LP #43: Lila (Violet)
Mayroong iba’t ibang klase o “shades” ng kulay na lila na tinatawag ding kulay ube o biyoleta. Nakakasiguro akong ang iba’t ibang klase o “shades” na ito ay maglalabasang lahat sa linggong ito ng Litratong Pinoy.
Narito ang larawan ng aking paboritong modelo na kuha noong Disyembre.

Hindi karaniwan sa Texas ang niyebe (snow). Matagal nang gustong makapaglaro ni Abby sa niyebe ngunit hindi pa rin kami nakakapagplanong magbakasyon sa mga lugar na sagana sa niyebe kapag taglamig (winter). Wala pa siyang dalawang taong gulang na makaranas ng niyebe. Iyo’y nang magpunta kami sa Europa noong 2006. Hindi na niya natatandaan ngayon.

Kaya naman pinagtiyagaan na lang niya ang mga nahulog na gawa-gawang niyebe noong magpunta kami sa Schlitterbahn noong Disyembre. Kawawang bata. Hahaha. :)
Ang mga sumusunod na larawan nama’y nailathala ko na sa aking blog patungkol sa pagkain (Cafe Munchkin) bilang lahok para sa Lasang Pinoy, Sundays para sa linggong ito.
Nakakatuwaan ko ngayon ang pagdidisenyo ng mga cakes at cupcakes. Noong Lunes ng nakaraang Linggo, ito ang aking mga ginawa….

Mga payaso (clowns)

ng ulo ng payaso ay hindi gawa sa icing. :) Binili ko ito sa tindahan (Michael’s).

Lila, rosas (pink) at puti lamang ang mga ginamit kong kulay ng icing. Masyado kasing matrabaho kung gagamit pa ako ng ibang kulay.

Mga rosas na puso.

Mga lilang kendi.
Isa pang lahok sa Litratong Pinoy: Mga Lilang Bulaklak
Mabuhay!
34 comments34 Comments so far
Leave a reply






Nakakagutom na cupcakes. Magaang lang siguro yung ulo ng payaso no, kaya kayang suportahan ng icing na katawan? Dahil ba walang laman? Ha ha ha.
Em Dys last blog post..Ligaw na Bulaklak
Reply
Ang cute ng mga cupcakes!!! Paborito ko yung mga payaso!
Buges last blog post..Litratong Pinoy: Lila
Reply
Naalala ko naman nga yung lilang jacket, di ko naalala nung nagiisip ako kung anong ipopost lol. nakita ko na naman ang mga cute at katakam takam na cupcakes mo! Happy LP!
Gmirages last blog post..Litratong Pinoy – lila/Violet
Reply
Hmmm…sarap ng cupcakes…ganda ng kulay ubeng cupcake, kakaenganyo talaga tignan ang kulay na eto…kulay masarap :)
Happy LP
jeannys last blog post..LP: Lilac….ngayon ba o bukas?
Reply
[...] pang lahok para sa Litratong Pinoy: Lila sa Schlitterbahn at Lilang Cupcakes Posted in: Flora, Litratong Pinoy | | Post [...]
hay…lipat kayo dito sa east coast at magsasawa siya sa snow! nagsnow na naman dito kagabi !haha.
hi abby!
cute naman ng cupcakes!
fortuitous faerys last blog post..little pink card
Reply
ewan ko ba bakit dko mashadong peborit ang kulay na ito:) nakupo! dalin mo nga dito si abby bilis at ang lakas ng ishnow ngayon! waaaah! yoko na talga!!!!
cess last blog post..Litrato:lilac [lila]
Reply
hoy ano ba yung niyebe na yan? kung niyebe lang ang habol niyo – marami niyan ngayon dito :) pero ang ganda ng kuha kasi nahuhulog pa siya…dito naging ordinaryo na lang at kinamumuhian pa kamo…:(
Reply
Ang laki na ni Abby, Weng! But still so pretty pa rin :) Loved your cupcakes too – sweet!
Pinkys last blog post..LP #43: Lila
Reply
Ang ganda ng mga kulay! At ang ganda ni Abby :)
julies last blog post..Lilang Balabal
Reply
in aksyon ang hulog ng niyebe ano..galing! Kakatuwa iyong mga payasong dekorasyon mo! Ang galing mo naman. Ang hirap ata gumawa niyan.
MariTess last blog post..Litratong Pinoy#36 Lila(Violet)
Reply
waaahh natakam ako sa cupcake!!!!
Reply
ayos ang mg lila… happy huwebes… :)
linos last blog post..lila…(purple)
Reply
saan yang Schlitterbahn? tunog German kasi.
incoherents last blog post..Litratong Pinoy: Lila
Reply
munchkinmommy Reply:
February 4th, 2009 at 1:41 am
Hi Jen! Yung Schlitterbahn, sa New Braunfels yun. Maraming nakatira doon na of German descent. Doon din idinadaos taun-taon ang Wurstfest. :) Hindi ako familiar sa history ng Texas, nakakahiya mang aminin, pero marami ditong may dugong Aleman. :D
Reply
ang galing naman! ang pagbi-bake ang hindi ko pa natututunan sa buong buhay ko!
Mauies last blog post..Litratong Pinoy: Lila (Violet)
Reply
Nakita ko nga ito sa isa mong blog noong nakaraang Linggo… ikaw pala ang gumawa non. Ang galing naman! Ako favorite ko talaga ang violet.
Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!
ShutterHappyJenns last blog post..Lila (Violet)
Reply
ang cute ng lahat ng litrato:)
maligayang LP:
nandito ang lahok ko:
http://asouthernshutter.com
tanchis last blog post..Violet Sonata
Reply
mukhang enjoy na enjoy sya sa snow =)
napatakam ako sa iyong mga cupcakes haha
happy LP!
Dyess last blog post..LP: Lila
Reply
as usual ang ganda ganda ng iyong modelo.
parang naengganyo naman ako matuto gumawa ng cupcakes.
Girlies last blog post..Lila (Violet) : 35th Litratong Pinoy
Reply
bihira ko makita ang lila sa food. cute din pala tingnan. :)
Linnors last blog post..Violet
Reply
cute ng jacket..pwera usog sa cute girl :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Jays last blog post..LP # 43: Lila (Violet)
Reply
ganda…sarap!
carnations last blog post..LP43: Lila (Violet)
Reply
Kung pwedelang talaga, padadalhan ko ng snow ang batabatuta!! Nakalimutan kong isama ang pic ng bodywarmer ko (winter jacket na walang manggas- lila din sya)
Weng ito ba minamaster mo? Ang ganda ng design mo sa cupcakes…pang bakery na ito saka mahal ibenta ang labor ha…galing!!
Thesss last blog post..Cheap Living Room Lights
Reply
niyebe!! ayun. i’ve been trying to remember that word for the longest time. sarap nung cupcakes mo ha ;)
LP:Lila
Cookies last blog post..Whats In Your Lunchbox : Karne Frita and Broccoli
Reply
kahanga-hanga ang iyong mga cupcakes! parang nakakahinayang kainin. galing!
Leahs last blog post..LP: Lila (Violet)
Reply
wow.. ang sarap ng cupcakes! parang ang hirap naman kainin.. sayang ang design!
potsquareds last blog post..Litratong Pinoy – Lila (Violet)
Reply
yummy naman ng cupcakes!!! ang ganda rin ng kuha!!! :)
happy thursday kaLP! ito naman ang aking lahok: http://arlenesview.blogspot.com
Reply
nice winter jackets at ang cute ng mga clown :) wala po akong official entry ngayon…ngunit sana’y madalaw nyo pa din…http://manillapaper.com/2009/01/color-blind/
Reflexes
RoseLLes last blog post..School Kick-Off
Reply
love it! i love purple!!!!! and i love abby’s purple coat ;)
purplegirls last blog post..A shopping tradition
Reply
alam mo na-appreciate ko lang ang violet nung bumili ako ng isang blouse na kulay nito dahil nga color of the year sya ngayon. i got a number of compliments when i wore the color kaya sabi ko siguro nga bagay din sa kin mag-violet paminsan-minsan.
ang cute ng cupcakes! sana ganyan din ako ka-creative sa pagkain. diabetic’s delight pa naman yan! LOL!
happy weekend!
MommyBas last blog post..Litratong Pinoy – The Catch Up Post
Reply
Weng, super hanga talaga ako sa yo… ang galing mo na mag bake… super career na yan… you are so creative… ganda ng mga payaso mo.
Niyebe ba is snow… new word for me yan ha.
Keiths last blog post..Catching Up
Reply
love those pics of abby, looks dreamy and magical to me!
odettes last blog post..the birthday giveaway
Reply
yan na yata ang pinaka-cute na cupcakes na nakita kong nagawa mo. pero… wala nang mas cute pa kesa kay abby. :D *muah*
Reply