Munchkin Mommy

LP #48: Bag

Ito ang aking mga “makabagong bayong”…

Kilala ang mga ito sa pangalang “Chico Bag“.  Reusable shopping bags ang mga ito.  Hangga’t maari kasi ay ayaw ko nang gumamit ng mga plastic bags, lalo na yung mga pinaglalagyan ng napamili sa grocery.  Bagama’t mayroon akong nalalamang magandang paraan upang maging maayos ang pagtatago sa mga plastic bags at hindi maging masakit sa mata, wala akong panahong magtutupi ng mga ito.   Kaya ayan, namili ako ng mga Chico Bags sa internet at gusto kong bumili ng marami pa! Natutuwa kasi ako sa mga kulay.

Narito ang mga magagandang katangian ng Chico Bag:

* kasing laki ng isang full-sized shopping bag

* may mga hawakang madaling bitbitin

* naitutupi sa isang built-in na bulsa (pouch)

* maaring isabit sa key chain o loop ng sinturon

* gawa sa matibay at nahuhugasang polyester

* nakakargahan ng hanggang 25 lbs. na bigat

* maaring hugasan sa washing machine at isampay para matuyo

Ang paggamit ng reusable shopping bags ay magandang kontribusyon para sa pangangalaga ng kalikasan.  Ikaw, gumagamit ka rin ba ng reusable shopping bags?  Isang Chico Bag ang kasama sa premyo sa munting palaro sa aking food blog.  ;)

Isa pang lahok para sa LP:  Mga Bags ng Kilalang Fashionista

Mabuhay!

ps: Siya nga pala, ito ay hindi bayad na patalastas.  Hahaha! :P

33 comments

33 Comments so far

  1. Mapped Memories » LP #48: Bag  March 4th, 2009 10:21 am

    [...] Isa pang lahok para sa LP:  Mga Makabagong Bayong [...]

  2. Em Dy  March 4th, 2009 10:34 am

    Ang cute nung pangalawang larawan. Makulay! Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..No More Plastic

    Reply

  3. CES  March 4th, 2009 10:53 am

    kilala ko yan! meron ako nyang pulang yan:) hehe!

    CESs last blog post..Litrato: bag

    Reply

  4. libay  March 4th, 2009 10:57 am

    nakakatuwa ang cute :) gusto ko yung orange.

    libays last blog post..Litratong Pinoy (6) – Bag

    Reply

  5. thess  March 4th, 2009 11:15 am

    beri kolorpul! teka muna, may palaro ka? tapos na ba? baka sakali sanang makapanalo ng chico he he…

    opo, gumagamit ako ng reuseable bags gaya nyan. Mas gusto ko itong bitbitin keysa sa plastic bags ha.

    Reply

  6. Jay  March 4th, 2009 11:38 am

    wow much better ito kesa sa market bag ko

    ako din less plastic as much as possible kaya natutuwa ang mga tindera sa akin kasi sa aking bag na dala :D

    my profile photo sa blogger says it all

    mula sa puso eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP # 48: Bag

    Reply

  7. FickleMinded  March 4th, 2009 12:14 pm

    at makukulay pa sila!
    LP:BAG

    FickleMindeds last blog post..LP#18:Bag

    Reply

  8. Gmirage  March 4th, 2009 12:57 pm

    Super praktikal nyan! Di ko tatanggihan kung bibigyan mo ko. lol. Happy LP!

    Reply

  9. pining  March 4th, 2009 2:13 pm

    aba meron pala niyan, ang ku cute :-)
    kami din reusable bag ang gamit… save the bag, save the world he he…

    pinings last blog post..Mga makukulay na Bag

    Reply

  10. Pinky  March 4th, 2009 2:22 pm

    Sana nga kumalat na sa buong mundo ang “green initiatives” tulad nito dahil malaking tulong ito sa kalikasan. At sana din, mapalunan ko ang isa nito sa Cafe Munchkin pa-raffle – hahaha! :lol: O, shameless plug pa ha! ;)

    Pinkys last blog post..LP #48: Bag

    Reply

  11. fortuitous faery  March 4th, 2009 3:19 pm

    cute naman ng chico bags! eco-friendly pa! pang-emergency pati dahil puwedeng matiklop sa bulsa…hehe.

    thanks for sharing your blog contest! baka sumali ako…. :P

    Reply

  12. MArites  March 4th, 2009 4:46 pm

    ay, ang ganda. ngayon ko lang nakita yan. Oo nga, dapat hindi tayo masyadong gamit ng plastic.

    MAritess last blog post..Litratong Pinoy#41 Bag

    Reply

  13. dang  March 4th, 2009 5:16 pm

    opo, gumagamit po ako ng reusable shopping bag pero hindi po ganito..kaya kelangan ko ng kumilos para magkaron ;)..maligayang lp!

    dangs last blog post..LP 42 Kahel

    Reply

  14. julie  March 4th, 2009 6:28 pm

    Aba, ang dami mo palang ganito :D Kinarir mo ang koleksyon mo, pero siyempre, ise-share mo naman kaya ok lang ;)

    Happy Thursday Weng :)

    Reply

  15. Rico  March 4th, 2009 6:49 pm

    Ang galing nito. Kami rin ay may mga “green” bags na binili at ito ay aming ginagamit tuwing kami ay namimili. Bukod dito ay may bayong din kami na amin namang ginagamit sa tuwing namamalengke sa Salcedo Market.

    Ricos last blog post..LP002: Bag

    Reply

  16. milet  March 4th, 2009 7:12 pm

    sana dumami pa ang ganitong bag at marami ang gumamit.

    salamat sa pagbisita.

    milets last blog post..LP 48 : BaG

    Reply

  17. sassy mom  March 4th, 2009 9:35 pm

    Ay, gusto ko niyang Chico Bags. Ang ganda ang earth friendly pa.

    sassy moms last blog post..Litratong Pinoy : Bags

    Reply

  18. Ken  March 4th, 2009 10:57 pm

    Okay yan! I like the Chico bags. Versatile talaga.

    Kens last blog post..Ebolusyon ng Back Pack

    Reply

  19. maver  March 4th, 2009 11:56 pm

    uyyy, eto ang pinamimigay sa blog birthday diba? hahabol ako! hehehe! try mo din ang envirosax, cute din ang mga disenyo :) happy lp!

    mavers last blog post..LP #45: BAG

    Reply

  20. iska  March 5th, 2009 12:40 am

    nice bags! colorful indeed!

    gumagamit ako ng trolley-type grocery bag yun bang pang-lola. para hindi mabigat magbuhat kung malayo ang lalakarin sa pamimili….

    iskas last blog post..Litratong Pinoy 48: My Favorite Bag

    Reply

  21. FamiliaKhuletz  March 5th, 2009 1:46 am

    …mas masarap ngang gumamit nang ganyan bag… nakakatulong kasi sa kalikasan…

    …happy lp…akin lahok

    FamiliaKhuletzs last blog post..bag

    Reply

  22. bang  March 5th, 2009 1:51 am

    ang ganda naman niyan…gusto ko din nyan. :)

    bangs last blog post..Litratong Pinoy: Bag

    Reply

  23. cheh  March 5th, 2009 2:34 am

    Nakakatuwa ang kulay! kung araw araw akong mamalengke,pedeng red pag lunes,yellow naman pag martes,dapat match din yung sapatos ko hehe

    Musta mi weng? long time no dalawa bwizi bwizihan lang :)

    chehs last blog post..litratong Pinoy 14: Bag

    Reply

  24. luna miranda  March 5th, 2009 5:01 am

    gaganda! ang aking reusable bag hindi nakasupot…kaya lagi kong nakakalimutan!:D

    luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: bag

    Reply

  25. redlan  March 5th, 2009 5:33 am

    uy ganda ng mga reusable bags mo.

    redlans last blog post..LP: SLING BAG

    Reply

  26. Junnie  March 5th, 2009 11:13 am

    meron ako nyan…galing sa Austin, Texas…at hulaan mo ano ang nasa bulsa ko ngayon – si Munchico!

    Reply

  27. lino  March 5th, 2009 7:21 pm

    ayos ang mga kulay ah… happy LP! :)

    linos last blog post..BAGuio…

    Reply

  28. yeye  March 5th, 2009 10:08 pm

    parang gusto ko ng ganyan..ANG GALING :D

    eto naman po ung entry ko this week:
    BAG :D

    HAPPY LP po:)

    yeyes last blog post..for motion discomfort – LP#48 BAG

    Reply

  29. arls  March 5th, 2009 10:54 pm

    ang ganda naman ng bags. ang daming kulay!!! go green na rin ako. sana dumami na tayo!

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

    arlss last blog post..LP: Bag

    Reply

  30. NeLL  March 5th, 2009 11:05 pm

    hello sis weng, miss you so much kapatid! love your entry, parehas tayo ng lahok- reusable bags. cheers to doing our part to help the environment. mwah!

    NeLLs last blog post..When Sorry’s Not Enough

    Reply

  31. aleng  March 6th, 2009 8:24 am

    hehe.. dito sa lugar ko ngayon hindi na nagbibigay ng mga plastic bags sa mga supermarkets kaya forced kaming bumili ng mga bayong LOL pero ok na rin dahil iwas kalat sa bahay..haha..

    alengs last blog post..Litratong Pinoy (1) – Bag

    Reply

  32. kotsengkuba  March 8th, 2009 9:05 am

    i think i’ll win this bag, lols ;-)

    kotsengkubas last blog post..Tifa Mari | Two-Year Old Extraordinaire

    Reply

  33. Meeya  March 11th, 2009 10:10 pm

    uuuy, meron ako niyan, kulay blue :D

    Reply

Leave a reply