Munchkin Mommy

LP #41: Asul sa Universal Studios

Naghalungkat ako sa aking naipong mga larawan para sa temang “asul” ng Litratong Pinoy sa linggong ito.  Larawan ng kalangitan ang unang sumagi sa aking isipan.  Kaya lang, naisip ko ring baka karamihan naman ng mga lahok ay litrato ng kalingitan. Sa aking paghahanap, nabuksan kong muli ang mga larawang kuha sa Universal Studios na aming pinasyalan noong magbakasyon ang aming pamilya sa California noong Hulyo.  Tamang-tama, kulay asul ang kasuotan ng aking pinakapaboritong modelo sa buong ibabaw. ;)


Nagtatanghalian kami nang kunan ko ang larawang ito.  Humihingi ng barya si Abby dito, para ihagis sa tubig.  Hindi man wishing well ang itinuturo niya, marami kasing nauna nang nagtapon ng barya.


Siyempre, wagi na naman siya.  Kitang-kita sa kaniyang makahulugang ngiti.  Naisahan na naman kami! Hahaha!


Sa Universal Studios pa rin ito at hindi sa Sampaloc, Maynila.  :P


Tulad nang nakagawian na kapag nagpupunta kami sa theme park, sinusubukang makapanalo ng laruan sa mga arcade games ng aking asawa at si Abby.


At siyempre, tulad ng dati, panalo na naman!


Natatandaan niyo ba kung saang pelikula matatagpuan ang maliit na tindahan ng aklat na ito?  Huwag nang pagisipan pa…aya’t nakasulat sa karatula. :)


Ito ang aming nakakatakot na karanasan…nang kainin ng pating ang aking asawa.  Ngunit iniluwa naman siya ulit…hindi siguro nasarapan si Jaws.  :P


Bitin ang aming pagpasyal sa Universal Studios.  Simpleng araw kasi kami nagpunta kaya hanggang ika-5 ng hapon lang siya bukas.


Papalubog na ang araw dito at papalabas na kami sa park.  Siyempre, piktyur-piktyur muna. ;)

Maraming maraming salamat muli sa aming pinsang si Rina na siyang nagpasyal sa amin sa Universal.  Sa uulitin, Rins ha! :D

Marami pa kaming larawan sa Universal, sana’y maibahagi ko rin sa ibang araw. :D

Isa pang lahok para sa LP:  Mga Asul na Ilaw

Mabuhay!

28 comments

28 Comments so far

  1. jeanny  January 14th, 2009 10:44 am

    Hay she’s getting prettier. I so love her adorable smile :)
    at galing nya pomorma ha very cool :)

    jeannys last blog post..LP: Asul na kagandahan

    Reply

  2. mom2bradley  January 14th, 2009 11:10 am

    Ang cute naman ng outfit ng modelo mo.

    Reply

  3. Mapped Memories » Lp #41: Asul (Blue)  January 14th, 2009 11:13 am

    [...] Isa pang lahok para sa LP:  Asul sa Universal Studios [...]

  4. RoseLLe  January 14th, 2009 3:57 pm

    hay! wish ko ding madala ang aming mga anak dyan…ngek! syempre para makarating din ako..hehe. mukhang masaya at madaming pwedeng ma-pikturan.

    maligayang LP Huwebes mula sa Reflexes at Living In Australia

    RoseLLes last blog post..LP: Feeling Blue

    Reply

  5. Gmirage  January 14th, 2009 4:25 pm

    Wow! The bluelandia! At si Abby eh in tune sa theme! Cute!

    Reply

  6. julie  January 14th, 2009 6:13 pm

    Ang saya naman ng post na ito :) Andaming mga nakatutuwang pangyayari.

    Reply

  7. lino  January 14th, 2009 7:00 pm

    sama kami dyan sa uulitin ha… hehe… happy huwebes… :)

    linos last blog post..asul…(blue)

    Reply

  8. luna miranda  January 14th, 2009 8:19 pm

    she’s so pretty! cute ng blue skirt nya.:D

    hayyy…parang ayoko umalis sa universal studios no’ng namasyal ako do’n. :D

    luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: asul (blue)

    Reply

  9. Mauie  January 14th, 2009 9:03 pm

    “Sa Universal Studios pa rin ito at hindi sa Sampaloc, Maynila. ” <– LOL!

    Reply

  10. dang  January 14th, 2009 9:41 pm

    ay, ako din, una isip ko beach dahil tabing dagat ako nakatira tapos naisip ko anak ko na lang ulit…
    ang ganda talaga ni abby! galing ng mga kuha mo sis.! sayang mas matanda sya ke miguel ko..hehehhe.. pero malay mo..;)

    dangs last blog post..LP 41 Asul

    Reply

  11. dang  January 14th, 2009 9:42 pm

    ps. i meant the beach and a blue sky..so there..happy lp ulit!

    dangs last blog post..LP 41 Asul

    Reply

  12. ShutterHappyJenn  January 14th, 2009 11:16 pm

    Hehehe.. natawa ako dun sa Jaws picture. Ang saya naman ng family bonding ninyo!

    Ang aking bunsong kapatid ay lumayag na sa kanyang OJT, kaya ako na lang ang iikot para sa kanya. Ang aking LP ay nakapost dito at ang kanyang lahok dito. Hapi Huwebes!

    ShutterHappyJenns last blog post..Asul (Blue)

    Reply

  13. Thess  January 15th, 2009 1:38 am

    sigurado kang hindi sa Sampaloc, manila yang kuha ha! LoL

    ganyan pala ismayl ni Abby kapag naisahan kayo he he, cuteeee!

    happy LP tita Weng (muah)

    Reply

  14. toni  January 15th, 2009 3:00 am

    Dalaginding na ang iyong anak ha. :) Ang cute cute ng ngiti!

    tonis last blog post..Sa gitna ng asul

    Reply

  15. ruthay  January 15th, 2009 5:05 am

    I love candid shots. Nice smile…

    ruthays last blog post..Litratong Pinoy #2: Asul

    Reply

  16. JoyD  January 15th, 2009 6:48 am

    Ayyy si Cutie Pretty in BLUE!!!!!!!!

    JoyDs last blog post..Im Feeling Blue Today ( Litratong Pinoy Blue/ Asul)

    Reply

  17. Girlie  January 15th, 2009 7:56 am

    nakakatuwa ang ngiti ng iyong dalaginding…enjoy talaga sya…at ang cute ng blue outfit ha

    Girlies last blog post..Asul (Blue) : 33rd Litratong Pinoy

    Reply

  18. carnation  January 15th, 2009 7:57 am

    ang cute naman nya. last week pala pinanood ko ng buo ang notting hill sa dvd. ito yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp41-asul-blue.html

    carnations last blog post..LP41: Asul (Blue)

    Reply

  19. arls  January 15th, 2009 10:25 am

    ang ganda. i love the little bookstore. :)

    eto naman ang aking lahok: http://arlenesview.blogspot.com

    Reply

  20. JO  January 15th, 2009 11:07 am

    wow! ang saya naman… at ang cute ng anak mo. puwedeng modelo pag laki.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Asul [Blue]

    Reply

  21. Pinky  January 15th, 2009 1:24 pm

    Nagulat naman ako at na-extra pa pala si Rina sa huling litrato – at blue din ang strap ng relo niya – pasok pa rin sa tema! Hahaha! :lol:

    Mukha ngang enjoy si Abby at suwerte naman at nanalo uli ng premyo – galing!

    Pinkys last blog post..LP #41: Asul

    Reply

  22. ces  January 15th, 2009 4:33 pm

    kagaganda ng kuha! at syempre pa peborit ko ang movie na yan! ‘and don’t forget, i’m just a girl asking a man to love her’ mwahahaha! oopsie daisies!

    cess last blog post..Litrato: bluer than blue

    Reply

  23. tanchi  January 15th, 2009 7:16 pm

    wow…panibagong BLUE experience na naman to:)

    MALIGAYANG LP
    bisita ka rin sa post ko:

    http://asouthernshutter.com

    tanchis last blog post..Blue Na Blue

    Reply

  24. Keith  January 17th, 2009 11:43 am

    Weng, ang sarap talaga ng mga theme parks sa estados unidos… buti at mukhang hindi kayo pinagpawisan… kahit hanggang sa paguwi eh pareho pa rin ang suot ni Abby. Kung kami yan eh mukhang basahan na kami bago umuwi.

    Keiths last blog post..Santa’s Letter

    Reply

  25. paulalaflower  January 20th, 2009 2:40 am

    Natuwa naman ako sa shark. haha.

    paulalaflowers last blog post..LP 01.15.2009: Asul

    Reply

  26. Twinkie  January 20th, 2009 8:20 am

    Blue ang aking paboritong kulay kaya enjoy na enjoy ako sa post na ito. Ganda ng porma ni Abby! Good job Mommy! Stylish and comfy. Funny ang Mala-Sampaloc na pic. :D Gaya na nang nasabi ko dati, mahilig ako sa maganda at hindi ko maiwasan puriin ang Tita Rina ni Abby. Akala ko artista. :D

    Twinkies last blog post..LeapPad

    Reply

  27. avril  January 21st, 2009 9:20 am

    Abby is very cute. Potential model!!!!

    Reply

  28. Meeya  January 21st, 2009 11:14 am

    hala, isinoli ni jaws si D. dapat sinabi mo: no return, no exchange! haha! :D

    cute ng outfit ni abby, very girly at very summery!

    Meeyas last blog post..LP42: Ang Paghahabol :)

    Reply

Leave a reply