Munchkin Mommy

Archive for January 7th, 2009

LP #40: Pula (Red)

(Much as I want to write an English translation for the entire text of this entry, I just talk way too much.  :)  In a nutshell, these are photos taken at Santa’s Workshop, one of the attractions found at Schlitterbahn’s Hill Country Christmas in New Braunfels, TX.  We paid the place a visit on December 27th.)

Noong ika-27 ng Disyembre, nagpunta kami sa Schlitterbahn kasama ang aming mga kaibigan.  Ang Schlitterbahn ay isang water park at paboritong destinasyon dito sa Texas kapag panahon ng tag-init.  Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Schlitterbahn ay nagdaos ng Schlitterbahn’s Hill Country Christmas, kung saan naging Winter Wonderland ang lugar.

Mayroong ice skating rink, mga Christmas Trees na may ilaw na kumukutitap sa saloy ng musika, mga maskots at iba pang mga karakter tulad ni Mrs. Claus at Scrooge, at marami pang iba.

Para sa temang pula ng Litratong Pinoy, mga larawang may pulang bagay mula sa Santa’s Workshop, isa pang atraksyon sa Schlitterbahn’s Hill Country Christmas ang nais kong ipamahagi sa inyo.

Una na sa lahat ang maybahay ni Santa Claus, si Gng. (Mrs.) Claus ma siayng nagbabantay sa Wokrshop ni Santa…

Ito ang bahagi ng miniature village na matatagpuan sa Workshop…

At ito naman ang mga bagay sa miniature village na nakatuwaan kong kunan ng larawan.  Pulang kotse…

Ito siya sa malapitan…

Napakakyut na pula’t puting rail road crossing sign…

May trak na nakahinto sa tabi ng rail road crossing sign.  May wreath ito sa harap na may puting ribbon.  Bakit nakahinto ang trak?…

Kasi may paparating na tren na may pulang car sa unahan…

Mayroon ding pulang gusali…

…at pulang trak ng bumbero.

Masdan ang paradahan ng mga sasakyan, tanaw niyo ba ang pulang kotse?

At sino ang nakapulang mamang iyon sa ibabaw ng bubong?

Di yata’t si Santa!  Hee hee!

Sana’y naging masaya ang inyong nakalipas na Pasko.  Malayo man kami sa aming mga mahal sa buhay sa Pilipinas, binigyan naman kami ng Diyos ng mga kaibigang ititnuturing na rin naming pamilya na siya  naming nakasama at talaga namang nagpainit sa aming Pasko. :)

Ang isa pang lahok para sa LP: Mainit na Pula

Mabuhay! :)

35 comments