Munchkin Mommy

LP #35: Ang Pagwawagi

Pagwawagi kong itinuturing nang ako’y biyayaan ng Diyos ng asawang taglay ang mga katangiang hinahanap-hanap ng mga kababaihan.  Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagiging mabait, maginoo, responsable, mapagmahal at matulungin ay ilan lamang sa mga katangiang ito.  Bonus na lamang na guwapo rin siya.  Hahaha!

Siyempre pa, wagi din ako sa aking anak na maganda, matalino at talaga namang nagbibigay ligaya sa aming mag-asawa.

Sa mag-ama ko pa lamang, daig ko pa ang nanalo sa lotto.  Ngunit ok lang din kung papapanalunin ako ng Diyos sa lotto.  Bukas puso ko iyong tatanggapin.  Pramis.

Pero patas lang kaming mag-asawa.  Wagi din naman siya sa aming mag-ina. *kindat*

oOo

Noong nakaraang Linggo’y nagdiwang ng kaniyang kaarawang ang aking kabiyak.  Binigyan siya ng libreng hiwa ng keyk sa lugar kung saan kami kumaing ng tanghalian.   Naexcite nang husto ang aming anak nang makita ang keyk na may kandila.  Siya siyempre ang nagihip noon.  Narito ang ilang larawan mula sa araw na iyon…

Araw ng Pasasalamat bukas dito sa Amerika.  Unang-una ko nang ipinagpapasalamat ang aking mag-ama at ang aming mga mahal sa buhay na hindi man namin kapiling ay lagi namang laman ng aming puso’t isipan.

Isa pang pang lahok para sa LP DITO, patunay na pagwawagi ang naghihintay kung tayo’y magsisikap, magtitiyaga at mananalig sa Diyos,

19 comments

19 Comments so far

  1. jeanny  November 26th, 2008 10:41 am

    Ang iyong pagwawagi ay walang katumabas. Magkaroon ka ba naman ng isang masayang pamilya…para ka na ring nanalo sa lotto :)

    Happy Huwebes at happy Thanksgiving ;)

    jeannys last blog post..LP: Ang panalo ko’y isang

    Reply

  2. thess  November 26th, 2008 11:33 am

    Waging wagi talaga!!

    Reply

  3. sleeplessinkl  November 26th, 2008 11:43 am

    I wanted to leave a comment in Tagalog but couldn’t find the right words. I haven’t heard that word in a long time – kabiyak. The whole term is kabiyak dibdib, right? It made me realize how special the Tagalog term for spouse is, a lot better than ‘better half’!

    Reply

  4. [...] Isa pang lahok para sa LP DITO. [...]

  5. Pinky  November 26th, 2008 3:33 pm

    Agree ako – panalo nga kayong mag-anak! :D

    Here’s to more blessings and more happy and healthy years to Donds too!

    Pinkys last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi

    Reply

  6. lino  November 26th, 2008 4:29 pm

    honga, panalo… magandang araw ng huwebes… :)

    linos last blog post..ang pagwawagi…

    Reply

  7. Linnor  November 26th, 2008 6:26 pm

    yan din ang simbolo ko ng aking pagwawagi. buti na lang at nabiyayaan tayo ng maayos ng mga pamilya.

    Overflow
    Captured Moments

    Linnors last blog post..LP: Ang Pagwawagi (Triumph)

    Reply

  8. luna miranda  November 26th, 2008 8:48 pm

    you have a beautiful family. ang matiwasay na pagsasama ay isang malaking biyaya talaga.

    luna mirandas last blog post..Wordless Wednesday: Purple

    Reply

  9. tanchi  November 26th, 2008 9:26 pm

    waging-wagi ka talga sa knila:)
    maligayang LP

    check mo rin lahok ko:)

    Reply

  10. FamiliaKhuletz  November 26th, 2008 10:04 pm

    Ay oo naman, noh? Parehong wagi! =)

    Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    FamiliaKhuletzs last blog post..Pagwawagi (Triumph)

    Reply

  11. peachkins  November 26th, 2008 10:05 pm

    aaaawww…sweet naman. Pero tama ka, hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng magandang buhay pamilya…

    Nandito po ang akin.

    Magandang Huwebes!

    peachkinss last blog post..LP: Ang Pagwawagi

    Reply

  12. pining  November 27th, 2008 5:18 am

    you’re a sure winner with your beautiful family, and they’re lucky to have you as well, I’m sure :-)
    happy thanksgiving.

    pinings last blog post..Ang pagwawagi

    Reply

  13. julie  November 27th, 2008 5:54 am

    Wagi ang post mo Weng, belated Happy Birhday ke hubby mo :)

    julies last blog post..Pang-aabuso, Nagwagi nga ba Tayo Laban Dito?

    Reply

  14. Leap of Faith!  November 27th, 2008 6:21 am

    Hey Weng… wagi talaga sa yo si Dondi…hehehe! Belated happy birthday, Dondi. You have a very beautiful and happy family. Really something to be proud of.

    Leap of Faith!s last blog post..Snow Tree

    Reply

  15. cheh  November 27th, 2008 7:31 am

    Waging wagi sa ganda ng ngiti ng buong pamilya:) belated happy birthday to your big boy!

    chehs last blog post..Litratong Pinoy 5: Ang Pagwawagi!

    Reply

  16. G_mirage  November 28th, 2008 5:29 pm

    Ang ating pamilya ang ating tropeo hindi ba? Pramis, tatandaan ko na ngayon, hindi na ko malilito sa inyo ni Meeya :D

    (Sis, wagi din ang kilay nyo ni Abby ha! OT…) Hopes for a happy, healthy family life nyo!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Ang Pagwawagi

    Reply

  17. SleeplessInKL  December 3rd, 2008 3:18 am

    Winner ka nga talaga :)

    Reply

  18. Twinkie  December 5th, 2008 7:47 am

    Haha! Natawa ako sa “lotto pramis” mo Ate Weng! :D

    Bihira na nga sa panahon ngayon ang magkaroon ng katuwang na gaya ng iyong asawa. (Buti at naka-agaw ako ng isa. Hahaha!) Pero siya nga at kayo ay “equals” at ang malaking pruweba ay ang inyong Abby.

    Tunay na kahanga-hanga ang inyong pamilya. Wagi kung wagi ka talaga. :)

    Twinkies last blog post..Our First Christmas Tree

    Reply

  19. Meeya  January 6th, 2009 8:34 am

    at oo, tumpak, kung meron man waging-wagi sa mundo (aside from kami) ay kayo iyon! :D

    belated happy birthday dondi! bawat taon na dagdag sa iyong buhay ay tanda ng isa na namang taong laksa ng pagwawagi.

    (psst, yung balato namin sa lotto win niyo ha? haha!)

    Reply

Leave a reply