LP #46: Tipanan (Date)
Saan kayo nagtipan ng inyong iniirog noong nakalipas na Araw ng mga Puso? Madaling araw pa lang ba ay nasa Dangwa na si mahal para mag-abang ng bagong hatid na mga bulaklak? O di kaya’y espesyal na delivery ang inyong natanggap mula sa mamahaling tindahan ng mga bulaklak? Paano man ninyo ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso, natitiyak kong naging napakasaya ninyo noong araw na iyon. At siya ngang nararapat!
Abala ang aming pamilya noong Araw ng mga Puso. Naanyayahan sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang kamag-aral ang aking anak ng mga bandang tanghali. Noong hapon, naman ay kasama namin ang aming mga kabarkada dito sa Texas para sa isang family fitness date. Kakaiba ano? Haha! :)
At noong gabi, ito kaming mag-asawa…

Mukhang tipanan sa biglang tingin ano? Saan namin iniwan ang aming anak? Dito…

…sa kabilang mesa! Hahaha! Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan (mga anak ng aming mga kaibigan din)! Ito pa ang isang kuha nila habang kumakain…

Limang pamilya kaming nag family-date noong Araw ng mga Puso. Nagsimula sa isang fitness center at siyempre, dahil nagutom sa pageehersisyo at sa paglangoy, sabay-sabay kumain ng hapunan. Isang mesa ang inokupa ng mga bata at tig-iisa naman kaming mesa na mga magulang. Parang tipanan na rin! :D Ganiyan talaga ang buhay Amerika…walang yaya at pare-pareho kaming walang lolo’t lolang mapagiiwanan ng mga bata para sa saglit na pagtitipan. Ok lang, mas masaya naman ang nangyari. Sa katunayan, hindi pa dito natapos ang aming gabi. Inanyayahan kami ng aming mga kaibigan sa kanilang bahay kung saan naman nagpatuloy pa ng paglalaro ang mga bata (instant costume party!) habang kaming mga magulang ay nagkuwentuhan at nagtawanan hanggang makalipas ang hatinggabi (instant comedy show!)! :)
Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: “Mother-Daughter Date”
Mabuhay! :)
26 comments26 Comments so far
Leave a reply






[...] Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: “Group Date” [...]
hay naku, talagang mahirap na talagang makipagdate sa ating mga asawa kapag andyan na ang mga bubwit. pero ok na din, masaya naman eh :)
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Tipanan
Reply
salamat sa mga kids party! isang super duper chance to go on a date! parang kami!:)
cess last blog post..Litrato: EATS a date!
Reply
wow ang saya ng vday nyo.
Kami ng aking esposo, busy mag grocery para sa next day celebration. :)
Happy LP
jeannys last blog post..LP: Date Tara!
Reply
i’m glad you had a wonderful hearts day, sis weng. miss you na, mwaaah!
NeLLs last blog post..I’m Back…
Reply
a family that eats together… :)
isang masayang date pala ang naganap sa inyo.
Reply
Ok, me tipanan din ang grupo ng mga bata! Mukhang masayang masaya ang araw na ito ah! Happy LP!
Reply
tama yan…ang isang pagtitipanan at pagtitipon ay di kumpleto kung wala ang mga mahal sa buhay…siempre buong pamilya palagi ang mga deyts niyo ngayon…:)
tipan ko dito:http://pic.blogspot.com/2009/02/follow-me.html
Reply
nung Valentines, nakipagchat lang ako kay Arvin. :) hehehe.
pagkatapos ay inaya ko ung kapatid ko saka mga kapitbahay naming “single” na magmall at magwindow shopping. :D
ayos na date yan ate. :) kasama pati mga chikiting.. ^_^ hehehe.
karmis last blog post..meet the Castros
Reply
pag talaga may mga buliggit na, palagi silang kasama sa date ng mommy at daddy. at mabilisan lang ang kain kasi mabilis mainip. pero oks lang masaya naman.
at mukhang nag-enjoy din ang mga bata.
magandang lp!!
kayes last blog post..LP: Tipanan
Reply
para bang instant laffline ang dating :D. mas maganda pa ang venue natin keysa sa bar child friendly pa. ay parang bar na pala dami kong cocktail nainom nun ah! mey kapehan pa! sarapppp. till nxt!
Reply
yan na ang uso kapag pamilyado, sa date, kasama na ang mga bata!
at mas masaya dahil enjoy ang lahat!
Dinahs last blog post..Nuffnang’s My Shopaholic Confessions Awards Night & Movie Premiere
Reply
date? ano yon? hahaha! di na nga namin alam kung ano ang “date” :D
lagi rin namin kasama ang mga chikiting pag nag-d-date kaming mag-asawa. hihihi… :)
ceztlavies last blog post..LP: Date (Tipanan)
Reply
Kapag may anak na talaga, hindi na uso ang date na mag-asawa lang. Kahit kasi may mapagiiwanan ako sa anak ko, nakaka guilty namang iwan di ba?
Mauies last blog post..Litratong Pinoy: Tipanan (Date)
Reply
enjoy din yan. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp46-tipanan-date.html
carnations last blog post..Are You Coffee or Tea?
Reply
Aba, Weng, ang saya niyan :) Ganyan talaga kapag me anak na, mas masaya kapag kasama palagi, di ba :)
julies last blog post..Tipanan
Reply
ang saya ng V-day date n’yong mag-anak. nakakatuwa dahil pag maaalala n’yo ang V-day, kasama ang pamilya at kaibigan sa happy memories.
luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: tipanan (date)
Reply
mas masaya pag madami! hehe :)
bangs last blog post..Litratong Pinoy: Tipanan (Date) sa Balay Indang
Reply
galing naman! at least nag-enjoy lahat pati mga bata!! kami ng hubby ko dito lang sa bahay–with our 15-month old baby. lahat kasi me date kaya wala ring mapagiwanan. ;)
Mayets last blog post..Date/Tipanan
Reply
family fitness? bago sa pandinig…
betchays last blog post..Litratong Pinoy: Tipanan (Date)
Reply
nakakatuwa, may sariling mesa ang mga bata at ang magka-date na mag asawa. :) masyado pang mga bata ang mga anak ko para iwan sa sarili nilang mesa. kaya ngayon, lagi kaming group date. hehe
mas masaya nga na salu-salo lahat at kumpleto ang pamilya. :)
Reply
haha di halata, ang galeng ha, nasa kabilang mesa lang pala sila
HiPnCooLMoMMas last blog post..Tipanan (Date) : 38th Litratong Pinoy
Reply
hehe, ate least bukod ng table kayo… :)
linos last blog post..date…
Reply
ay ang saya naman. nakakaaliw kapag grupo ng pamilya ang mga magkakasama. ito naman ang sa akin http://mpreyes.blogspot.com/2009/02/lp-46-tipanan.html
happy LP! kahit 3 araw na late.
peachys last blog post..LP 46: Tipanan
Reply
Apir tayo sa “story of our (OFW) lives” – hahaha! :)
Aba at ang inaanak ko e mukhang may barkada na! Okay yan para may time si Mommy at Daddy na magkaroon ng totoong date, di ba? ;)
Pinkys last blog post..SSS #142: My Life as PA (Part 2)
Reply
akala ko naka-jackpot na kayo at nakapag-date na talaga ng solo! :D belated happy valentines day! *muah*
Reply