inaasahan ngunit talagang nakapagbigay aliw sa lahat ng mga nanood.

Dahil ang Renaissance ay ang muling kapanganakan ng istoling klasiko (rebirth of the classics), maraming mga estatwa (sculptures) na may bahid ng istilo at kapanahunang Griego (Greek).

Para sa gustong makaalam sa kapalarang naghihintay sa kanila sa kinabukasan, tabi-tabi ang makukulay na tents kung saan may nagbabasa ng palad, tarot, mga bituin (Astrology) at pati siguro bolang kristal. :D

Ang mga gamit sa pakikipaglaban noong panahong iyon ay amin ring nasilayan.  Sa katunayan ang mga ito’y  ibinebenta bilang ala-ala (souvenir) sa pagdalo sa festival.  Mayroon ding mga espada na gawa sa matigas na foam at ang iba’y gawa sa kahoy.

Mga gayuma: pampabata, pampaganda, pampabango at kung anu-ano pa!  Pabango talaga ang mga itong isinasalin sa mga naggagandahang maliliit na bote puwedeng gamiting palawit ng kuwintas (pendant).

Nasubukang sumakay ng aking mag-ama sa isang camel sa tumataginting na  $4 bawa’t isa.  Hold-up!!!  Pero gusto talagang sumakay ng aking anak at dahil siya’y may kaliitan pa, hindi siya papayagang sumakay kung hindi may kasamang matanda.

May mga diwata (fairies) ring namimigay ng mahiwagang alikabok (fairy/pixie dust).  Hindi naman nila talaga binibigay, dahil magbabayad ka muna ng $1 para sa alikabok na iyong hihipan upang ikaw ay makapagbulong na kahilingan.  Pagkatapos ay bibigyan ka din ng diwata ng kristal. Hold-up ulit!  Pero di kami nagpabiktima…ang mga kasama lang namin.  Hahaha!  Mahirap pahindian ang mga anak.  :)

Kapag nakagawa ng matinding kasalanan, ito ang iyong aabutin…pagpugot sa ulo sa gitna ng plaza!  Iyan ang tagapugot (executioner) at ang kaniyang alalay.

Mahigit 300 ang mga larawang kuha ko mula sa festival.  Akin pang pinipili ang aking ipapakita sa mga susunod na araw. Nailathala ko na sa aking blog tungkol sa pagkain ang mga masasarap na pagkain sa festival.

Ang isa ko namang lahok para sa Litratong Pinoy ay pagpapaliwanang kung bakit sanay sa pagpapakuha ng litrato ang aking anak. :)

Mabuhay!

29 Oct 2008 LP #31: Kadiliman sa Disney’s California Adventure
 |  Category: Litratong Pinoy, Travel  | 33 Comments

Kadiliman ang kailangan upang lubusang makagiliwan ang panonood ng Electric Parade sa Disney’s California Adventure.  Hindi siyempre maaappreciate ang naggagandahang makukulay na mga ilaw ng mga karosa kung tirik na tirik pa ang araw.

Nagsisimula na ang parada nang dumating kami sa isang kalyeng dadaanan nito sa loob ng theme park.  Agad na humanap ng lugar ang aking asawa at si Abby na may kalapitan sa daan.  Pinaupo ng aking asawa si Abby sa kaniyang mga balikat upang makita nitong maigi ang mga karosa. :)

Ako nama’y pumuwesto nang medyo malayo ng kaunti at naghanap ng matutungtungan. :D

Maraming taon  na ang nakalipas nang una akong makapanood ng Electric Parade.  High school pa lamang yata ako noon at wala pang California Adventure noon.  Sa Disneyland pa idinaraos ang parada.

Nakakatuwa na sa ikalawang pagkakataon ay kasama ko na ang aking asawa’t anak sa panood ng parada.

Magkatapat lamang ang California Adventure at Disneyland at mas maagang nagsasara ang California Adventure.  Ito ang kuha ko sa labas ng theme park, bago kami lumipat sa Disneyland para naman habulin ang Fireworks display.

Sa kadiliman lang maaappreciate ang pangitaing ito.

May mga palabas sa kadiliman rin kaming natunghayan sa Disneyland, ang isa ko pang lahok sa Litratong Pinoy.

Maligayang araw at mabuhay! :)

22 Oct 2008 LP #30: Liwanag

Liwanag ng haring araw ang bumati sa amin noong magpunta kami sa Sea World noong ika-5 ng Hulyo.  Damang-dama naman talaga ang init ng Tag-Init (Summer) dito sa Texas.  Kaya naman sa makailang punta namin sa Sea World, sa unang pagkakataon ay napagpasyahan naming magbabad sa Lost Lagoon ng Sea World.

Gagamitin ko na ang pagkakataon ito upang mailathala ang mga larawang kinuha namin noong araw na iyon.  Oktubre na at hindi ko pa nailalathala ang marami pang larawan noong Tag-Init!


Panangga sa liwanag ng araw ang pink shades ni Abby.


Hindi ba’t maliwanag pa sa sikat ng araw na magkamukha kaming mag-ina? :P


Talaga namang nagliwanag ang mukha ng mag-ama dala ng kanilang mga ngiti. :)


Sa aming pagtatampisaw sa tubig, disposable waterproof camera ang aming ginamit.  Ito ay natutunan namin sa aming mga kaibigang si Meeya at ang kaniyang asawa nang magkasama kami noong isang taon sa Schlitterbahn.

Narito ang mga kuha mula sa disposable camera.  Pasensya na sa hindi kagandahang quality ng mga larawan.  Pero ipinapangako kong maganda naman ang quality ng mga ngiti! :D


Ang sarap magbabad sa tubig!


Talaga namang nag-enjoy si Abby sa pagangkas sa mga naglalakihang mga salbabida (tube) at sa paglangoy mag-isa (salamat sa life vest!).


Kung minsa’y kumakandong siya sa akin at dalawa kaming nakaupo sa malaking tube.


Walang zoom ang  disposable camera.  Literal na close-up itong kuhang ito dahil talagang kinailangan kong ilapit ang camera kay Abby. :D


Tuwang-tuwang kaming dumaan sa ilalim ng mga sprinklers.


Maliwanag din ang ngiti ng mama na itinuturo ng arrow!  Nakisali sa picture! Hahaha!


Mabuti at nakahiligan ni Abby ang paglangoy.


Malapit na rin namin siyang ienroll sa swim class.


Ilang beses kaming umikot sa languyang ito sakay ng tube o paminsan minsa’y naglalakad sa tubig.

Nang magsawa sa lazy river, lumipat naman kami sa laruan ng mga bata.  At ito ang mga kuha doon…

Kulang ang 27 exposures sa akin.  Dahil bawa’t galaw ni Abby ay gusto kong kunan ng litrato.  Hindi ko tuloy nakuhanan ang wave pool. :D  Next year na lang ulit.  Sarado na ngayon ang Lost Lagoon ng Sea World dahil Fall na. :)

Sana ay naibigan ninyo ang mga larawan.

Mga bagay na nangangailangan at nagbibigay ng liwanag ang isa ko pang lahok sa LP.

Mabuhay!

20 Oct 2008 Howdy, Pumpkins! :)

Mabuhay, y’all!  How was your weekend?  I hope it was happy and wonderful just like ours.  I’ll go right ahead and tell you all about it. :D  This is a picture heavy entry so I’ll try to talk less. Hee hee.

The highlight of our weekend was our trip to the Elgin Christmas Tree Farm, not to pick out our Christmas Tree, but for the Pumpkin Festival.  Last year, we missed going to a pumpkin patch.  We more than made up for that lost opportunity this year.  We had 6-times the fun because we were with 5 other families (plus our family makes 6!).  It was our first outing with our NFFs (new found friends). ;)  All in all, we were 12 adults and 21 kids.  You can say we had a little barrio fiesta going.  Hahaha!

It took a few minutes for Abby to snap out of a sumpong that came out of nowhere.  She is her mother’s daughter.  Ha!

See what I mean?  How could one not smile when mutant pumpkins abound?  Here’s another pic of my unsmiling lovely daughter with me…

Third time’s a charm so here’s a third photo of an unsmiling Abby.  Hmp!  Sayang ang family picture!

Celebrity sighting at Elgin, Texas!  Here’s the paparazzi!  Hee hee!

Our NFFs are photo enthusiasts, just like me!  And they all have dslrs to show for it.  I’m the only one with a full feature p&s (never forget the “full feature” part!).  I’ve done pretty well in keeping my dslr ache at bay.  But it’s going to be harder to ignore if we were to hang out with our paparazzi friends.  Say it with me, I. Dont. Need.  A. DSlr.  Bwahahaha!  Who am I kidding?!  Seriously, I still have to do hundreds of SPs (sponsored posts) in my working blogs before I can afford a camera upgrade.  Send me your positive vibes, please! :)

Going back to the pumpkin patch, Abby snapped out of her sumpong after I threatened to put her on a bus that’ll take her home she saw the pumpkin painting station.  You can say the price for her smile is $3.  Hee hee.

After she picked out the pumpkin of her choice, she immediately went to work.

From the pumpkin painting station, we headed over to the duck races.

It makes for good arm work-out, I tell you! Hee hee! :P

I don’t recall the day being windy.  But why is my hair such an awful mess?

After so many rounds of duck racing, Abby and Hubby ran off to the trees.

I’m now seriously considering getting a real tree for Christmas.

Thank God, Abby’s almost her normal camera loving self. :)

We had lunch afterwards.  Sausage wraps were dirt cheap at $1.50.  And they’re so good, too!  An ear of corn cost $1.50 as well while a cup of lemonade is $.075.  We only spent $8.50 for lunch!  Between you and me, Hubby had 2 sausage wraps!  Hahaha! :P Our friends Rene and Veron brought some baon of Spam musubi/onigiri (spam and rice wrapped in nori/seaweed) and spaghetti. Yum!

After a filling lunch, the kids went to ride on ponies.  It’s the second week in a row that Abby went pony riding.  That’s another $3 damage to the pocket…Hubby’s pocket. Hahaha!

A trip to the pumpkin patch isn’t complete without a hay ride!


Abby and Lica

Hubby and Jun and some of the other dads reminisced their jeepney riding days with their upong bente singko!

We got down at another area of the farm where there were sand art…

…train rides…

…scarecrows…

…antique tractors…

…a speed boat.

There were picnic tables and a playground, too!

Abby and Hubby played their favorite game where Abby jumps and Hubby catches here.  Abby used a big bundle of hay as her launch pad.

Ang saya-saya ng mag-ama! :)

And to prove to you that our NFFs are real and not just a figment of my imagination, here’s our group picture.

To take this pic, the paparazzi laid down their cameras (5 in all) on a picnic table and set the self-timer to 10 seconds.  Two people got cut off from my shot.  Sorry Edwin and Rene!  Hee hee.

And here’s a pic of the kiddos!

It’s too bad one family left earlier and didn’t get to join the group pic. :)

Our day didn’t end here.  This only accounts for 5 hours of the 12-hour fiesta.  To be continued as always. :)

Have a wonderful week ahead, pumpkins! :D  Cheers!

24 Sep 2008 LP #26: Puti at Itim (White and Black) sa Yosemite
 |  Category: Family, Litratong Pinoy, Travel  | 29 Comments

Kuha ang mga sumusunod na larawan sa Yosemite National Park (YNP) sa California.  1,200 square miles ang laki nito at binubuo ng iba’t ibang anyo ng lupa at tubig at iba’t ibang uri ng mga puno.  Ayon sa website ng YNP, pinakakilala ito dahil sa mga waterfalls na matatagpuan sa loob ng park.

Ito ang Bridalveil Falls.  Di tulad ng ibang waterfalls sa YNP na nawawawala o tumitigil sa pag-agos depende sa panahon, ang Bridalveil Fall ay patuloy na umaagos hanggang sa mga huling araw ng summer.

Angkop na angkop ang pangalang Bridalveil sa waterfalls na ito.  Parang napakapino ng tubig.  Napakaganda rin ng contrast ng puting tubig at ng kabatuhang may bahid ng itim.  At pagmasdan ninyo…ngayon nakikita ang tubig…

…ngayo’y parang nawala!

May mga taong naglalakas loob na lakarin ang 200 yards mula sa bungad ng daanan papunta sa falls hanggang sa paanan nito pero para maligo.  Wala kaming ganoong lakas ng loob!  Masaya na kaming magmasid malapit sa fall at kumuha ng mga litrato.

Dito nagtatapos ang aking lahok para sa Litratong Pinoy. Kung kayo’y nakakaramdam ng gutom,  may puti’t itim na biskwit dito, ang isa ko pang lahok sa LP.

Kung kayo’y may panahon pa, inaanyayahan ko kayong ituloy ang pagbabasa at samahan pa ako sa pamamasyal sa Yosemite, ngunit nasa wikang Ingles na ang akingn kuwento. :)  Maraming salamat!

oOo

We had a fantastic time at Yosemite.  It was just wonderful to be surrounded by the overwhelming beauty of nature.  Due to it’s size, getting from major scenic spot to another (by car!) can take some time.

Through a pair of binoculars, my little nature tripper got to take a closer look at her surroundings.

We walked a great lot and that’s the only way one can truly take in and bask in the glory of nature.  We’re glad we brought Abby’s stroller along.  It would have been extremely difficult to take a leisurely walk if hubby and I had to alternately carry Abby!  That would have been some workout!

Pushing a stroller against the pull of gravity is quite a challenge, too!  So we still had a fair share of cardio workout!

oOo

From the Bridalveil Fall, we went to Glacier Point next.  And good golly, the view here was even more breathtakingly amazing!  It was just unfortunate that it was foggy at the time of our visit.  That limited the visibility of the gorges/canyons big time!  Due to the high elevation, it was chilly at Glacier Point…chilly enough for a jacket!

From the spot where we stood, we could clearly see two distinct bodies of water.  Can you spot them? ;)

Let’s close in on them a little bit more. :D

It was chilly but this hiker wouldn’t hear of wearing a jacket!

If it hadn’t been foggy, the backdrop for this photo would be even more perfect than it already is.

oOo

On the drive out back to Mammoth after spending a good 3 hours in Yosemite, (bitin, I tell you!) we, stopped several times, this time, to take photos of clouds mingling with pine tree tops…

…and of lakes, too.

If you’re the type of person who cries at the sight of beautiful things, you’ll be a total emotional wreck by the time you head out of Yosemite.  Hee hee.

The tour ends here. :)  I hope you had fun and thank you for joining me! :D