Pagwawagi kong itinuturing nang ako’y biyayaan ng Diyos ng asawang taglay ang mga katangiang hinahanap-hanap ng mga kababaihan. Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagiging mabait, maginoo, responsable, mapagmahal at matulungin ay ilan lamang sa mga katangiang ito. Bonus na lamang na guwapo rin siya. Hahaha!
Siyempre pa, wagi din ako sa aking anak na maganda, matalino at talaga namang nagbibigay ligaya sa aming mag-asawa.

Sa mag-ama ko pa lamang, daig ko pa ang nanalo sa lotto. Ngunit ok lang din kung papapanalunin ako ng Diyos sa lotto. Bukas puso ko iyong tatanggapin. Pramis.
Pero patas lang kaming mag-asawa. Wagi din naman siya sa aming mag-ina. *kindat*

oOo
Noong nakaraang Linggo’y nagdiwang ng kaniyang kaarawang ang aking kabiyak. Binigyan siya ng libreng hiwa ng keyk sa lugar kung saan kami kumaing ng tanghalian. Naexcite nang husto ang aming anak nang makita ang keyk na may kandila. Siya siyempre ang nagihip noon. Narito ang ilang larawan mula sa araw na iyon…



Araw ng Pasasalamat bukas dito sa Amerika. Unang-una ko nang ipinagpapasalamat ang aking mag-ama at ang aming mga mahal sa buhay na hindi man namin kapiling ay lagi namang laman ng aming puso’t isipan.
Isa pang pang lahok para sa LP DITO, patunay na pagwawagi ang naghihintay kung tayo’y magsisikap, magtitiyaga at mananalig sa Diyos,






