LP #37: Mahalagang Regalo
Pinakamahalagang regalo kong itinuturing ang buhay…ang isilang at mabuhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos at ako’y pinahintulutan niyang mabuhay. Dahil sa ako’y nabuhay, nakamtan ko pa ang ibang mahahalagang regalo: ang aking pamilya’t mga minamahal ang unang-una na sa lahat! Talaga naman napakaganda at napakabuti ng buhay. Bukod sa pagmamahal ng pamilya, masisilayan mo ang ganda nito sa bawat pagsikat ng araw…

…sa kagandahan ng kalikasan…

…at pati sa paglubog ng araw.

May mga taong kung minsa’y nakapagsasambit na sana’y hindi na lamang sila nabuhay, dala na rin ng mga suliraning kung minsa’y dumarating sa atin. Ngunit habang tayo’y nabubuhay, buhay rin ang pag-asa. Hindi habangbuhay ang mga suliranin. Pasasaan ba’t matatapos rin ang mga ito. Kaya’t huwag kang malungkot. Huminto panandalian paminsan-minsan at huminga ng malalim. At maniwala ka, ang ganda at ang sarap mabuhay! Tunay na isang regalong napakahalaga!
Isang pang lahok para sa Litratong Pinoy: Mahalagang Regalo ng Paglalakbay
Mabuhay!
22 comments22 Comments so far
Leave a reply






malalim pero akma sa tema… sana nga magkaroon ng realization ang iba na mahalaga ang buhay, kahit nasa isang sitwasyon na parang wala nang pag-asa…
Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Mahalagang Regalo
Reply
[...] pang lahok para sa Litratong Pinoy DITO. Posted in: Blessings, Family, Litratong Pinoy | | Post [...]
Ang ganda naman ng mensahe ng iyong lahok ngayong linggo – tunay na nagbibigay-buhay! :)
Pinkys last blog post..LP #37: Mahalagang Regalo
Reply
tunay ka…malalim nga. ganda ng mga pekchurs!
spiCess last blog post..Litratong Pinoy: all i want for Christmas [mahalagang regalo]
Reply
wow..kahanga hanga..salamat sa maganda mong post! kaya lalo kang blinebless ni lord eh..
dangs last blog post..What’s up?
Reply
The heavens declare the glory of God; and the firmament shows and proclaims His handiwork. (Psalm 19:1) Agree agree!!!
gmirages last blog post..ABC Wednesday – Underground
Reply
Agree ako sa lahat ng sinabi mo :)
Parang pareho tayo ng tema, Weng, magkaiba lang ang pagkakasulat :)
julies last blog post..The Gift
Reply
Napakasarap talagang mabuhay!
Ang aking lahok ay na-post dito. Sana makadaan ka. Happy Huwebes!
ShutterHappyJenns last blog post..Mahalagang Regalo (Important Gift)
Reply
ang ganda naman ng iyong mga larawan, at tama ka sila ay napakagandang regalo!
Dinahs last blog post..Litratong Pinoy 001:Eksayted!
Reply
nice… happy huwebes… :)
linos last blog post..mahalagang regalo…
Reply
tumpak! masarap mabuhay at dapat di natin kalimutan na ang problema ay kasama talaga sa buhay. patay lang ang walang problema. your photos, by the way, are gorgeous!
luna mirandas last blog post..Litratong Pinoy: mahalagang regalo (treasured gift)
Reply
ang ganda ng pagkakasulat…sana ay mabasa ng lahat ng tao ito
Girlies last blog post..Mahalagang Regalo : 30th Litratong Pinoy
Reply
ang mabuhay nga ay isang regalo. mabuhay ka kapatid na litratista :)
eto nga pala lahok ko ..MAHALAGANG REGALO
Reply
tama… Ito ang lahok ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong desisyon kung bibilhin ko to.. ano sa tingin nyo?Bibilhin ko ba?
sweetytotss last blog post..The Winner of Kids Ahoy Pathfinder
Reply
Ang ganda ng mga kuha! Pinakagusto ko yung paglubog ng araw…
Da Best!
iskas last blog post..LP#37: Mahalagang Regalo
Reply
amen to that. :) and as usual, wonderful photos.
Reply
magandang regalo talaga ang likha ng Panginoon….
JOs last blog post..Wordless Wednesday: Full slab baby back ribs
Reply
tama ka dyan … everyday is a gift!
Reply
ang ganda nung shot ng mountain. kitang kita yung rays ng araw. Tama ka, araw araw ay tumatanggap tayo ng regalo, at yun ay ang ating buhay
purpleseas last blog post..LP 37: Mahalagang Regalo
Reply
I agree!!!!!! nakaka relax namanang mga larawan na iyan… ako rin ay may lahok ,, iyong silipin
JoyDs last blog post..Tracy Joy Bag
Reply
Beautiful shots, Weng!!
Happy holidays!
Reply
amen!
i love the pictures, napaka-conducive for introspection. :)
Reply