LP #47: (Mga) Bulaklak (Flower/s)
Hindi ba’t mayroong mga tinatawag na “edible flowers”, mga bulaklak na maaaring kainin? Hindi pa siguro ako nakatikim ng tunay na edible flowers dahil siguradong matatandaan ko kung nangyari na iyon. Ngunit ang gawa-gawang bulaklak na maaring kainin ay nakatikim at nakagawa na ako mismo.

May isang buwan na ang nakalipas ng ako ay magsimulang mahumaling sa pagdedecorate ng keyk. Ang pangalawang keyk na aking nilagyan ng dekorasyon ang nakikita niyo rito ngayon.

Medyo nasobrahan sa pagka-stiff ang buttercream icing na ginamit ko kaya nagkaroon ng effect na parang punit-punit ang mga petals ng mga rosas. Mabuti na rin lamang at hindi naging creamy ang icing. Nagustuhan ko kasi ang epekto ng mistulang punit-punit na petals. :)

Sa bandang ibaba ng cake ay may mga “sweet peas”, mga simpleng bulaklak na nakakadagdag ng ganda sa keyk.

Siyempre pa, may nakaabang sa keyk at minamadali ako sa pagkuha ng litrato!

Pigil na pigil sa pagsundot ng icing ang anak ko. Haha! :)
Nailathala ko na ang mga litratong ito sa aking food blog, na noong ika-12 ng Pebrero ay nag-unang taong anibersaryo. Bilang pagdiriwang, mayroon akong maliit na pakulo ngayon doon para sa aking mga suking magbabasa. :) Gusto niyo bang sumali? Puntahan niyo lamang ito: Cafe Munchkin’s Birthday Blowout. Mas maraming kasali, mas masaya! :)
Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Bulaklak na Hindi Nalalanta
Mabuhay! :)
28 comments28 Comments so far
Leave a reply






[...] Isa pang lahok para sa LP dito: Mga Bulaklak na Nakakain [...]
Hindi ko yan tatanggihan!!! Ay ang ating artist! Happy LP!
Gizelles last blog post..Litratong Pinoy – Mga Bulaklak/Flowers
Reply
ang galing mo naman! gusto ko rin matuto magdecorate ng keyk!
Paulas last blog post..LP 02.26.2009 – Bulaklak
Reply
dito nalang kita aasarin wengski! hahaha! sarap namang bulaklak na ito! uy marunong ka na ba nung matigas na bersyon nito? haha! sarap nun e, paborito ko dating papakin:) at syempre pretty abby donning a pretty flowery shirt!:) mwah mwah!
CESs last blog post..flowers, fresh or faux
Reply
ang ganda nga ng effect. kung ako din ang anak mo, malamang nakaabang din ako at mamadaliin din kita :)
cookies last blog post..Litratong Pinoy : Bulaklak
Reply
Oo nga, mas type ko din ang punit-punit effect ng mga petals – galing-galing mo na talaga mag-bake, cousin! :D At ganyan pala itsura ng sweet peas – salamat sa bagong kaalaman!
Pinkys last blog post..LP #47: Bulaklak
Reply
uy,ang ganda. Nung HS gumawa kami ng ganyan peo di tumigas ang sugar flowers kasi ilang araw na nag-uulan :D
Cute ni Abby :)
julies last blog post..Calamansi Flower
Reply
nakaabang talaga! eh kung ako man si abby, why not? :) ang ganda ng cake weng. :)
iriss last blog post..Bulaklak sa langit [lp]
Reply
ganyan din bulaklak ko, hahaa. pero mas maganda ang cake mo :)
kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0906 » Bulaklak
Reply
aaaawww. ang cute. ang ganda ng cake!
nakatikim na ako ng edible rose petal sa sonya’s. :) mejo adventurous ako sa food kaya ok sa akin ang edible flowers!
happy huwebes ka LP!
arlss last blog post..LP: Bulaklak (Flower)
Reply
ang ganda naman!
kathycots last blog post..LP: Bulaklak {flower}
Reply
Di lang sweet ang kulay at literal pang matamis ang mga bulaklak na yan, hehehe ang sarap dilaan. Happy Lp Thursday. Here’s my entry http://www.mariegvergara.com/?p=569
maries last blog post..Cyber Monday Shopping
Reply
Nais ko ring matutong mag bake ng ganyan kagandang cake! Mukhang masarap.
sassy moms last blog post..Litratong Pinoy : Bulaklak
Reply
Napakaganda ng iyong bulaklak. Kakaiba. Bulaklak na nakakain. Sigurado akong masarap yan!
Ricos last blog post..LP001: Bulaklak
Reply
honga naman, flower icing… nice. happy thursday… :)
linos last blog post..flower…
Reply
wow, natakam ako sa bulaklak mo!
happy hwebes!
Reply
wow. mukhang sarap nung cake ah… and ang ganda ng detalye nung icing na flowers.
purpleseas last blog post..LP 47: Bulaklak
Reply
ang ganda! if only i have the time, i’d attend one of those cake decorating classes myself… *sigh*
Sleepless In KLs last blog post..Luggage Lockers At Amsterdam Central Station
Reply
uy ang ganda naman!!!! akala ko gumawa ka ng gum paste para sa mga bulaklak eh. :) nakakatuwa rin yun, sana matry mo minsan.
incoherents last blog post..Ehh.
Reply
wow! ang galing ng pagkagawa ng mga bulaklak na iyan. Parang ang hirap atang gawin at nakakapanghinayang na kainin.
MAritess last blog post..Litratong Pinoy#40 Bulaklak(Flower)
Reply
kakaibang bulaklak…edible na edible…kahit ako malapit ko nang sunggaban mula sa monitor ko…
ayus yung pagkapunit punit…realistic!
Reply
pag-uwi mo dito sa Pinas punta ka sa Sonia’s Garden, dun nagse-serve sila ng edible flowers ^_^
favorite kong kainin ang mga bulaklak sa cake, at nakikipag agawan pako dito
Girlies last blog post..Bulaklak (Flower) : 39th Litratong Pinoy
Reply
Sarap naman niyan. Hay! Eto nanaman ako’t nangangarap makakain ng cake.
Mauies last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak (Flower)
Reply
napaka-artistic naman ng icing flowers mo! :)
Reply
wow!!!!God bless your hands :D
sana i can see more of your flowers in cakes :D
mula sa puso eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Jays last blog post..Pinoy Street Food # 18: Cheese Sticks
Reply
Nice cake… it looks so yummy…and I must mention that you have a very impresive website!!!
Reply
how special, how goldilocks, hehe! ilang beses ko na bang nasabi sa iyo na idol na idol kita talaga sa iyong pagiging artistic??? kulang pa yun kaya heto dadagdagan ko… ang galing mo talaga! :D
Reply
ang ganda nang mga bulaklak!!!!!!! talagang nasiyahan ako sa pag papanood…..
Reply