Litratong Pinoy: Merienda (Snack)
Noong nakaraang Lunes (ika-17 ng Agosto) ay nagdiwang ng ika-limang kaarawan ang aking kaisa-isang prinsesa. Ngunit noong Sabado, ika-15 ng Agosto, namin ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng isang ice-skating party.
Ito ang simpleng meriendang aming inihanda para sa aming mga kamag-anak at kaibigang nakisa sa aming pagdiriwang…
Tatlong klase ng pizza: pepperoni, cheese at combination…

Beef Franks (Hindi pula dahil hindi Pinoy ang mga hotdogs na ito! Hahaha!)…

Baked spaghetti, chips at cheese balls, cream puffs (gawa ng kaibigan kong si Veronica) at mga sariwang grapes at strawberries…

Hindi siyempre kumpleto ang isang birthday party kung walang cake. Kaya ginawan ko ng cake ang aking anak. Hiling lamang niya na ang mga kulay ay pink at purple, may mga bituin at cake sparkles. Gusto sana niya na fondant ang kaniyang cake, ngunit nakumbinsi ko siyang huwag na lamang dahil bukod sa hindi gaanong masarap ang fondant, siksik ito sa asukal at mahal pa. Alam ko ring hindi masyadong mahilig sa fondant ang aming mga kaibigan…tulad ko at ng aking asawa. Hahaha! At isa pa, kailangan ko pa ng ensayo sa pagdekorasyon ng cake gamit ang fondant. Ayaw ko namang pagpraktisan ang birthday cake ng aking anak.
O siya, ito na ang birthday cake ng aking anak para sa kaniyang ika-5 kaarawan….
Ito ang hindi pa tapos na cake. Pinapalamig ko pa sa refrigerator at sa lugar na pagdarausan ng party ko na ikinabit ang mga dekorasyon para sa tuktok ng cake….

8″ ang diameter ng cake sa tuktok at 10″ naman ang diameter ng cake sa ilalim.

Wafer sticks ang ginamit kong pangdekorasyon sa gilid ng cake. Taro ang flavor noong sa itaas, at strawberry naman at sa ibaba. Ang mga bituin naman ay mga marshmallows. Nilagyan ko ng cake sparkles ang mga ito para kumislap ng kaunti.
Ito ang tapos ng cake….
Gumamit ako ng food writer (marker na may edible ink) para isulat ang pangalan ng aking anak sa marshmallows.
Fondant at gumpaste sana ang gagamitin ko para sa mga dekorasyong bituin ngunit kinulang na ako sa oras, kaya’t ang mas masarap na alternatibo na lamang ang aking ginamit…marshmallows! :D
Sa totoo lang, kulang ang nabili kong wafer sticks. Pantay-pantay sana sila. Pinagsalit-salit ko na lamang ang mahaba at maigsing wafer sticks. Ang mga maigsing wafer sticks ay ang kaputol ng mga mahaba.
Ang kikay ng cake slicer ko ano? Regalo sa akin iyan noong aking kaarawan ng isa sa aking mga kaibigan. Alam niya kasing mahilig akong gumawa ng cakes. :)

Nasiyan naman ng husto ang aking anak sa kaniyang birthday cake. Unang pagkakita pa laman niya rito ay napusuan na niya. Laking pasasalamat ko na lamang at sulit ang aking pagod at puyat! :D
Maligayang Bati muli sa iyo, mahal kong prinsesa! *mwah*
Pahabol: Ang unang tatlong litrato at ang huling litrato ay kuha ng aming kaibigang si Andrew. Ang unang dalawang litrato naman ng cake ay kuha ng aking asawa gamit ang kaniyang cellphone. Ang iba pang mga litrato ay ako ang kumuha. :D
26 comments26 Comments so far
Leave a reply






ang ganda ng cake slicer mo sis….I love it :)
at ang ganda ng cake na gawa mo. Very creative mo talaga. Thumbs up!!!! :)
Reply
Muli, maligayang bati sa iyo Princess Abby! Ka swerte mo talaga at si mommy mo ay master baker…at talagang lab na lab ka! Merienda lang yan ha!!!
Hallo Chef Weng *hugs hugs muah muah*
Thess´s last blog ..Hot & cold merienda (LP 71)
Reply
wow bongga ! 5 yrs old pa lang paano na lang sa debut? ang galing ng cake!
carnation´s last blog ..LP: Merienda (Snack)
Reply
Iba na talaga pag si Mommy ang gumawa ng cake!! Saludo ako!
emarene´s last blog ..Merienda (Snacks)
Reply
Belated Happy birthdya to your princess! and ang galing mo naman gumawa ng cake! ganda!
Willa’s LP:Lunch´s last blog ..LP#37:Meryenda (Snack)
Reply
saludo naman ako sa iyo ka-LP sa pag gawa ng cake, at ang sarap ng handa para talaga sa prinsesa, sosyal ang cake slicer mo, belated hapi bday kay Abby
an2nette´s last blog ..LP- Merienda (Snack)
Reply
Blessing in disguise ang pagkakulang ng wafer sticks. Mas maganda naman ang kinalabasan di ba?
Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Merienda (Snack)
Reply
Bongga!! Ang ganda ng cake ni bulilit :)
Happy birthday sa iyong unica hija :)
cookie´s last blog ..LP : Merienda
Reply
naku totoong maingay ang tyan ko sa pagtingin pa lang sa mga pagkaing yan….hala kain na at sundan ng ehersisyo :)
RoseLLe´s last blog ..Pandesal: A Cure for the Homesick
Reply
Wow! Labor of love! Bonggang bongga ang cake. Happy Birthday sa cute mong anak.
sassy mom´s last blog ..LP : Merienda (Snack)
Reply
ang ganda ng cake mo sister! Hay, namiss ko tuloy ang pagba-bake. Sana magkatime na ako for baking. :)
eto naman ang meryenda ko: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pinoy-meryenda-kape-at-bagel-with-herbed-cream-cheese/
bang´s last blog ..Litratong Pinoy: Meryenda – Kape at Bagel with Herbed Cream Cheese
Reply
Wow! Galing ng cake! Maganda sya. Hindi halatang kiuilang ka ng wafer sticks!
Reply
ang sarap sarap naman ng iyong handa. happy birthday sa iyong anak.
upto6only´s last blog ..LP: Merienda
Reply
Pizza!! all-time peboreyt ko :) ang ganda ng keyk! parang ayokong kainin! maligayang LP!
Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#64 Merienda (Snack)
Reply
sarap naman ng mga handa! ung pizza at ung beef franks ang pabotito ko jan. malamang makakrami ako kung invited ako. ahahah!
HAPPY LP!
Meryenda
Well´s last blog ..Litratong Pinoy 71: Meryenda (Snack Break)
Reply
wow, sosy ang cake na gawa mo—you’re very creative! at ang party spread, wala ng mahihiling pa ang mga kids, i’m sure. saya naman. at ang cake server mo pala, i-love-it! Manolo Blahnik-inspired.:P
luna miranda´s last blog ..Make Way for Ducklings [TWTW]
Reply
susmio! kahit ako ay masisiyahan kung ganyan ang aking birthday cake kahit hindi ako 5 yrs old!
gusto kong makibirthday… ang sarap ng handa!
iska´s last blog ..Pizza Bread for Merienda
Reply
Wow, ang sasarap naman ng handa. Belated happy birthday to your daughter. Ang cute nga ng cake slicer at ang dainty ng kulay ng cake.
Lynn´s last blog ..North Park Merienda
Reply
wow andaming handa.. belated happy birthday sa iyong prinsesa :)
eto naman po ung akin :D
mabigat na merienda :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
yeye´s last blog ..LP # 71 – mabigat na merienda
Reply
wow ang sarap ng mga handa, ingit ako…ill pick the pizza
salamat sa pag sali sa tema ngayun at sa masarap na komento
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Jay – Agent112778´s last blog ..LP # 71 : Meryenda (snacks)
Reply
wow na wow! ang siga ng cake slicer tapos ang galing ng cae :-) ang sarap din ng mga ibang handa, nakakagutom. Belated happy birthday sa iyong chikiting.
peachy´s last blog ..LP 71: Merienda (Snack)
Reply
as usual hanga galore ako sa iyong cake-making skills hehehe! pwedeng-pwede nang kalabanin si chef duff! naks!
happy birthday abby! i’m sure your friends enjoyed the snacks your mommy prepared for them. :) *muah*
Reply
wow, kung ganito ang merienda, hindi na ko aabot ng hapunan!
and i love your cake, its really a labor of love and it shows. ang ganda ganda!
heto naman ang aking pinoy na pinoy na merienda!
Dinah´s last blog ..Litratong Pinoy:Merienda
Reply
ang ganda po ng cake at ang cute ng birthday girl..
Meryenda po tau
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/08/lp-71-merienda.html
christina´s last blog ..LP 71: Merienda
Reply
Heto na po ang delinkwenteng ninang at nahuli sa pagbati… :( Happy, happy birthday, dear Abby!
Sarap sanang makisalo sa iyong bonggang party lalo pa’t di lang pagkain ang masarap kundi pati ang samahan.
Weng, parang Marjolaine cake yung design ng mga wafer sticks – galing!
Pinky´s last blog ..LaPiS: Keep It Cool! (Freestyle)
Reply
Ang galing mo naman mag bake Mommy! Very creative!
Sassy Mom´s last blog ..The neatness of ZEN type of design
Reply