Munchkin Mommy

LP #36: Eksayted (Excited) sa Disneyland

Wala pang apat na buwang gulang nang unang sumakay ng eroplano si Abby.  Bago kami pumarito sa Amerika, pinalad na si Abby na makapunta sa ilang mga bansa sa Asya at sa Europa.  Ngunit dahil wala pa siyang tatlong taong gulang ng mga panahong iyon, kami ng kaniyang ama ang eksayted para sa kaniya lalo na nang una siyang makapag suot ng mga kasuotang pang-winter.


Sa loob ng eroplano papuntang Los Angeles, California

Noong Hulyo, si Abby na mismo ang nakaramdam ng pagkaeksayted para sa kaniyang sarili nang kami’y magbakasyon sa California.  Matagal na siyang nagyayayang makapunta ng Disneyland.  Nagpapasalamat kami sa Diyos at kami’y nabigyan ng pagkakataon at ng paraan upang mapagbigyan ang aming anak.


Tamang-tama at nagdiriwang ang Disneyland ng “Year of a Million Dreams”.  Kasama ang pangarap ni Abby sa isang milyong mga panaginip na iyon.


Hindi kumpleto ang pagpunta ng Disneyland kung walang larawana kasama si Mickey Mouse.  Ang tagal nang aming ipinila para lamang makapagpakuha.

Eksayted si Abby at nakilala niya ang mga karakter na dati-rati’y napapanood niya lamang sa tv:


Si Abby at si Minnie Mouse


Si Abby at si Goofy

Ngunit ang lubos na nagbigay ligaya kay Abby sa araw na iyon ay ang makilala ng personal ang iba’t ibang prinsesa ng Disney:


Nakatulog si Abby habang kami’y nakapila upang makilala ang mga prinsesa.  Ngunit nagising siya agad nang siya na ang susunod na makikipagkilala at magpapakuha ng larawan kasama ng mga prinsesa!


Si Abby at si Snow White


Si Abby at si Cinderella


Si Abby at si Aurora (Sleeping Beauty)


Si Abby at si Pocahontas (ang aking personal na paborito sa aming mga nakilala!)


Si Abby kasama sina Jasmine at Alladin

Sana sa Disney World naman kami makapagbakasyon sa susunod.  Hindi pa kami nakakarating doon.  Iniisip ko pa lamang ay naeeksayt na naman ako. :D

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Eksayted na Makapiling

Mabuhay!

26 comments

26 Comments so far

  1. jeanny  December 3rd, 2008 10:42 am

    wow….ang saya saya….nakak excite nga naman pumunta jan. Super excited si abby…ang cute talga nya :)

    jeannys last blog post..LP: Eksayted ako sa pizzapie!

    Reply

  2. NeLL  December 3rd, 2008 11:32 am

    i am loving abby’s first photo, excited na excited sya!

    NeLLs last blog post..Manila, Here I Come

    Reply

  3. gmirage  December 3rd, 2008 12:02 pm

    Ay kakatuwa, nanjan din ang mga princesses, ako mas naeexcite tuloy ngayon lol. Like nell, tuwa din ako sa unang foto, ganda ganda ng smile!

    gmirages last blog post..Litratong Pinoy – Excited ka ba?

    Reply

  4. thess  December 3rd, 2008 12:21 pm

    Wow Abby!! Feel na feel ko excitement mo, cute cute pictures!!

    Mommy Weng, dream come true talaga for Abby ha, ang bait nyo ni dad :)

    thesss last blog post..mahirap na nakaka excite! (lp 36)

    Reply

  5. [...] Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Eksayted sa Disneyland [...]

  6. spiCes  December 3rd, 2008 2:15 pm

    e mukhang mas eksayted pa kayong 2 mag-irog ah…pero the first shot e talga namang captured excitement sa face ni abby!:)

    spiCess last blog post..Litrato: eksayted [excited]

    Reply

  7. julie  December 3rd, 2008 4:32 pm

    Abby, ang ganda ng ngiti mo,nakapagpapangiti din sa akin.

    julies last blog post..21 Days to go Before Christmas

    Reply

  8. Linnor  December 3rd, 2008 6:16 pm

    kakatuwa naman, ang daming Disney characters and na-meet and greet nya! :D

    Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Excited!

    Reply

  9. cakesandladders  December 3rd, 2008 8:16 pm

    wow another disneyland entry, exciting talga ang lugar na ito lalo sa mga bata.

    cakesandladderss last blog post..Litratong Pinoy-Eksayted/Excited

    Reply

  10. tanchi  December 3rd, 2008 8:44 pm

    napakacute niya:)
    kitang kita ang kasiyahan

    maligayang LP
    ganda rin ang kuha.
    bisita ka rin sa entry ko:)
    monkeymonitor.blogspot.com

    Reply

  11. sweetytots  December 3rd, 2008 8:55 pm

    ako din pangarap ko rin makapunta sa Disney plano nmen next year, sa Hong Kong lang.. silip ko nman sken Eksayted sa pasko

    sweetytotss last blog post..Books and Coffee

    Reply

  12. ShutterHappyJenn  December 3rd, 2008 9:07 pm

    Wow naman… ang gaganda ng mga litrato!

    Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    ShutterHappyJenns last blog post..Eksayted (Excited)

    Reply

  13. HiPnCooLMoMMa  December 4th, 2008 2:28 am

    kitang kita sa pagmumukha ni Abby ang excitement. Kakaibang bata yan ha, di ba normally pag bagong gising may topak, pero sya smile pa din.

    HiPnCooLMoMMas last blog post..Eksayted! : 29th Litratong Pinoy

    Reply

  14. FamiliaKhuletz  December 4th, 2008 4:37 am

    …ka inggit.. heheh, sana makapunta din ako sa disneyland..

    ..nice shots..^_^

    eto akin

    happy lp

    FamiliaKhuletzs last blog post..Eksayted (Excited)

    Reply

  15. Pinky  December 4th, 2008 8:29 am

    Naku, magpinsan nga talaga si Abby at Marga – pareho ang source of excitement – Disneyland! Hahaha! :D

    Love the sleeping shot too – cute!

    Pinkys last blog post..LP #36: Excited!

    Reply

  16. Eloise  December 4th, 2008 10:09 pm

    haaaay sarap sa disneyland…one of the happiest places on earth!!!

    Happy LP!!!

    heto ang aking lahok–> http://eloiselei.blogspot.com/2008/12/lp36-eksayted.html

    Eloises last blog post..LP:36 Eksayted

    Reply

  17. lino  December 4th, 2008 10:12 pm

    waaah! ako rin excited makapunta dyan…. hehehe…
    pasensya na at nahuli, pakisilip po ang aking lahok… :)

    linos last blog post..excited…

    Reply

  18. Twinkie  December 5th, 2008 7:39 am

    Awww! Ang galing ng pagkaka-present mula ng nakatulog siya at nagising kasama ang mga prinsesa! Grabe si Abby all smiles talaga. Kaya naman ang sarap pagbigyan ng pagbigyan ano po?

    By April next year sana ay walang maging dahilan para ‘di kami matuloy sa Disneyland Paris. Simula ng mapanuod ni Mia ang Mickey Mouse Clubhouse kasunod ng advertisement ng Disneyland ay walang patid ang kanyang tili kakasabi ng “I wish I could go to Disneyland!” Kaya mega-relate talaga ako sa excitement ni Abby.

    For sure, mapupuntahan niyo rin ang Disney World. Lakas ni Abby sa inyo e! Hehe!

    Twinkies last blog post..Our First Christmas Tree

    Reply

  19. Junnie  December 5th, 2008 11:46 am

    ako rin gusto ko nang litrato with the princessess :) ibang eksaytment naman sa matanda yun :)

    Reply

  20. JO  December 6th, 2008 5:42 pm

    excited din ang mga anak ko nung pumunta kami sa disney. ang hirap lang silang papilahin sa mga characters… panay pila kasi at ayaw nilang pumila.

    JOs last blog post..My dream house

    Reply

  21. nina  December 7th, 2008 2:05 am

    Napangakuan ko ang pamangkin ko na pupunta kami sa Disneyland next year. Sobrang excited na kaya di pwedeng hindi tumuloy…

    ninas last blog post..

    Reply

  22. nina  December 7th, 2008 2:05 am

    Napangakuan ko ang pamangkin ko na pupunta kami sa Disneyland next year. Sobrang excited na kaya di pwedeng hindi tumuloy…

    ninas last blog post..

    Reply

  23. dang  December 8th, 2008 9:50 pm

    alam mo weng si miguel ngayon pa lang hinihiling na sa disney sya magbirthday. ! maliit pa kasi sya noong nagpunta kami kaya di pa nya enjoy noon!! ang ganda naman ng mga litrato ni abby! kakaexcite tuloy mag disney ulit!

    dangs last blog post..LP #36 – Excited!(Eksayted)

    Reply

  24. Leap of Faith!  December 9th, 2008 10:41 am

    Weng, hindi ako makapaniwala na pinilahan niyo lahat ng mga meet-and-greet na yon… siguro naubos ang oras niyo doing that.

    I’m happy for Abby… she must have enjoyed it a lot.

    Leap of Faith!s last blog post..Vienna Sausages Anyone?

    Reply

  25. edzh  December 13th, 2008 12:18 am
  26. Meeya  January 6th, 2009 8:29 am

    exciting talaga sumakay ng eroplano at pumunta ng disney, pati mga matatanda bumabalik sa pagkabata hehehe! :D

    Reply

Leave a reply