Munchkin Mommy

LP #40: Pula (Red)

(Much as I want to write an English translation for the entire text of this entry, I just talk way too much.  :)  In a nutshell, these are photos taken at Santa’s Workshop, one of the attractions found at Schlitterbahn’s Hill Country Christmas in New Braunfels, TX.  We paid the place a visit on December 27th.)

Noong ika-27 ng Disyembre, nagpunta kami sa Schlitterbahn kasama ang aming mga kaibigan.  Ang Schlitterbahn ay isang water park at paboritong destinasyon dito sa Texas kapag panahon ng tag-init.  Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Schlitterbahn ay nagdaos ng Schlitterbahn’s Hill Country Christmas, kung saan naging Winter Wonderland ang lugar.

Mayroong ice skating rink, mga Christmas Trees na may ilaw na kumukutitap sa saloy ng musika, mga maskots at iba pang mga karakter tulad ni Mrs. Claus at Scrooge, at marami pang iba.

Para sa temang pula ng Litratong Pinoy, mga larawang may pulang bagay mula sa Santa’s Workshop, isa pang atraksyon sa Schlitterbahn’s Hill Country Christmas ang nais kong ipamahagi sa inyo.

Una na sa lahat ang maybahay ni Santa Claus, si Gng. (Mrs.) Claus ma siayng nagbabantay sa Wokrshop ni Santa…

Ito ang bahagi ng miniature village na matatagpuan sa Workshop…

At ito naman ang mga bagay sa miniature village na nakatuwaan kong kunan ng larawan.  Pulang kotse…

Ito siya sa malapitan…

Napakakyut na pula’t puting rail road crossing sign…

May trak na nakahinto sa tabi ng rail road crossing sign.  May wreath ito sa harap na may puting ribbon.  Bakit nakahinto ang trak?…

Kasi may paparating na tren na may pulang car sa unahan…

Mayroon ding pulang gusali…

…at pulang trak ng bumbero.

Masdan ang paradahan ng mga sasakyan, tanaw niyo ba ang pulang kotse?

At sino ang nakapulang mamang iyon sa ibabaw ng bubong?

Di yata’t si Santa!  Hee hee!

Sana’y naging masaya ang inyong nakalipas na Pasko.  Malayo man kami sa aming mga mahal sa buhay sa Pilipinas, binigyan naman kami ng Diyos ng mga kaibigang ititnuturing na rin naming pamilya na siya  naming nakasama at talaga namang nagpainit sa aming Pasko. :)

Ang isa pang lahok para sa LP: Mainit na Pula

Mabuhay! :)

35 comments

35 Comments so far

  1. Em Dy  January 7th, 2009 10:21 am

    Pangarap kong magkaron ng Christmas village balang araw. Dati rati’y bumibili pa ko ng mga Department 56 overruns sa Greenhills tiangge. Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..Pagdating ng Panahon

    Reply

  2. Mapped Memories » LP #40: Pula (Red)  January 7th, 2009 10:23 am

    [...] Ang isa ko pang lahok para sa LP: Mga Pula sa Workshop ni Santa [...]

  3. Buge  January 7th, 2009 10:29 am

    Ang gaganda ng mga laruan! Mukhang maganda ang lugar na yan at gusto ko din makita si Mrs. Claus!

    Magandang Huwebes!

    Reply

  4. jeanny  January 7th, 2009 10:38 am

    Uy daming Pula. Paskong Pasko dating. Ang saya!!!!
    Happy LP!

    Nandito po ang aking lahok
    http://jeannycdj.com/2009/01/08/lp-pulay-koy-paborito/

    Happy LP!!!

    Reply

  5. paulalaflower  January 7th, 2009 10:45 am

    maligayang huwebes sa iyo!

    paulalaflowers last blog post..LP 01.08.2009: Pula

    Reply

  6. ces  January 7th, 2009 10:59 am

    wengski! i can’t see the photos! again:( brb!:)

    cess last blog post..Litrato: Pula [red]

    Reply

  7. komski  January 7th, 2009 11:19 am

    Medyo malayo daw kina karmi my labs yan kaya di pa sila nakakapunta, sa may SA sila e.

    komskis last blog post..Buksan Mo!

    Reply

  8. kathycot  January 7th, 2009 11:19 am

    ang daming pula at kay gaganda! happy huwebes!

    kathycots last blog post..LP: Pula {RED}

    Reply

  9. karmi  January 7th, 2009 11:22 am

    red talaga ang kulay ng Pasko. ^_^ lahat ng bagay eh kulay pula.. :)

    di pa po ako nakakapunta dyan sa Schlitterbahn. madalas kasi sa Sea World o kaya Fiesta Texas kami dumadayo.. ^^,

    karmis last blog post..Buksan Mo!

    Reply

  10. FickleMinded  January 7th, 2009 11:25 am

    ang ku-cute na mga pulang laruan! :D

    FickleMindeds last blog post..LP#11:Pula(Red)

    Reply

  11. Thess  January 7th, 2009 1:42 pm

    ang cute at ang saya talagang tingnan, Weng!

    ilang taon na si Gng. Claus?

    Reply

  12. ces  January 7th, 2009 1:45 pm

    ayan kita ko na! kailangan lang ata ng favicon para lumabas sa akin hahaha! dami nga! ang saya! bakit dito wala nyan? o d lang kmi naghanap haha!:)

    cess last blog post..Litrato: Pula [red]

    Reply

  13. Gmirage  January 7th, 2009 1:49 pm

    Ang galing kahit maliit para silang malaki ha….creative ng gumawa nyan! Happy LP!

    Reply

  14. iska  January 7th, 2009 3:00 pm

    Nakakatuwa naman… ngayon ko pa lang nakita yata si Mrs. Claus. Ang parati kong nakikita ay mga babaeng sexy na naka-santa costume. :-)

    Ang ganda ng lugar. Matutuwa ang mga bata talaga at kahit ako hehehe na may batang pag-iisip hehehe

    Reply

  15. julie  January 7th, 2009 4:20 pm

    Ang ganda!

    Matutuwa nito hindi lamang ang mga bata kundi pati mga matatandang katulad ko! :)

    julies last blog post..Pula = Katapangan

    Reply

  16. Pinky  January 7th, 2009 4:28 pm

    Iba talaga ang pulang taglay ng Pasko – napakasaya! Nice pictures! Am sure inaanak Abby had a blast!

    Pinkys last blog post..LP #40: Pula

    Reply

  17. fortuitous faery  January 7th, 2009 5:25 pm

    cute naman ng litrato kasama si mrs. claus! kakaiba dahil lagi na lang kay santa claus nagpapapicture.

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#34:pula (red)

    Reply

  18. lino  January 7th, 2009 6:00 pm

    daming pula ah… hehe.. happy huwebes… :)

    linos last blog post..Pula…(red)

    Reply

  19. peachkins  January 7th, 2009 6:19 pm

    Ang ganda naman dyan! Sana makapunta rin ako..

    Salmat sa pagbisita..Magandang huwebes..

    peachkinss last blog post..Pulang- pula

    Reply

  20. Dr Emer  January 7th, 2009 6:51 pm

    Salamat sa pagpapasyal mo sa amin sa Schlitterbahn. Parang andyan na din kami sa gaganda ng mga larawan mo! Sa pangalan pa lang na “Schlitterbahn,” parang nahuhulaan ko na na mga Aleman ang nagpasimula nito.

    Happy LP!

    Reply

  21. luna miranda  January 7th, 2009 8:28 pm

    nakakaaliw ang mga miniatures na ‘to! marami sa mga ito ay gawa dito sa Pinas…nilikha ng mga kamay ng manggagawang Pinoy. favorite ko ang trak ng bumbero, ganda ng detalye.

    luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: pula (red)

    Reply

  22. toni  January 7th, 2009 9:25 pm

    Nakakaaliw ang post mo! Ang saya ng storytelling. :D Maligayang LP!

    tonis last blog post..Pulang sabaw, wow wow wow!

    Reply

  23. Shuttercow  January 7th, 2009 10:20 pm

    Ang saya! Parang gusto ko ulit maging bata.

    Shuttercows last blog post..Litratong Pinoy #40: Pula

    Reply

  24. betchay  January 7th, 2009 10:55 pm

    sana makapunta rin ako dyan! pihadong mag-eenjoy ang tatlong bata sa aking pamilya – ako, ang asawa ko at ang aking anak!

    napakaganda ng mga larawan!

    betchays last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Reply

  25. Cookie  January 7th, 2009 11:04 pm

    ang ganda naman ng lugar na iyan. mukhang napakabait ni mrs claus ano :)

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Pula

    Reply

  26. jeniffer  January 8th, 2009 3:34 am

    everything is red!!! yan ang theme ng litratong pinoy! i love the minature village.

    Reply

  27. carnation  January 8th, 2009 6:42 am

    ang ganda naman ng miniature village na ito… eto lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html

    carnations last blog post..LP40: Pula (Red)

    Reply

  28. Jay  January 8th, 2009 10:23 am

    gusto ko yung train

    up to now gustong gusto ko ng laruang trains and planes :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP # 40: Pula (Red)

    Reply

  29. JO  January 8th, 2009 5:58 pm

    I’ve always wanted to have a collection of the miniature village, but they are just way too expensive.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Pula

    Reply

  30. Biang  January 8th, 2009 8:06 pm

    Nice shots!

    Masasabi natin na pula talaga ang kulay ng Pasko!

    Ang cute, sabi mo “Ginang Claus”!!! Napangiti mo ako!

    Ito po ang aking lahok.

    Happy LP!

    – Biang

    Biangs last blog post..LP – Pula

    Reply

  31. Arlene  January 8th, 2009 9:24 pm

    uy ganda ng series of photos at ngayon ko lang nalaman na meron palang maybahay si Mr. Clause. :-)

    Gandang LP!

    Arlenes last blog post..LP – Pula

    Reply

  32. marites1034  January 8th, 2009 9:32 pm

    naku! ang kyut naman ng mga maliliit na pulang bagay na iyan. kakatuwang tingnan at masyadong detalyado pa naman sila. si Ginang Claus maganda ano.. :) maligayang LP!

    marites1034s last blog post..Laylay

    Reply

  33. HiPnCooLMoMMa  January 8th, 2009 9:43 pm

    Ganda ng christmas village noh…sana magkaron din ako ng ganyan, kaso ang mahal

    Reply

  34. Clicking Away  January 9th, 2009 8:35 am

    ang ganda naman ng lugar na yan… at nakakatuwa at si Gng Claus ang kanilang bisita… siguro busy si Sta Claus sa pagempake ng mga regalo.

    Clicking Aways last blog post..LP 033 – Pula

    Reply

  35. Meeya  January 21st, 2009 11:20 am

    walang talagang takas sa kulay pula pag christmas :) may ganyan-ganyan pala sa schlitterbahn ano? sayang, sana nakasama kami, hehe. :D

    Meeyas last blog post..Day One of Change

    Reply

Leave a reply

CommentLuv Enabled