Matagal-tagal na akong hindi nakakalahok sa Litratong Pinoy gawa nang ako’y naging lubos na abala nitong mga nakaraang buwan…at patuloy pa ring abala. :) Ngunit nakita kong ang tema ngayong linggong ito ay madali para sa akin kaya nagawa kong makalahok.
Amoy rosas dito sa aming tahanan noong nakaraang Sabado. At hindi bulaklak na rosas ang aking tinutukoy kundi mga pagkaing kulay rosas (pink)! Masarap ang amoy ng bulak, oo. Ngunit simula nang ako’y nahilig ng husto sa pagluluto, para sa aki’y wala nang sasarap pa sa amoy ng bagong lutong pagkain. ;) Nagkaroon kami ng kaunting pagsasalu-salo dito sa bahay na siyang dinaluhan ng aking mga malalapit na kaibigan at siyempre, narito rin ang aking pamilya. Napili kasi ang aking food blog para sa Foodbuzz 24, 24, 24. Rosas ang tema ng pagsasalu-salo bilang paggunita sa Breast Cancer Awareness Month. Pati ang aking mga panauhin ay nakasuot ng mga kulay rosas na damit.
Ang mga larawang inyong makikita ay kuha ng aking mga kaibigang sina Andrew at Edwin. Sabihin na lang nating sila ang aking mga panauhing litratista para sa aking lahok sa Litratong Pinoy. Dahil nga naging abala ako sa pagaasikaso ng mga pagkain, nawalan ako ng panahong kumuha ng litrato. Mabuti na lamang ako’y kanilang sinaklolohan.
Heto ang aking mga amoy rosas na at kulay rosas pang handa…
MGA PAMPAGANA (APPETIZERS)
1. Shrimp Dumplings
2. Turkey Siomai

3. Kani Maki

4. Spam Musubi
5. Puto Pao

6. Pulang Cocktail Hotdogs at Marshmallows

Karaniwang tinutuhog ang mga pulang hotdog sa isang bamboo stick at nilalagyan ng marshmallow sa dulo. Dahil naubusan na ako ng oras sa pagtuhog at inilagay ko na lamang sa isang wine glass ang mga marshmallows. ;)
SABAW
Sinigang na Hipon sa Bayabas (Shrimp in Sour Broth)
MGA PANGUNAHING ULAM (MAIN DISHES)
1. Sweet and Sour Shrimp Balls

2. Fish Sarciado

3. Ginataang Manok (Chicken with Coconut Milk)
Ito lamang ang pagkaing tila pumalpak at di nagkulay rosas. :D
MGA PANGHIMAGAS (DESSERTS)
1. Ginataang Bilo-Bilo (Rice Balls with Coconut Milk)

2. Mamon (Filipino Sponge Cake)

3. Tinuhog na mga Sariwang Prutas (Fresh Fruit Kebabs)

Bukod sa mga prutas ay mayroon ding kasamang sponge cake at marshmallow. May sawsawan rin ang mga ito….

Ang matalik kong kaibigang si Bet ang siyang naghanda ng mga prutas at mga sawsawang ito.
4. Chocolate Kisses

5. Pink Marshmallows

MGA INUMIN (BEVERAGES)
1. Sagot’s Gulaman (Tapioca Pearls with Jelly)
2. Tropical Fruit Punch
Maagang dumating kaibigan kong si Bet sa party kaya siya ang naatasan kong gumawa ng mga inumin. :) Maraming salamat sa kaniya at di nauhaw ang aking mga bisita. Hee hee. :)
Nakakapagod ang maghanda. Mabuti na lamang at nagkaroon ako ng katulong sa kusina, walang iba kundi ang aking ina. :)
Sana’y nagustuhan ninyo ang aking lahok. Mabuhay! :)






