LP: Batik/Mantsa (Spots/Specks)
Mataga-tagal na akong hindi nakakalahok sa Litratong Pinoy. Malamang ay nagtatampo na sa akin ang aking kaibigang nagsimula nito. Sa mga susunod na linggo, sana’y makabawi ako sa matagal kong pagliban. ;) Ito naman ang aking lahok para sa tema ngayong linggong ito, “Batik/Mantsa” (Spots/Specks).
Noong ika-9 ng Pebrero ay ipinagdiwang ng mga kindergarteners sa paaralan ng aking anak ang ika-isang daa’t isang araw ng pagpasok sa paaralan (101 days of school). Bilang pag-gunita sa araw na ito, hiniling ng mga guro na bihisan ang mga bata ng mga kasuotang itim at puti tulad ng mga kulay ng mga aso sa 101 Dalmatians. Ayun na nga’t pinagdamit ko ang aking anak ng itim na pangitaas na may puting pang-ilalim na mahaba ang manggas. Ang pangibaba naman niya’y palda’t tights na puti.
Umalis ng bahay ang aking anak na wala namang malaking ipinagkaiba ang itsura sa araw-araw niyang pagpasok sa paaralan. Ngunit sa kaniyang pag-uwi, may pagkakaiba na sa kaniyang itsura…

Ang aking limang taong mag-aaral, sa pag-uwi’y “puppy girl” na! Hee hee. May mantsa (spot) ang kaniyang ilong at may suot siyang korona kung saan nakakabit ang dalawang tengang may batik-batik na itim. Ang kyut! :P Ayaw niyang ngumiti noong una nang akin siyang kunan ng mga litrato. Ngunit ngumiti na siya nang payagan kong simutin ang batter ng chocolate cake na katatapos ko lamang ipasok sa pugon para i-bake. ;)
Huwebes na sa Pinas. Miyerkules naman ngayon dito sa aking kinaluluklukan…Ash Wednesday. Sana’y isapuso nating lahat ang kahulugan ng panahon ng Lent.
14 comments14 Comments so far
Leave a reply






‘Tampo’ nga kaya? siguro naman nawala agad kasi nakita nya ulit si Abby!!! May suhol kaya ngumiti, smart talaga ha ha!
pero buti pa si Abby cute sa mantsa sa ilong nya…ako hindi eh, kasi pimple meron tip ng ilong ko ngayon hu hu hu.
Happy LP, chef Weng ;)
Reply
cutee patootee! welcome back wengski!:)
ces´s last blog ..spotty
Reply
So cute! so many moods.
Reply
ang cute naman ng iyong maliit na dalaga sa costume niya, nice shot
Reply
naku ang cute naman ng iyong baby. bagay sa kanya :)
upto6only´s last blog ..LP: Batik
Reply
Welcome back Weng, cute cute! pindot ilong! ;D
Mirage´s last blog ..Batik/Mantsa (Spots)
Reply
welcome back sis :D
cute-cute talaga ni Abby!
julie´s last blog ..SCTEx
Reply
artistic …bagay
carnation´s last blog ..LP: batik/mantsa (spots/specks)
Reply
a very pretty puppy girl!:p
Reply
cute cute and pretty puppy girl!
Arlene`´s last blog ..LP – Batik/Mantsa [Spots & Specks]
Reply
cute ng bebe girl mo. Maligayang araw weng!
Reply
ang cutenaman :) spots nga :) happy huwebes!
http://sunshinearl.com/2010/litratong-pinoy-batikmanstaspotsspeckles/
Reply
aww…ang kyut niya at tamang-tama sa tema natin ngayong linggo:) maligayang LP!
Reply
Ahahahahah! Good one! Love it!
Ken´s last blog ..R.I.P.
Reply