LP #42: Kahel (Orange)
Noong nakaraang Sabado, ika-17 ng Enero, si Abby ay dumalo sa bowling party ng kaniyang kamag-aral na nagdiwang ng ikalimang taong kaarawan. Unang pagkakataon iyon ni Abby na makapaglaro ng bowling at tuwang-tuwa silang naglaro ng kaniyang mga kaibigan.

Kahel ang kulay ng bolang ginamit ni Abby.

Nakabantay ang mga bata sa bola kaya lagi naming pinagsasabihan dahil natatakot kaming sila ay maipit. Ang kukulit!!!

Pinakiusapan ko si Abby na magpose muna bago tumira.

Ang aking kabiyak ang tumulong kay Abby sa paglalagay ng bola sa isang parang slide na bakal.

Dito ipinapatong ng mga bata ang kanilang bola at mula doon ay itinutulak ang bola. Hindi pa kasi nila kayang mag-swing ng bola.

May potential yatang maging isang Bong Coo ang aking anak. Kita sa kaniyang mga mata ang konsentrasyon bago tumira. :)

May “rail” na nakaharang sa mga kanal sa bowling lanes kaya hindi napupunta roon ang mga bola. Siguradong makaka-score ang mga bata. :)
Sigurado akong mauulit ang pagbobowling ni Abby. At sa susunod, kaming tatlo na ang maglalaro. Matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit ang mga sapatos kong pangbowling. :)
Isa pang lahok para sa LP: Ang Mga Hiwa ng Kahel sa Australia
Mabuhay!
38 comments38 Comments so far
Leave a reply






kapangalan pala niya ang pinsan kong nilitratuhan ko for this week! hehe.
http://fairywinkle.blogspot.com/2009/01/litratong-pinoy36kahel-orange.html
fortuitous faerys last blog post..little pink card
Reply
Ngayon lang ako nakakita na bakal na ganyan, malaking tulong sa bata. Matagal na rin akong di nakakapagbowling. Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..What’s up, Doc?
Reply
ah ganun pala me rail para sa mga bata….dito ba sa PInas meron yan parang wala ko makita…..
Cute ni abby :)
Happy LP
jeannys last blog post..LP: Kahel na nagpapangiti sa akin.
Reply
[...] pang lahok para sa LP: Kahel sa Laruan ng Bowling Posted in: Celebrations, Litratong Pinoy | | Post [...]
ang galing naman nyan! ngayon lang ako nakakita ng bowling na children friendly! hehe.
paulalaflowers last blog post..LP 01.22.2009 – Kahel
Reply
syanga naman, mabigat talaga ang bowling ball kahit sa kagaya ko. (lol). buti may ganyang rail para sa mga bata.
Overflow
Reply
natuwa naman ako sa pang-6th na picture, nagco-concentrate and mini-bong coo! :D
LP Habol sa MyMemes
LP Sukob sa MyParty
Meeyas last blog post..LP42: Ang Paghahabol :)
Reply
Katuwa naman yung “aiming shot” ni Abby – seryoso ha! Hehehe!
Nice contraption naman yung bakal para walang risk ng injury sa mga bata – ang nakita ko pa lang so far e yung “walang kanal feature” sa ibang bowling alley – cool! Mukhang mawiwili ngang mag-bowling si inaanak niyan! ;)
Pinkys last blog post..LP #42: Kahel (Orange)
Reply
:(((( buti pa si cute girl tinuruan mag bowling ako hindi :((((((
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Jays last blog post..LP # 42: Kahel (Orange)
Reply
:O Hanep anlaki ng bola…sa wii ko lang nalalaro ito lol, go Abby, strike! (a pose?)
Happy LP!
Gmirages last blog post..Litratong Pinoy – Kahel/Orange
Reply
galing no! kami naman ay nag bowling din noong nakaraang Sabado naman…nag-enjoy talaga ang bunso ko na 4 years old lang sa paggamit nyan…kaso pink ang gamit na bola eh…hehe.
gandang LP po! silipin ang sa akin sa dito sa Reflexes at Living In Australia
RoseLLes last blog post..Melbourne Sky Wheel
Reply
Si Abby ba Weng marunong mag Tagalog?
Di ko kasi alam na kahel ay Orange. Di ko rin alam na may stand pa for a kiddie bowling party…may rails pero wala na yng stand…sabagay mas maganda..ako Paeng pag nag bowling – kaliwete – Paenglish english pa. :)
http://pic.blogspot.com/2009/01/do-you-still-know-tagalog.html
Reply
munchkinmommy Reply:
January 27th, 2009 at 8:15 pm
Hi Junnie! Oo, marunong magtagalog si Abby…well, nakakaintindi at nakakasalita ng pailan-ilan. Hehe. Pero interesado naman siyang matuto. Parang natatakot lang magsalita. Pagnagbubulungan nga kami ng tatay niya sa kotse, pinapalakasan pa ang boses namin at di daw niya marinig. May pagka chismosa pa yata! :) Haha!
Reply
kitang kita ang concentration sa kanyang face; palagay ko nga, mapapadalas ang pagbobowling nyo :-)
pinings last blog post..Kahel na orange
Reply
ayos, orange na bowling ball… mahilig din ako magbowling…
happy huwebes…:)
linos last blog post..orange…
Reply
Ang galing naman, pangarap ng mga anak ko ang maglaro, minsan sa Bowling Center sa Mega kami nag-hihintay kay hubby dumating (kapag nasa Ortigas kami) kesa sa food court na meeting place namin (sa basement kasi kami nagpa-park).
Hmmm…me ganyang bowling center kaya dito na puwede ang bata? Malamang wala :(
julies last blog post..Suman at Manggang Hinog
Reply
munchkinmommy Reply:
January 27th, 2009 at 8:20 pm
Hi Teach! Ang bowling center na alam kong may ganiyang rehas sa gutter para sa mga bata ay yung doon sa Power Plant Mall. Nandoon pa naman siguro ang bowling center na iyon. :) Subukan niyong puntahan yun!
Reply
ang galing! naisip nila yun para di naman madismaya ang mga bata sa laro nila kung puro kanal hehehe
Reply
serious ang bata!
Mauies last blog post..Litratong Pinoy: Kahel (Orange)
Reply
Uy, astig yung railing a! wala nyan dito!
Kailan kaya namin maisasama ang aming munting prinsesa sa pagbo-bowling? :D
mElditas last blog post..LP: Kahel
Reply
munchkinmommy Reply:
January 27th, 2009 at 8:27 pm
Hi Mel! ung bowling center sa Power Plant (Power Bowl yata ang pangalan noon) mayroong ganiyang rails para sa mga batang nagbobowling. :) Meron pa bang Power Bowl? Hehehe. :)
Reply
Ang cute naman ng little girl mo! Aku hindi rin ako marunong mgbowling.. buti pa cya.. hehe :)
Magandang Huwebes! :)
Edss last blog post..Litratong Pinoy: KAHEL {Orange}
Reply
Ang cute!!! Lalo na yung close up na hawk niya yung bola! :D
Buges last blog post..Litratong Pinoy: Kahel
Reply
Masarap ngang maglaro ng bowling,, mga anak ko natatalo ako kasi sila may rail ….
JoyDs last blog post..Litratong Pinoy ( Kahel/ Orange)
Reply
ang kyut…may future:)
anyway HAPPY LP!
visit my entry to:
KAHEL IS ORANGE PALA?
tanchis last blog post..Litratong Pinoy: Kahel (Orange)
Reply
concentrate na concentrate talaga si Abby :)
mukhang enjoy nga talaga sya :)
Dyess last blog post..LP: Kahel
Reply
so cute! tayming na tayming sa tema! kaway kaway mi weng!:)
Happy huwebes!
chehs last blog post..Litratong Pinoy 11: Kahel (Orange)
Reply
Oo nga noh? Talagang tutok si Abby sa target nya.
Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!
ShutterHappyJenns last blog post..Kahel (Orange)
Reply
ayaw sa akin ng bowling… ewan ko ba…. hahaha http://jeprocksdworld.com/litratong-pinoy-kahel/
Reply
ayos sa concentration ah…talagang tinarget nya yung pins :)
LP:Kahel
Reply
Ang pinakagusto ko ung 6th picture…
concentrate kung concentrate…hehehe
Eto po lahok ko:
http://ruthay.net/2009/01/litratong-pinoy-3-kahel-orange.html
ruthays last blog post..Litratong Pinoy #3: Kahel (Orange)
Reply
wow! ang galing galing naman… miss ko na mag bowling.
JOs last blog post..Litratong Pinoy: Kahel [Orange]
Reply
hi weng! cute naman ni abby. ok yan, habang maaga pa masimulan na ang sports ng kids. :)
iriss last blog post..Happy endings
Reply
ang cute naman ni little girl
happy lp
ang aking lahok–> http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/
eloises last blog post..Litratong Pinoy: KAHEL
Reply
Birthday ng anak ko 3 weeks ago at nagpa-bowling party din sya. Ilang mga bata lang naman, 8 lang sila pero talagang nag-enjoy ang mga bata. Magandang idea sya talaga :-)
iskas last blog post..LP42: Kalderetang Kambing
Reply
ang ganda ni abby :)
late na pero ito ang aking lahok para sa linggong ito: http://arlenesview.tk
Happy Chinese New Year (Kung Hei Fat Choi)!
Reply
napakaganda naman ni abby! at talagang naka-concentrate siya sa paglaro…
potsquareds last blog post..Litratong Pinoy : Kahel (Orange)
Reply
Cool naman ng bowling alley na yan… mukhang kailangan ko rin hiramin yung bakal na yan ha…palpak kasi ako sa bowling eh…hehehe!
Keiths last blog post..Catching Up
Reply