Munchkin Mommy

LP #38: Karoling

Kakaibang pangangaroling ang isinagawa ng Kinderdance (siyang nagtuturo ng ballet, tap at gymnastics sa mga pre-schools) ngayong taong ito.  Dumalaw sila sa mga tahanan para sa mga matatanda para maghatid ng saya sa mga nakatira roon.  Ang nakaraang Sabado, ika-13 ng Disyembre ang takdang araw para sa paaralan ng aking anak kasama ang dalawa pang pre-schools, kung di ako nagkakamali.  Imbis na kumanta, ang mga bata ay sumayaw.  At imbis na humingi ng aguinaldo, ang handog nilang pagsasayaw na ito ang kanilang naging aguinaldo para sa mga matandang naninirahan doon.

Heto ang aking paboritong ballerina sa mundong ibabaw…

Habang may ibang grupong nagsasayaw, ang ibang mga bata ay nakaupo lamang habang naghihintay.

Sayang nga lamang at hindi kami nakakuha ng maganda-gandang puwesto ng aking asawa.  Habang kumukuha siya ng video gamit ang aking aking camera (wala kaming videocam!  hehe!) gamit ko naman ang aming lumang P&S na kamera sa pagkuha ng mga larawan.

Narito ang ilan pang mga larawang kinuhanan ko noong araw na iyon.  Pasensya na, stagemommy po! :)

Kasalukuyan ko pa lamang ina-upload ang mga videos sa YouTube.  Maya-maya ko na lamang ilalathala. :)

Maligayangang pangangaroling sa inyong lahat at mabuhay! :)

11 comments

11 Comments so far

  1. Pinky  December 17th, 2008 5:11 pm

    Kay gandang “gesture” naman ito! At least, matututunan din ng mga bata ang kasiyahan mula sa pagbibigay sa mga higit na nangangailangan – ang tunay na diwa ng Pasko, di ba? ;)

    At oo, paborito ko rin ang ballerina mo! Chura lang ni Lisa Macuja…hmph! :lol:

    Pinkys last blog post..LP #38: Karoling

    Reply

  2. julie  December 17th, 2008 6:11 pm

    Ang cu-cute nila :)

    Ok lang yun, lahat tayo stage moms :D

    Merry Christmas!

    julies last blog post..Jingle Bells

    Reply

  3. JoyD  December 17th, 2008 7:05 pm

    aba at ang gagandang mga Carolers na iyan…. Ballerina Carollers!!!!! nakakatuwa eto naman ang sa akin http://aussietalks.com/2008/12/litratong-pinoy-karoling.html

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy ( Karoling)

    Reply

  4. marites1034  December 17th, 2008 9:33 pm

    maganda iyan at batang-bata pa ay may pagkakataon na silang magdulot ligaya sa iba. Siyempre pa, kakaiba at ballet style ang pagkaroling hehehe!maligayang LP..may nangangaroling din sa amin andito o..http://www.pinaylighterside.com/2008/12/litratong-pinoy31-karoling-caroling.html

    Reply

  5. fortuitous faery  December 18th, 2008 12:42 am

    cute naman nila…mga ballerina elves!

    Reply

  6. Em Dy  December 18th, 2008 5:16 am

    Gusto ko yung epek ng itim, pula at puti. Maganda!

    Em Dys last blog post..Himig Pasko

    Reply

  7. cheh  December 19th, 2008 1:10 am

    Ang cute ng baby mo mami weng! paano yang ginagawa yang 2nd photo? ang galeng! very creative!:)

    Maligayang Pasko weng at sa buong pamilya ((besos))

    chehs last blog post..Litratong Pinoy 8: Karoling (Christmas Carols)

    Reply

  8. SleeplessInKL  December 19th, 2008 1:23 pm

    Ang galing naman mag-pose ni Abby ;)

    I just got back from Jakarta today and was surprised to hear Christmas carols being sung from somewhere inside the crowded train that connects the gates to the main terminal at KLIA (KL International Airport). It was really, really packed inside the train that we couldn’t see the people who were singing. By the time we reached the terminal (some 3 minutes later), everyone was rushing naman to go to Immigration, so I never got to see the singing angels :)

    SleeplessInKLs last blog post..So Exhausted, I Can’t Sleep

    Reply

  9. Jay  December 20th, 2008 6:57 am

    ang cute..pwera usog :)

    Reply

  10. Meeya  January 6th, 2009 8:12 am

    wala akong masabil, ang galing talaga mag-pose ni abby (mana sa tita meeya, haha!). pakibigyan naman ng tips si ninna please? :)

    Reply

  11. Twinkie  January 12th, 2009 10:55 am

    Aba ang sosyal ng mga elderlies ha! Akalain mo’t napanuod nila ng live at pro bono ang pagsisimula ng isang prima ballerina sa katauhan ni Abby!

    Ate Weng, ang galing ng ginawa ng school niya. Bilib ako. Napakaganda at talented na bata ni Abby. :)

    Twinkies last blog post..A Very Special Girl

    Reply

Leave a reply