Pinakamahalagang regalo kong itinuturing ang buhay…ang isilang at mabuhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos at ako’y pinahintulutan niyang mabuhay. Dahil sa ako’y nabuhay, nakamtan ko pa ang ibang mahahalagang regalo: ang aking pamilya’t mga minamahal ang unang-una na sa lahat! Talaga naman napakaganda at napakabuti ng buhay. Bukod sa pagmamahal ng pamilya, masisilayan mo ang ganda nito sa bawat pagsikat ng araw…

…sa kagandahan ng kalikasan…

…at pati sa paglubog ng araw.

May mga taong kung minsa’y nakapagsasambit na sana’y hindi na lamang sila nabuhay, dala na rin ng mga suliraning kung minsa’y dumarating sa atin. Ngunit habang tayo’y nabubuhay, buhay rin ang pag-asa. Hindi habangbuhay ang mga suliranin. Pasasaan ba’t matatapos rin ang mga ito. Kaya’t huwag kang malungkot. Huminto panandalian paminsan-minsan at huminga ng malalim. At maniwala ka, ang ganda at ang sarap mabuhay! Tunay na isang regalong napakahalaga!
Isang pang lahok para sa Litratong Pinoy: Mahalagang Regalo ng Paglalakbay
Mabuhay!






