19 Nov 2008 LP #34: Madumi
 |  Category: Litratong Pinoy

Ito ang aking mga kakampi, upang sa mga plato’y matanggal ang dumi…

Ngunit di pa rin maiaalis, balikbalikan ang subok na;
Paghuhugas gamit ang mga kamay, sabon, brush at espongha. ;)

Noong bagong dating kami dito sa Amerika, ayaw kong gumamit ng dishwasher.  Unang-una, hindi praktikal dahil wawalo lamang ang aming mga plato noon, apat ang baso, iilang mga kaldero at apat na sets ng kutsara, tinidor, kutsarita at kutsilyo.  Ngunit nang dumating ang aming mga gamit mula sa Pilipinas, aba, nabighani na rin ako sa wakas ng dishwasher.  At isa pa, ang mga kamay ko’y nagiging tuyot na.  Babay sa mga daliring hugis kandila at makinis na kamay. :(   Bespren ko na ang dishwasher ngayon. Ngunit kung kakaunti rin lang naman ang huhugasan, hugas kamay pa rin.  Saka hindi lahat ng gamit ay dishwasher safe.  Grrr. Hahaha!

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

26 Comments

  1. Em Dy on 19.11.2008 at 10:29 (Reply)

    Aliw na aliw ako sa dishwasher ng Residence Inn kung saan tumigil kami ng mga kaibigan ko ng 2003. First time ko kasing makagamit nun. Pero tama ka di sulit kung kakaunti ang laman.

    Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..Psst, Ingat!

  2. [...] pang kontra dumi DITO. Posted in: Litratong Pinoy | | Post [...]

  3. maver on 19.11.2008 at 11:11 (Reply)

    naku, maniwala ka, hindi pa ako nakakagamit nyan! at sana, hindi ko kailanganing gamitin ito. hehehe!

    happy lp!

  4. G_mirage on 19.11.2008 at 12:32 (Reply)

    Apir tayo Weng, bespren ko din yan! Dahil sa kanya bawas trabaho sa kusina..

    Happy LP!

  5. thess on 19.11.2008 at 12:38 (Reply)

    Buti ka pa machine, palibhasa 2 lang kami ni Mr. Thesserie…kaya laging kuskos kamay drama ko..hu hu, tuyo ng skin!!

    thesss last blog post..Madumi (LP 34)

  6. spiCes on 19.11.2008 at 13:54 (Reply)

    ako rin yan ang mga kakampi ko:) uy dko alam na may labender pleybor na ang palmolive! makahanap nga, buti nlang i didn’t buy the one in CVS knina, buy 1 get 1 free …

    spiCess last blog post..Litratong Pinoy: Madumi

  7. Joy on 19.11.2008 at 14:38 (Reply)

    Naku, ganyan din ako nung bagong salta sa Amerika. Parating hugas-kamay. Pero ngayong 4 na anak ko, bespren ko na rin ang dishwasher!

    Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/11/lp-madumi-dirty.html

    Magandang araw!

    Joys last blog post..LP: Madumi (Dirty)

  8. Pinky on 19.11.2008 at 16:41 (Reply)

    Buti ka pa at meron niyan… dito sa amin e “mano-mano” pa rin ang labanan. ;) Goodbye na talaga sa mga kamay at daliring makikinis!

    Pinkys last blog post..LP #34: Madumi

  9. cookie on 19.11.2008 at 19:52 (Reply)

    ako naman lab na lab ko ang dishwasher namin….si Manang…hehehe :D

    happy L:)

    eto po ang lahok ko..Madumi

    cookies last blog post..Litratong Pinoy : Madumi

  10. julie on 20.11.2008 at 00:04 (Reply)

    Iba talaga ang kinuskos :) Lalo na kapag me natuyong oatmeal sa bowl, nakupo! ang hirap alisin :D

    julies last blog post..Yuck!

  11. SOMETHING PURPLE on 20.11.2008 at 00:20 (Reply)

    ay love ko si palmolive weng, di nakakasira ng kamay at tulad mo ayaw ko din ng dishwasher.

    narito ang aking mga lahok: http://stripeatyellow.com at http://elegancefoodandwine.com mwah!

    SOMETHING PURPLEs last blog post..wordless wednesday #32

  12. sweetytots on 20.11.2008 at 01:29 (Reply)

    katuwa nman.. ung sabon palmolive.. haha meron palang panghugas ng plato nyan.. masdan ang aking lahok dito..dito and dito

    sweetytotss last blog post..SweetyTots December Giveaway

  13. pining on 20.11.2008 at 03:43 (Reply)

    naalala ko tuloy ang aking sirang dishwasher… malaking tulong talaga iyan :-)
    happy weekend sa iyo

    pinings last blog post..Madumi

  14. JoyD on 20.11.2008 at 04:40 (Reply)

    h ah aha… Besfren ko rin dishwasher ko!!!!!
    eto sa akin,, http://aussietalks.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi.html

    JoyDs last blog post..Australia the Movie

  15. nina on 20.11.2008 at 06:53 (Reply)

    noong pumunta ako sa US, hindi ginagamit ng kaibigan ko ang dishwasher nila. Tawag sa knila ng step dad nya ay crazy – pero pagkhugas ng plato sa dishwasher ilalagay para matiktik :)

  16. cheh on 20.11.2008 at 15:55 (Reply)

    hehehe Preho tayo! palmolive din gamit ko:D

    chehs last blog post..Litratong Pinoy 4: Madumi

  17. JO on 20.11.2008 at 19:02 (Reply)

    masubukan nga ang cascade…

    Eto ang aking lahok.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Madumi

  18. Shuttercow on 21.11.2008 at 02:57 (Reply)

    Minsan ay mahusay pa rin ang kinamay :)

    Magandang araw! Ito po ang lahok ko.

    Shuttercows last blog post..Litratong Pinoy #34: Madumi

  19. Junnie on 21.11.2008 at 16:15 (Reply)

    mahirap yang mga kemikal na yan. kailangan mo ng guwantes..mainit na tubig lang pwede na :) hindi magnanaknak ang mga daliri mo :)

    eto sa akin…http://pic.blogspot.com/2008/11/marumi.html

  20. lino on 21.11.2008 at 19:06 (Reply)

    hehe, mag pantanggal ng dumi… pasensya na at nahuli ako, pakisilip ang aking lahok…. :)

    linos last blog post..madumi…(dirty)

  21. pao on 21.11.2008 at 21:29 (Reply)

    mmm… at amoy lavender pa. :)

    paos last blog post..The David Statue at the People’s Park

  22. NeLL on 21.11.2008 at 23:39 (Reply)

    yan din ang gamit kong dishwashing liquid, sis. kanikanina lang eh gamit ko yan. naglinis ako, dahil dumating si mom. eh nuno pa naman ng balidosa yon. kaya napa-general cleaning ako ng di oras. hehehe!

    sowee po at late ako nag comment hah. mwaaah!

    NeLLs last blog post..Thin Line

  23. korky on 22.11.2008 at 20:44 (Reply)

    wala bang Joy jan? isang patak nalilinis ang isang katutak….hehehe

    korkys last blog post..Rainbow

  24. purplesea on 23.11.2008 at 21:19 (Reply)

    bakit kaya di nauso ang teknolohiyang yan dito sa Pinas? Minsan feeling ko sa dami ng hugasin, nakukuba na ako.

    purpleseas last blog post..LP 34: Madumi

  25. Meeya on 25.11.2008 at 12:22 (Reply)

    matagal tagal na rin akong hindi gumagamit ng dishwasher, ang gastos kasi sa tubig at kuryente, hehe! nagagamit ko lang pag maraming bisita at maraming hugasin, otherwise kung kami lang ni ninna, si ninna na lang naghuhugas, hahahaha! :D

  26. Leap of Faith! on 27.11.2008 at 06:39 (Reply)

    Hindi ba magastos sa kuryente ang dishwasher? Ang sarap nga magka ganyan… sana kami rin para mabawasan naman ang gawing bahay :)

    Leap of Faith!s last blog post..Snow Tree

Leave a comment

CommentLuv Enabled