Munchkin Mommy

Archive for December 17th, 2008

LP #38: Karoling

Kakaibang pangangaroling ang isinagawa ng Kinderdance (siyang nagtuturo ng ballet, tap at gymnastics sa mga pre-schools) ngayong taong ito.  Dumalaw sila sa mga tahanan para sa mga matatanda para maghatid ng saya sa mga nakatira roon.  Ang nakaraang Sabado, ika-13 ng Disyembre ang takdang araw para sa paaralan ng aking anak kasama ang dalawa pang pre-schools, kung di ako nagkakamali.  Imbis na kumanta, ang mga bata ay sumayaw.  At imbis na humingi ng aguinaldo, ang handog nilang pagsasayaw na ito ang kanilang naging aguinaldo para sa mga matandang naninirahan doon.

Heto ang aking paboritong ballerina sa mundong ibabaw…

Habang may ibang grupong nagsasayaw, ang ibang mga bata ay nakaupo lamang habang naghihintay.

Sayang nga lamang at hindi kami nakakuha ng maganda-gandang puwesto ng aking asawa.  Habang kumukuha siya ng video gamit ang aking aking camera (wala kaming videocam!  hehe!) gamit ko naman ang aming lumang P&S na kamera sa pagkuha ng mga larawan.

Narito ang ilan pang mga larawang kinuhanan ko noong araw na iyon.  Pasensya na, stagemommy po! :)

Kasalukuyan ko pa lamang ina-upload ang mga videos sa YouTube.  Maya-maya ko na lamang ilalathala. :)

Maligayangang pangangaroling sa inyong lahat at mabuhay! :)

11 comments