Archive for December 3rd, 2008

03 Dec 2008 LP #36: Eksayted (Excited) sa Disneyland

Wala pang apat na buwang gulang nang unang sumakay ng eroplano si Abby.  Bago kami pumarito sa Amerika, pinalad na si Abby na makapunta sa ilang mga bansa sa Asya at sa Europa.  Ngunit dahil wala pa siyang tatlong taong gulang ng mga panahong iyon, kami ng kaniyang ama ang eksayted para sa kaniya lalo na nang una siyang makapag suot ng mga kasuotang pang-winter.


Sa loob ng eroplano papuntang Los Angeles, California

Noong Hulyo, si Abby na mismo ang nakaramdam ng pagkaeksayted para sa kaniyang sarili nang kami’y magbakasyon sa California.  Matagal na siyang nagyayayang makapunta ng Disneyland.  Nagpapasalamat kami sa Diyos at kami’y nabigyan ng pagkakataon at ng paraan upang mapagbigyan ang aming anak.


Tamang-tama at nagdiriwang ang Disneyland ng “Year of a Million Dreams”.  Kasama ang pangarap ni Abby sa isang milyong mga panaginip na iyon.


Hindi kumpleto ang pagpunta ng Disneyland kung walang larawana kasama si Mickey Mouse.  Ang tagal nang aming ipinila para lamang makapagpakuha.

Eksayted si Abby at nakilala niya ang mga karakter na dati-rati’y napapanood niya lamang sa tv:


Si Abby at si Minnie Mouse


Si Abby at si Goofy

Ngunit ang lubos na nagbigay ligaya kay Abby sa araw na iyon ay ang makilala ng personal ang iba’t ibang prinsesa ng Disney:


Nakatulog si Abby habang kami’y nakapila upang makilala ang mga prinsesa.  Ngunit nagising siya agad nang siya na ang susunod na makikipagkilala at magpapakuha ng larawan kasama ng mga prinsesa!


Si Abby at si Snow White


Si Abby at si Cinderella


Si Abby at si Aurora (Sleeping Beauty)


Si Abby at si Pocahontas (ang aking personal na paborito sa aming mga nakilala!)


Si Abby kasama sina Jasmine at Alladin

Sana sa Disney World naman kami makapagbakasyon sa susunod.  Hindi pa kami nakakarating doon.  Iniisip ko pa lamang ay naeeksayt na naman ako. :D

Isa pang lahok para sa Litratong Pinoy: Eksayted na Makapiling

Mabuhay!