Archive for January, 2009
LP #43: Lila (Violet)
Mayroong iba’t ibang klase o “shades” ng kulay na lila na tinatawag ding kulay ube o biyoleta. Nakakasiguro akong ang iba’t ibang klase o “shades” na ito ay maglalabasang lahat sa linggong ito ng Litratong Pinoy.
Narito ang larawan ng aking paboritong modelo na kuha noong Disyembre.

Hindi karaniwan sa Texas ang niyebe (snow). Matagal nang gustong makapaglaro ni Abby sa niyebe ngunit hindi pa rin kami nakakapagplanong magbakasyon sa mga lugar na sagana sa niyebe kapag taglamig (winter). Wala pa siyang dalawang taong gulang na makaranas ng niyebe. Iyo’y nang magpunta kami sa Europa noong 2006. Hindi na niya natatandaan ngayon.

Kaya naman pinagtiyagaan na lang niya ang mga nahulog na gawa-gawang niyebe noong magpunta kami sa Schlitterbahn noong Disyembre. Kawawang bata. Hahaha. :)
Ang mga sumusunod na larawan nama’y nailathala ko na sa aking blog patungkol sa pagkain (Cafe Munchkin) bilang lahok para sa Lasang Pinoy, Sundays para sa linggong ito.
Nakakatuwaan ko ngayon ang pagdidisenyo ng mga cakes at cupcakes. Noong Lunes ng nakaraang Linggo, ito ang aking mga ginawa….

Mga payaso (clowns)

ng ulo ng payaso ay hindi gawa sa icing. :) Binili ko ito sa tindahan (Michael’s).

Lila, rosas (pink) at puti lamang ang mga ginamit kong kulay ng icing. Masyado kasing matrabaho kung gagamit pa ako ng ibang kulay.

Mga rosas na puso.

Mga lilang kendi.
Isa pang lahok sa Litratong Pinoy: Mga Lilang Bulaklak
Mabuhay!
34 commentsBits and Pieces…
…from the past week, that is. :)
oOo
Last Tuesday, January 20th, I was glued to the television like most everyone else the world over, interrupted only by pick-up duty and a conference with Abby’s teacher, which, of all days, I mistakenly scheduled on the inauguration day of America’s 44th president. No harm done, though. Thanks to the DVR!
Hope was in the air and the joy that a vast majority of Americans felt last Tuesday was infectious. “Change has come to America!” and “Yes we can!” were lines that kept playing in my head as if they were lyrics to a song. For a split second, I wished President Obama was my president, too. For a moment, I envied the more than a million people who gathered at Washington D.C. Mall and all the citizens of this country who has been host to us for almost two years now. When I came back to reality, I felt a tender ache for my country.
I love my country, let there be no doubt about it. In the same longing I feel for family and loved ones whom I terribly miss, I long for change, too, in my beloved Philippines. I long for the time when my kababayans (countrymen) will come together, not anymore to oust an erring leader but to elect the right person to the highest office. I know that we, too, can. *sigh* May God gift us with the biggest miracle yet since the first Edsa Revolution.
oOo
Abby knew that the U.S. has a new president. She was just a little off with the name – Rock Obama, or was it Rock-o Bama? It was hard to distinguish between the two. Anyway, she’s got it right now – Barack Obama. Hee hee.
oOo
Speaking of Abby, my daughter talks a lot. And I mean, A. LOT. At dinner time, you won’t know how many times Hubby and I have to remind her to: eat your rice, eat your ulam (viand), don’t talk when your mouth is full, etcetera, etcetera, because she just can’t be stopped. Hubby and I would have already had 2 helpings of rice and ulam and Abby would still be on her first helping which is probably just a quarter cup of rice! And then she wonders when Hubby and I have finished, “Why do I always finish last?” Hubby and I just exchange a knowing smile and shake our heads. I’m the guilty party…Abby takes after me in as far as being a madaldal (talkative) little girl is concerned. And if she’s really anything like me, she will outgrow this, uhm, “phase”.
oOo
I need to rent a good comedy this weekend. Thursday night, I was up late watching recorded episodes of Grey’s Anatomy and Private Practice…3 in all! They all made me cry! So much for entertainment. Hee hee. It doesn’t take much to make me cry and I should know better that drama doesn’t do much to the effort I exert in keeping myself in a state of positive vibes. But I can’t help it. A sucker for drama, that’s me! :)
oOo
Oh yes, my tulips. They’ve all wilted now and on their way to the trash. But, I haven’t told you yet what beauties my 4th vase of bulbs revealed…

Pink blooms! I was tickled pink, I tell you! (Photo taken on 11Jan09)

So slender, so tall and so proud looking! (Photo taken on 13Jan09)

Aren’t they gorgeous? (Photo taken on 18Jan09)

Yeah, I took a pic again the next day! :D (Photo taken 19Jan09)
Let me just share one more pic, this time of my red tulips. I love how the sun shone on the petals of one of the blooms…

If you’re the type who cries at the sight of beautiful things, you just might be short of a mess by now. Kidding! :D
oOo
Lastly, do you Facebook (FB)? I do…shhhh. :) I got this YouTube link from Junnie, who posted it on his FB profile. The girl in the video, Christine, couldn’t have made a more apt description of Facebook! She was so right on! The video is hilarious! Of course, you won’t get it if you don’t Facebook. But, if you have any plans of signing up for FB, this will tell you just what you’re getting yourself into. :)
I warn you, if you sign up for FB, your so-called friends will dig photos of yourself – yes, photos of your hideous self from the not so distant past – which you wish you burnt before you turned into the cool and sophisticated person that you are now! ;)
After seeing this video, I got to tinkering with my FB settings to limit the sometimes bothersome feeds (Yes, they can be bothersome!) that my friends receive. Because really, I’m sure they don’t care (at least, not all of them!) whose photo I leave a comment on, whose wall I write on and who I send a Pinoy food gift to. :) Unfortunately, I can only do so much. Some feeds can’t be tinkered with. Needless to say, I did what I can do. :)
oOo
Are you still with me? If you are, thank you! If you’re not, I understand. I do try to avoid posting lengthy entries. Attention span, people! :) But I’m simply on a roll sometimes. Today is one of those times.
With that, I wish you all a wonderful weekend. January 26th is Chinese New Year, so Happy New Year, y’all! Mabuhay!
11 commentsLP #42: Kahel (Orange)
Noong nakaraang Sabado, ika-17 ng Enero, si Abby ay dumalo sa bowling party ng kaniyang kamag-aral na nagdiwang ng ikalimang taong kaarawan. Unang pagkakataon iyon ni Abby na makapaglaro ng bowling at tuwang-tuwa silang naglaro ng kaniyang mga kaibigan.

Kahel ang kulay ng bolang ginamit ni Abby.

Nakabantay ang mga bata sa bola kaya lagi naming pinagsasabihan dahil natatakot kaming sila ay maipit. Ang kukulit!!!

Pinakiusapan ko si Abby na magpose muna bago tumira.

Ang aking kabiyak ang tumulong kay Abby sa paglalagay ng bola sa isang parang slide na bakal.

Dito ipinapatong ng mga bata ang kanilang bola at mula doon ay itinutulak ang bola. Hindi pa kasi nila kayang mag-swing ng bola.

May potential yatang maging isang Bong Coo ang aking anak. Kita sa kaniyang mga mata ang konsentrasyon bago tumira. :)

May “rail” na nakaharang sa mga kanal sa bowling lanes kaya hindi napupunta roon ang mga bola. Siguradong makaka-score ang mga bata. :)
Sigurado akong mauulit ang pagbobowling ni Abby. At sa susunod, kaming tatlo na ang maglalaro. Matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit ang mga sapatos kong pangbowling. :)
Isa pang lahok para sa LP: Ang Mga Hiwa ng Kahel sa Australia
Mabuhay!
38 commentsSomewhere Over the Rainbow
“Somewhere over the rainbow
Skies are blue,
And the dreams that you dare to dream
Really do come true.”
That’s the song playing in my head right now. And for a very good reason…

Somebody’s been cake decoratin’. ;)
8 commentsLP #41: Asul sa Universal Studios
Naghalungkat ako sa aking naipong mga larawan para sa temang “asul” ng Litratong Pinoy sa linggong ito. Larawan ng kalangitan ang unang sumagi sa aking isipan. Kaya lang, naisip ko ring baka karamihan naman ng mga lahok ay litrato ng kalingitan. Sa aking paghahanap, nabuksan kong muli ang mga larawang kuha sa Universal Studios na aming pinasyalan noong magbakasyon ang aming pamilya sa California noong Hulyo. Tamang-tama, kulay asul ang kasuotan ng aking pinakapaboritong modelo sa buong ibabaw. ;)

Nagtatanghalian kami nang kunan ko ang larawang ito. Humihingi ng barya si Abby dito, para ihagis sa tubig. Hindi man wishing well ang itinuturo niya, marami kasing nauna nang nagtapon ng barya.

Siyempre, wagi na naman siya. Kitang-kita sa kaniyang makahulugang ngiti. Naisahan na naman kami! Hahaha!

Sa Universal Studios pa rin ito at hindi sa Sampaloc, Maynila. :P

Tulad nang nakagawian na kapag nagpupunta kami sa theme park, sinusubukang makapanalo ng laruan sa mga arcade games ng aking asawa at si Abby.

At siyempre, tulad ng dati, panalo na naman!

Natatandaan niyo ba kung saang pelikula matatagpuan ang maliit na tindahan ng aklat na ito? Huwag nang pagisipan pa…aya’t nakasulat sa karatula. :)

Ito ang aming nakakatakot na karanasan…nang kainin ng pating ang aking asawa. Ngunit iniluwa naman siya ulit…hindi siguro nasarapan si Jaws. :P

Bitin ang aming pagpasyal sa Universal Studios. Simpleng araw kasi kami nagpunta kaya hanggang ika-5 ng hapon lang siya bukas.

Papalubog na ang araw dito at papalabas na kami sa park. Siyempre, piktyur-piktyur muna. ;)

Maraming maraming salamat muli sa aming pinsang si Rina na siyang nagpasyal sa amin sa Universal. Sa uulitin, Rins ha! :D
Marami pa kaming larawan sa Universal, sana’y maibahagi ko rin sa ibang araw. :D
Isa pang lahok para sa LP: Mga Asul na Ilaw
Mabuhay!
28 comments




