Munchkin Mommy

LP #55 & #56: Tulay at Umpisa Pa Lamang

Hindi na naman ako nakasali sa Litratong Pinoy noong nakaraang linggo.  Nakalimutan ko na kung ano ang aking pinagkaabalahan.  Basta meron. Hahaha!  Kaya dating gawi, dalawang tema ang aking muling pagsasamahin sa isang lahok. :)

LP #55:  Tulay

Kuha ang mga sumusunod na litrato sa Disney’s California Adventure noong Hulyo ng nakaraang taon…


Tulay patungo sa iba’t ibang bahagi ng theme park


Isa pang tulay kung saan may magandang tanawin ang mga thrill rides


Nakikita niyo ba ang tanyag na tulay sa California?  Replica nga lamang pero ok na rin. :D

LP #56: Umpisa Pa Lamang

Nitong nakaraang Lunes ang ikalawang anibersaryo ng aming pagdating dito sa Texas.  Ang bilis ng panahon!  Nakakatuwang isipin na ang itsura ng aming tahanan noong kami’y naguumpisa pa lamang ay ganito…


Ang aming living room


Ang aming informal dining room

Kuha ang mga larawang ito ilang araw bago kami dumating ng aking anak.  Nauna sa amin ang aking asawa ng mga tatlong buwan.  At sa aming pagdating, may 3-seater sofa, arm chair at center table na sa living room at may 4-seater dining table na sa kusina.  Mayroon na ring airbed na naghihintay sa amin.  Hahaha!  Sa dalawang taon naming paninirahan dito, unti-unti rin naming napuno ng mga kalat ang aming bahay.

Literal na “clean slate” ang aming paguumpisa dito sa Texas.  Nagpapasalamat kami sa Diyos sa kaniyang mga biyaya at patuloy na pagpatnubay sa at pagtugon sa mga pangangailan ng aming pamilya.

Mabuhay!

24 comments

24 Comments so far

  1. [...] Isa pang lahok para sa LP DITO. [...]

  2. CES  May 6th, 2009 11:09 am

    aba, bakit ka kaya busy noong nakaraang linggo??hmm… malamang nag-b-bake ka na naman! lol! hala ayaw lumabas ng ibang photos…ako rin knina ..glitch kaya ito ng photobucket? babalikan ko nlang:) at sana makabalik kami sa disney soon!:)

    CESs last blog post..Litratong Pinoy: Starters

    Reply

    munchkinmommy Reply:

    Hi Ces! Ah naalala ko na! Last day ng RE sa school. Nagbebake nga ako! Hahaha! Naibalik ko na ang pics. Na-delete ko sa Photobucket by accident. Sorry! Shock nga ako nang makita kong nawawala ang pics. Hee hee! :P

    Reply

  3. Thess  May 6th, 2009 11:18 am

    I know what you did last week! :P

    Ang bilis talaga ng panahon Weng ano? Nakakatuwa balikan o makita ang itsura ng bahay bago kayo lumipat. Ang linis ba? lol!

    Reply

    munchkinmommy Reply:

    Hi Thess! Ipaalala mo nga sa akin! Kung nakakahiya, sa YM na lang. Hahaha! Ang linis ng bahay namin noon. Those were the days. Ngayon, kulang na ang space sa mga naipon naming kalat. Hahaha! *mwah*

    Reply

  4. Julie  May 6th, 2009 11:24 am

    Ang bilis nga ng panahon ano? Pati si little girl, nasubaybayan namin ang paglaki niya :)

    Ako kaya, kelan mapupunta dyan, j/k!

    Reply

  5. Joy  May 6th, 2009 1:35 pm

    Naku, nakakatuwang balikan ang mga araw ng pagsisimula. Naalala ko rin nung kami, walang laman ang apartment.

    Ito po ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lang-only-beginning.html

    Magandang araw!

    Joys last blog post..LP: Simula Pa Lang (Only the Beginning)

    Reply

  6. Meeya  May 6th, 2009 3:01 pm

    naalala ko rin, nung unang dumating kami sa US ang dala lang namin anim na maleta. ngayon, yung kagamitan namin, hindi na namin mapagkasya sa 14-ft na uhaul truck, haha! :D

    Meeyas last blog post..Simula Pa Lamang at Mga Tulay

    Reply

  7. Gmirage  May 6th, 2009 3:17 pm

    Linis! ahaha ganun nga tamang kalat minsan pero ok na din ibig sabihin talagang nagdadagdag, sa simula konti tapos dadami. Love the bridges photos…Happy LP!

    Gmirages last blog post..Simula pa lamang/Just the beginning- Litratong Pinoy

    Reply

  8. Marc  May 6th, 2009 6:01 pm

    Ang linis! Goodluck!

    Marcs last blog post..Simula pa Lamang

    Reply

  9. maver  May 6th, 2009 7:03 pm

    2 years na pala?!?! ang bilis nga ng panahon. at ang lalaki na ng mga anak natin! nawa’y maging maganda ang bunga inyong sinimulan dyan :D

    eto po ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/05/lp-53-simula-pa-lamang.html

    mavers last blog post..LP #53: SIMULA PA LAMANG

    Reply

  10. mommy jes  May 6th, 2009 7:39 pm

    hmm ganun tlga pag wala p ang momy n tiga ayus…ganyan ang magiging simula ng house eheheh =) pag dating mo for sure napaka ayus n nya at madami ng kasangkapan =0 narito po ang aking lahojk – http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html

    mommy jess last blog post..LP : Simula Pa Lamang

    Reply

  11. purplesea  May 6th, 2009 8:55 pm

    ganun pala dapat… pag may namiss, magpost pa din… hehehe! love ko yung night shot mo sa temang tulay. Sana magpatuloy ang magandang simula nyo dyan sa ibang bansa.

    purpleseas last blog post..LP 56: Simula Pa Lang

    Reply

  12. Rico  May 6th, 2009 9:42 pm

    Isang magandang panimula iyan. Kami rin ng aking misis ay nagsisimula pa lamang, at lulad niyo, unti unti na rin naming napupuno ng “kalat” ang aming apartment. ;)

    Ricos last blog post..LP008: Simula Pa Lamang

    Reply

  13. sassy mom  May 6th, 2009 9:51 pm

    Nakakatuwang balikan ang ating mga pinagmulan, kung iisipin mo lalo ang narating mo na ngayon.

    Magandang Huwebes!

    Eto naman ang aking lahok.

    Reply

  14. Eds  May 7th, 2009 1:13 am

    Wow! Kainggit naman at may bagong bahay ka na… sana kami rin malapit na! :)

    http://www.mypreciousniche.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lamang.html

    Edss last blog post..Litratong Pinoy : Simula Pa Lamang

    Reply

  15. iska  May 7th, 2009 3:10 am

    Naku naalala ko ang aming pagsisimula sa NZ. Isang buwan mahigit yatang wala kaming kasangkapan sa bahay. Puro gamit lang sa pagluluto at kama hehehe

    iskas last blog post..LP56: Sotanghon Guisado

    Reply

  16. Arlene  May 7th, 2009 7:39 am

    Great photos!

    I love the feel of an empty house before the move but love the filled house even more. :)

    Arlenes last blog post..LP – Simula Pa Lamang

    Reply

  17. Jay - Agent112778  May 7th, 2009 9:10 am

    wow nice pix, lalo nayung new house

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778s last blog post..LP # 56 : Simula Palamang (Just the beggining) …

    Reply

  18. Jesz - lekultisziefamilie  May 7th, 2009 9:12 am

    nice house, ano kaya ang itsura nyan now

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jesz – lekultisziefamilies last blog post..Simula Pa Lamang (Just the Start)

    Reply

  19. beybigurl  May 7th, 2009 3:16 pm

    ang sayang tulay naman!

    at ang gandang simula naman nyan!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-56-simula-pa-lamang.html

    Reply

  20. Ria  May 8th, 2009 12:15 am

    napadaan! ang sarap siguro magsimula sa isang bagong tahanan…

    Rias last blog post..Sa Simula ng Habangbuhay (At The Beginning of Forever )

    Reply

  21. haze  May 8th, 2009 12:55 am

    kailang kaya kami magkakaroon ng sariling bahay? eto ang inaabangan kong simula para sa pamilya namin. :)

    happy LP!

    hazes last blog post..LP#56: Simula pa lang

    Reply

  22. silentprincess  May 9th, 2009 1:11 am

    kaygandang mga litrato at kaygaling na pag-uumpisa.

    http://www.thesilentprincess.com/?p=280#more-280

    Happy Mother’s Day!

    silentprincesss last blog post..LP: Simula pa lamang

    Reply

Leave a reply