Archive for February, 2009
Happiness is…
- feeling God’s presence in the everyday miracles that we are showered with.
- knowing that however hopeless things may seem, there’s a Higher Power who will see us through.
- Abby coming up to me at random times during the day to say “Mommy…I love you.”
- the scent of a newly bathed Abby…(and Hubby? Haha!)
- waking up to a 6am alarm only to realize that it’s a weekend and I can sleep in.
- my mom’s Lengua and Lumpiang Hubad.
- the aroma of freshly brewed coffee.
- Japanese food.
- perfectly executed dishes and desserts from my own kitchen and the warm “Thank yous” from Hubby and Abby and everyone else who (unwillingly?) fall prey to my cooking and baking.
- a Pinas Christmas…a Pinas vacation.
- literally seeing the world with people I love.
- seeing, hearing and feeling the love of sorely missed loved ones ones via YM.
- going to the mailbox and receiving pleasant surprises: gifts, cards and letters and prizes; coupons; new issues from my magazine subscriptions, etc.
- kids eat free days at a favorite restaurant.
- the sound of Abby’s laughter.
- the company of friends who help keep home sickness at bay.
- surprise presents from Hubby and Abby.
- a good cry from a movie or my favorite tv shows.
- capturing the beauty of nature with my camera.
- being content and thankful for what I have.
- knowing that the best is yet to come.
- knowing that even if I try, I will not be able to list down everything that makes me happy.
This is my contribution to the Happiness Is… revolution going on at Odette’s (my Dublin-based friend) site in celebration of her Valentine’s Day birthday.
Cheers and happy weekend, y’all!
6 commentsLP #47: (Mga) Bulaklak (Flower/s)
Hindi ba’t mayroong mga tinatawag na “edible flowers”, mga bulaklak na maaaring kainin? Hindi pa siguro ako nakatikim ng tunay na edible flowers dahil siguradong matatandaan ko kung nangyari na iyon. Ngunit ang gawa-gawang bulaklak na maaring kainin ay nakatikim at nakagawa na ako mismo.

May isang buwan na ang nakalipas ng ako ay magsimulang mahumaling sa pagdedecorate ng keyk. Ang pangalawang keyk na aking nilagyan ng dekorasyon ang nakikita niyo rito ngayon.

Medyo nasobrahan sa pagka-stiff ang buttercream icing na ginamit ko kaya nagkaroon ng effect na parang punit-punit ang mga petals ng mga rosas. Mabuti na rin lamang at hindi naging creamy ang icing. Nagustuhan ko kasi ang epekto ng mistulang punit-punit na petals. :)

Sa bandang ibaba ng cake ay may mga “sweet peas”, mga simpleng bulaklak na nakakadagdag ng ganda sa keyk.

Siyempre pa, may nakaabang sa keyk at minamadali ako sa pagkuha ng litrato!

Pigil na pigil sa pagsundot ng icing ang anak ko. Haha! :)
Nailathala ko na ang mga litratong ito sa aking food blog, na noong ika-12 ng Pebrero ay nag-unang taong anibersaryo. Bilang pagdiriwang, mayroon akong maliit na pakulo ngayon doon para sa aking mga suking magbabasa. :) Gusto niyo bang sumali? Puntahan niyo lamang ito: Cafe Munchkin’s Birthday Blowout. Mas maraming kasali, mas masaya! :)
Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Bulaklak na Hindi Nalalanta
Mabuhay! :)
28 commentsLP #46: Tipanan (Date)
Saan kayo nagtipan ng inyong iniirog noong nakalipas na Araw ng mga Puso? Madaling araw pa lang ba ay nasa Dangwa na si mahal para mag-abang ng bagong hatid na mga bulaklak? O di kaya’y espesyal na delivery ang inyong natanggap mula sa mamahaling tindahan ng mga bulaklak? Paano man ninyo ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso, natitiyak kong naging napakasaya ninyo noong araw na iyon. At siya ngang nararapat!
Abala ang aming pamilya noong Araw ng mga Puso. Naanyayahan sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang kamag-aral ang aking anak ng mga bandang tanghali. Noong hapon, naman ay kasama namin ang aming mga kabarkada dito sa Texas para sa isang family fitness date. Kakaiba ano? Haha! :)
At noong gabi, ito kaming mag-asawa…

Mukhang tipanan sa biglang tingin ano? Saan namin iniwan ang aming anak? Dito…

…sa kabilang mesa! Hahaha! Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan (mga anak ng aming mga kaibigan din)! Ito pa ang isang kuha nila habang kumakain…

Limang pamilya kaming nag family-date noong Araw ng mga Puso. Nagsimula sa isang fitness center at siyempre, dahil nagutom sa pageehersisyo at sa paglangoy, sabay-sabay kumain ng hapunan. Isang mesa ang inokupa ng mga bata at tig-iisa naman kaming mesa na mga magulang. Parang tipanan na rin! :D Ganiyan talaga ang buhay Amerika…walang yaya at pare-pareho kaming walang lolo’t lolang mapagiiwanan ng mga bata para sa saglit na pagtitipan. Ok lang, mas masaya naman ang nangyari. Sa katunayan, hindi pa dito natapos ang aming gabi. Inanyayahan kami ng aming mga kaibigan sa kanilang bahay kung saan naman nagpatuloy pa ng paglalaro ang mga bata (instant costume party!) habang kaming mga magulang ay nagkuwentuhan at nagtawanan hanggang makalipas ang hatinggabi (instant comedy show!)! :)
Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: “Mother-Daughter Date”
Mabuhay! :)
26 commentsLP #45: Puso (Heart)
Malaking bagay dito sa Amerika ang Araw ng Puso. Isang bagay na aking ikinagulat dahil ang akala noo’y tayo lamang mga sentimental na Pinoy ang nagbibigay halaga sa araw na ito. Sa katunayan, sa darating na Biyernes, may maliit na pagdiriwang na gagawin sa paaralan ng aking anak. Gagawa sila ng fruit salad at magkakaroon din ng palitan ng mga kards. Karaniwan din ang pagbibigayan ng mga gift bags sa pag gunita ng Araw ng mga Puso.
Ganito ang itsura ng “loot bag” na ibibigay ni Abby sa kaniyang mga kamag-aral…

At ito naman ang mga laman:

Lapis

Pambura

Malambot na kendi (gummy)
Hindi ko pa nauumpisahan gawin ang mga kards. :)
Simple lamang ngunit natitiyak kong matutuwa ang mga bata kapag nakita nila ito sa kani-kanilang mga kahon o cubby sa paaralan.
Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Balentine Kard
Maligayang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa inyo!
Mabuhay!
35 comments





