LP #34: Madumi
Ito ang aking mga kakampi, upang sa mga plato’y matanggal ang dumi…

Ngunit di pa rin maiaalis, balikbalikan ang subok na;
Paghuhugas gamit ang mga kamay, sabon, brush at espongha. ;)

Noong bagong dating kami dito sa Amerika, ayaw kong gumamit ng dishwasher. Unang-una, hindi praktikal dahil wawalo lamang ang aming mga plato noon, apat ang baso, iilang mga kaldero at apat na sets ng kutsara, tinidor, kutsarita at kutsilyo. Ngunit nang dumating ang aming mga gamit mula sa Pilipinas, aba, nabighani na rin ako sa wakas ng dishwasher. At isa pa, ang mga kamay ko’y nagiging tuyot na. Babay sa mga daliring hugis kandila at makinis na kamay. :( Bespren ko na ang dishwasher ngayon. Ngunit kung kakaunti rin lang naman ang huhugasan, hugas kamay pa rin. Saka hindi lahat ng gamit ay dishwasher safe. Grrr. Hahaha!
26 comments





