Munchkin Mommy

LP: Basa (Wet)

Ilang linggo na rin akong hindi nakakasali sa kasiyahan sa Litratong Pinoy (LP). May tatlo o apat na tema yata ang nakalampas na hindi ako nakasali.  Nag-aabala-abalahan kasi ako.  Hee hee!  Kaya ngayong linggong ito’y muli na naman akong makikigulo. ;)

Para sa temang “Basa” (“wet” sa Ingles at hindi “read” :P), narito ang ilang piling litrato ng aking paboritong modelo.  Kuha ang mga ito noong Araw ng mga Ama nang mapagpasyahan namin at ng aming mga kaibigang magkaroon ng munting salu-salo sa park kung saan ay may lugar upang ang mga bata ay makapag “wisik-wisik” sa mga palaruang shower jets.

Masayang naglaro si Abby at ang kaniyang mga kapuwa bulilit na mga kaibigan sa mga shower jets sa park.

May mga lobo silang pinupuno ng tubig at ibinabato.  Ngunit kadalasan ay nagtatakbuhan lamang sila’t naghahabulan o di kaya’y nakatayo lamang sa isang lugar at naghihintay ng pagbuga ng tubig mula sa mga shower jets.

May dalawang oras na naglaro sila Abby dito sa bahaging ito ng park.  At dahil mga bata, ang dalawang oras ay bitin pa rin!

Pagkatapos magbasa, maganang kumain ang mga bata.  Nagutom siyempre! :)

Marahil bago muling magsimula ang pasukan ay magkakaroon pa kami ng ilang pagbisita sa park na ito. :)

Isa pang lahok para sa LP:  Basa sa Founders Plaza

Mabuhay! :)

25 comments

25 Comments so far

  1. Mapped Memories » LP: Basa (Wet)  July 8th, 2009 9:37 am

    [...] pang lahok para sa LP:  Basa sa Araw ng mga Ama. Posted in: Abby, Litratong Pinoy | | Comments (0) Post [...]

  2. jennyL  July 8th, 2009 11:10 am

    hay naku ang mga bata walang kapaguran sa mga ganyang laro.. naalala ko tuloy nung bata ako sa tabo ko naman lagay ang tubig hehe..

    Happy LP! Eto po mga lahok ko..
    jennyL – http://jennys-corner.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html
    Jenny talks – http://jennytalks.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html
    Blah girl – http://www.intuitivereasoning.com/2009/07/08/litratong-pinoy-basa-wet/

    Reply

  3. Thess  July 8th, 2009 11:12 am

    Ang sarap maging bata ulit! Hmp, hanggang batang utak lang ako pwede boo!

    Hello Abby! kisses from Holland! Chef Weng, muak muak din sa iyo!
    Thess´s last blog ..Hindi lang basa, lunod pa! (LP 65: Basa or wet) My ComLuv Profile

    Reply

  4. Willa  July 8th, 2009 11:16 am

    Halos pareho ang ating entry for this week, mga anak natin na nagpapakabasa!
    Willa´s last blog ..LP#32:Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  5. Linnor  July 8th, 2009 11:55 am

    ako man na-absent ng ilang beses. :) karamihan yata sa mga bata mahilig maglaro sa tubig ;)
    Linnor´s last blog ..LP: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  6. jeanny  July 8th, 2009 11:55 am

    Abby is so cute talga. Love the 3rd shot by the way!!!!

    Happy LP :)

    Reply

  7. Doc Emer  July 8th, 2009 12:23 pm

    Nothing beats being a kid all over again.

    Happy LP! :-)
    Doc Emer´s last blog ..Wet Your Eyes My ComLuv Profile

    Reply

  8. luna miranda  July 8th, 2009 1:00 pm

    na-miss ko tuloy ang mga ligo ko sa alulod (lol). cutie pie ang anak mo.
    luna miranda´s last blog ..Litratong Pinoy: basa [wet] My ComLuv Profile

    Reply

  9. Pinky  July 8th, 2009 2:12 pm

    Siyempre pa, pareho din halos ang “content” ng ating “comeback LP entry” – featuring ang ating favorite “mow-dels” – of course – hahaha! :lol:
    Pinky´s last blog ..LP #65: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  10. sassy mom  July 8th, 2009 5:05 pm

    ANg kyoot ng baby mo at syempre ang gaganda ng shots. Happy LP!
    sassy mom´s last blog ..LP : Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  11. julie  July 8th, 2009 5:18 pm

    Awww, ang saya naman :) Magana talaga sila kumain after magswiming no? Tsaka tulog agad, lol!
    julie´s last blog ..Swimming sa Pansol My ComLuv Profile

    Reply

  12. an2nette  July 8th, 2009 5:36 pm

    bigla kong naalala nung bata pa ako mahilig din akong maglaro ng lobo na may tubig, cute ng daughter mo, happy LP
    an2nette´s last blog ..LP- Basa (wet) My ComLuv Profile

    Reply

  13. CES  July 8th, 2009 6:07 pm

    uy pareho tayo! kakabalik ko lang din haha! malamang walang nag abang ng 12 ng isang buwan! lol! nice shots!:) and again…maligayang kaarawan sa byernes!:)
    CES´s last blog ..a rainy summer [litratong pinoy] My ComLuv Profile

    Reply

  14. Marites  July 8th, 2009 8:29 pm

    kakatuwa siguro diyan sa water park na yan. maligayang LP!
    Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#58 Basa(Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  15. Mauie  July 8th, 2009 8:34 pm

    Tamang-tama pala at summer diyan. Meron ding ganyan sa Manila Zoo. Eto naman ang akin:

    http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html
    Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  16. lino  July 8th, 2009 8:45 pm

    sarap maligo… :)
    happy LP! :)
    lino´s last blog ..wet… My ComLuv Profile

    Reply

  17. peachkins  July 8th, 2009 9:01 pm

    Ang cute ni Abby…ganyan din si Ykaie ko eh
    peachkins´s last blog ..LP: Basa My ComLuv Profile

    Reply

  18. Arlene  July 8th, 2009 9:07 pm

    Kids just love water! I thought of posting my daughter swimming in a pool but i thought of other stuff — so i hpe you can visit my entry.

    Happy LP!
    Arlene´s last blog ..LP – Basa {Wet} My ComLuv Profile

    Reply

  19. iris  July 8th, 2009 10:00 pm

    that looks like so much fun :) sarap maging bata. hehe.
    iris´s last blog ..water [lp] My ComLuv Profile

    Reply

  20. peachy  July 9th, 2009 12:19 am

    wow! ang saya naman! sana makapaglaro din ako sa parkeng ganyan kahit hindi na kabataan :-)

    ito naman ang lahok ko

    magandang araw!
    peachy´s last blog ..LP 62: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  21. arls  July 9th, 2009 12:44 am

    ang ganda ng shots!!! ang sarap ngang maging bata muli!

    happy LP! ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-basa-wet/
    arls´s last blog ..LP: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  22. yeye  July 9th, 2009 5:57 am

    dandaness ni daughter :)

    eto naman po ung akin :D

    BASA

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
    yeye´s last blog ..LP #65 – Basa (wet) My ComLuv Profile

    Reply

  23. Zeee  July 9th, 2009 1:28 pm

    this is perfect Munchkin Mommy! basang basa talaga! I’m sure she’s enjoying herself immensely! :)
    Zeee´s last blog ..LP: Basa (Wet) My ComLuv Profile

    Reply

  24. Gmirage  July 9th, 2009 1:28 pm

    Onga sarap magtampisaw sa tubig lalo na kung bata pa :D ahihi, cuteness! happy LP!
    Gmirage´s last blog ..Auf Wiedersehen – Litratong Pinoy My ComLuv Profile

    Reply

  25. promking  July 10th, 2009 7:45 am

    hello po..

    saan po itong water park na ito? malapit po ba sa Manila?
    promking´s last blog ..The Internet: stepsapart.com My ComLuv Profile

    Reply

Leave a reply