Munchkin Mommy

LP #53 & #54: Hardin at Gusali

Mabuhay!  Hindi ako nakasali noong nakaraang linggo sa LP gawa ng ako’y naging abala. :) Ngunit hindi ko maaaring laktawan ang tema noong nakaraang linggo dahil mayroon akong mga larawang nakalaan para dito.

Para sa temang “Hardin” narito ang ilan sa aking mga paboritong larawang kuha mula sa isa sa pinaka magandang hardin dito sa Texas, ang Dallas Arboretum.  Kuha ang mga ito noong ika-21 ng Marso.  Tuwing panahon ng Tagsibol (Spring) ay nagdaraos ang Dallas Arboretum ng isang festival na tinatawag na “Dallas Blooms” at ngayong taong ito ay nagdiwang ang festival ng ika-25 taong anibersaryo.  Tumatagal ang festival ng anim na linggo, mula ika-7 ng Marso hanggang ika-12 ng Abril.

Pangatlong pagbisita na namin ito sa Dallas Arboretum.  Winter ng una kaming magpunta rito at summer naman ang pangalawang pagkakataon.  Lagi kong hindi inaabutan ang mga tulips na siya kong pinakaaasam-asam na masilayan.  Ngunit nitong huli naming pagbisita, libu-libong tulips ang aking nakita.  Tulips overdose ang nangyari!  Nakakaaliw!

Marami akong kuha litrato mula sa Dallas Arboretum.  Pinagsama-sama ko na lamang sila sa isang slideshow para maibahagi ko sa inyo. ;)

Para naman sa temang “Gusali”, isang larawang kuha rin sa aming huling pagbisita sa Dallas ang aking napili…

Ang gusaling ito ay ang Bank of America Plaza. Naipakita ko na ang gusaling ito noon para sa temang “Hugis ay Pahaba”, ngunit ang larawan iyon ay kuha nang may araw pa.  Narito ang ilang impormasyon tungkol sa gusaling ito:

Bank of America Plaza – Ito ay may taas na 72 palapag at nang matapos itayo noong taong 1985, ito’y hinirang bilang pinakamataas na gusali sa Dallas.  Ang gusaling ito ay binubuo ng mga “silver reflective glass”.  Sa gabi, ang outline ng Bank of America Plaza ay naiilawan ng mahigit dalawang milyang kulay berdeng ilaw at ito’y tanaw sa mga lugar na milya-milya ang layo mula sa gusali.  Ang nagdisenyo ng gusaling ito ay ang JPJ Architects.

Isa pang lahok para sa LP DITO.

Kita-kita ulit sa isang linggo para sa isa na namang bagong tema ng Litratong Pinoy. ;)  Mabuhay!

26 comments

26 Comments so far

  1. fortuitous faery  April 22nd, 2009 11:51 am

    gorgeous tulips! nakapunta na rin ako sa dallas pero dun kami sa sixth floor museum tsaka sa JFK monument pumunta.

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#47: gusali (building)

    Reply

  2. Gmirage  April 22nd, 2009 11:51 am

    Wenggg! haha napasigaw ako sa ganda ng mga tulips mo! Wow na wow! Japanese maple tree b yun? Gaganda!

    Gmirages last blog post..Gusali/Building – Litratong Pinoy

    Reply

  3. Willa  April 22nd, 2009 12:19 pm

    ang gaganda ng mga tulips!!! grabeh!!!!!

    Willas last blog post..LP#23:Gusali (Building)

    Reply

  4. [...] Isa pang lahok para sa LP DITO. [...]

  5. Pinky  April 22nd, 2009 4:33 pm

    Ganda-ganda ng mga tulips – sobra!!! At yung gusali naman ay nagpaalala sa akin sa ilang buildings sa may HK Harbor na kasali sa Light and Sound show doon.

    Pinkys last blog post..LP #54: Gusali?

    Reply

  6. lino  April 22nd, 2009 6:21 pm

    nice… happy huwebes… :)

    linos last blog post..gusali…(building)

    Reply

  7. Mauie Flores  April 22nd, 2009 8:32 pm

    huli man daw at magaling ay naihahabol din! ganda ng mga tulips!

    Magandang araw ka-LP! Sana’y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong linggo:
    http://www.maureenflores.com/2009/04/litratong-pinoy-gusali.html

    Mauie Floress last blog post..Litratong Pinoy: Gusali

    Reply

  8. Marites  April 22nd, 2009 8:58 pm

    tulips! pangarap kong magpalitrato sa kalagitnaan ng libu-libong tulips! Pwde kayang higaan at sa itaas ang anggulo? hehehe! ganda ng mga litrato mo ah..kakatuwa!

    Kung hindi ako nagkakamali, meron ding gusaling napakalaki ang Bank of America sa Hongkong..halos ganyan kataas din.

    maligayang LP!

    Maritess last blog post..litratong pinoy: gusali

    Reply

  9. kg  April 22nd, 2009 9:48 pm

    gosh! ang ganda nung una mong litrato! parang peke yung mga tulips! napangiti ako sa ganda! :)

    kgs last blog post..LP1: gusali

    Reply

  10. ~~jennyL~~  April 22nd, 2009 11:12 pm

    ohhhhh myyy gosh….. fave ko yang tulips na yan at iyan ang wish ko naman na makakita ng gadnen .. syang d ko inabot yung sa australia nung winter nila..

    ayan nangrapa ako ulit hehe..

    ~~jennyL~~s last blog post..I’m the Guest Photographer at Litratong Pinoy

    Reply

  11. ~~jennyL~~  April 22nd, 2009 11:13 pm

    haha pasensya na po sa mga typo ko sa huling comment ko .. sadyang na excite ako sa tulips eh hahaha

    ~~jennyL~~s last blog post..I’m the Guest Photographer at Litratong Pinoy

    Reply

  12. peachy  April 23rd, 2009 12:57 am

    ang galing! makulay ang buhay :-) ang ganda rin ng gusali, ang taas naman. Happy Huwebes!

    peachys last blog post..LP 54: Gusali

    Reply

  13. iska  April 23rd, 2009 3:43 am

    wow! wala akong masabi ang ganda ng mga tulips!

    iskas last blog post..LP54: Mga Gusali sa Beijing

    Reply

  14. Jay - Agent112778  April 23rd, 2009 4:56 am

    nice shot sa flowers

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778s last blog post..ABC Wed R4 : the letter "N"

    Reply

  15. Julie  April 23rd, 2009 5:28 am

    Ang gaganda ng mga bulaklak at gusali!

    Reply

  16. Meeya  April 23rd, 2009 11:01 am

    ang ganda ganda ganda ng mga tulips!!! :D dun sa LP entry ko, ang tawag naman sa festival sa biltmore ay festival of flowers, akala ko yun na ang pinakamagandang display ng tulips na nakita ko pero parang talbog yata sa dallas blooms hehehe! :D

    Meeyas last blog post..Hardin at Gusali

    Reply

  17. Junnie  April 23rd, 2009 2:37 pm

    wow nakahabol ka sa hardin, este, meron palang gusali….nakita ko yang Bank of America na yan…ganda kapag may ilaw pala….

    Reply

  18. Rico  April 23rd, 2009 7:04 pm

    Ganda ng mga tulips! Kung ako rin yun, malamang napagtripan ko ring kunan sila.

    Ricos last blog post..LP006: Gusali

    Reply

  19. Arlene  April 23rd, 2009 8:37 pm

    Hi Wheng, grabe napaganda ng bulakalak sa hardin ninyo! Really they are pretty!

    The gusali..wow ang lights!

    Nice shots you got here…Happy LP!

    Arlenes last blog post..LP – Gusali

    Reply

  20. haze  April 23rd, 2009 10:08 pm

    ang gaganda ng mga tulips! buhay na buhay ang kulay! :)

    nagbabalik po sa LP hehe

    hazes last blog post..LP#54: Gusali

    Reply

  21. caryn  April 24th, 2009 12:32 am

    ang ganda ng kulay ng mga tulips! ;-)

    caryns last blog post..colors of autumn

    Reply

  22. Kaje  April 24th, 2009 2:28 am

    naku, buti at isinali mo pa rin ang lahok mong dapat nung isang linggo, nakakatuwang makita ang mga bulaklak, napakaganda! :)

    Reply

  23. Thess  April 24th, 2009 5:47 am

    Weng ang ganda ng pagkakahalo nila ng pastel colored tulips! Type ko yung shot na may istatwa sa gilid- ganda ng perspective mo :)

    Thesss last blog post..Magastos na mga GUSALI! (LP 54)

    Reply

  24. pao  April 24th, 2009 10:29 pm

    oh my! ang ganda ng mga tulips, pramis. i can stare at them all day siguro kung andiyan ako sa hardin na yan.

    paos last blog post..Take a peek…

    Reply

  25. Twinkie  April 26th, 2009 9:23 am

    Sa pa-lima limang nakikita ko rito na tulips ay tuwang-tuwa na ako. Kung ako siguro ang nakakita ng mga iyan sa personal, naiyak na ko sa tuwa. Pramis! Walang biro! Ang ganda, sobra!!! Thank you for sharing all the beautiful photos.

    Twinkies last blog post..Fifi’s Wellies

    Reply

  26. toni  April 29th, 2009 4:42 am

    Ang gaganda ng mga bulaklak. Parang ang sarap tumalon sa gitna nilang lahat. Hahaha. Wasak ang kagandahan nga lang!

    tonis last blog post..Our growing family

    Reply

Leave a reply