12 Nov 2008 Litratong Pinoy #33: Kinagisnan
 |  Category: Litratong Pinoy, Travel

Noong nakaraang Sabado, kami at ang aming mga kaibigan ay nagpunta sa Texas Renaissance Festival sa bayan ng Plantersville may mahigit dalawang oras ang layo mula sa aming tirahan.  Kami ay naging saksi sa mga tanawin, kasuotan, tugtugin, laro at lasang (kultura sa madaling salita) kinagisnan ng mga taong ipinanganak noong ika-16 na siglo (Ang panahon ng Renaissance ay tumagal mula ika-15 hanggang ika-17 siglo).

Hindi ko na papakahabain pa ang panimula.  Narito ang mga eksenang tumambad sa amin sa mahigit pitong oras na pagbabad sa panahon ng Renaissance… (PS: Nilakihan ko na ang mga larawan kaya’t mukhang mahaba ang aking akda…well, napahaba nga yata. :D )

Mga magagarang kasuotan – Ikinagulat namin na kahit ang mga bumibisita sa festival ay nakagayak Renaissance (costume) din.  Ang iba’y nakita naming nagbibihis sa paradahan ng mga sasakyan at ang iba nama’y nagarikila sa may labas ng theme park.  Marami ding nagtitinda ng kasuotan sa loob ng festival.

Ang mamang ito ay hindi si Sting.  Pero kamukha ano?  Bahagi siya ng palabas na nagtatampok sa jousting.

Kung napanood ninyo ang pelikulang A Knight’s Tale na pinagbidahan ng yumaong si Heath Ledger, may mga taong nagpapakilala sa mga kalahok sa jousting.  Iyon ang papel ng babaeng nakasuot ng magarang kasuotan sa larawan.

Kngith in shining armor?  Hindi ba’t iyan kung minsan ang ginagamit na pantukoy ng mga kababaihan sa kanilang mga iniirog? Kiliiiig!

Ikinatuwa naming lubos ang panood ng jousting.  Ikalawang bahagi lamang ito ng palabas ngunit ito ang aming pinakaaabangan.  Hindi siya kasing “action packed” katulad ng sa pelikula at katulad ng aking inaasahan ngunit talagang nakapagbigay aliw sa lahat ng mga nanood.

Dahil ang Renaissance ay ang muling kapanganakan ng istoling klasiko (rebirth of the classics), maraming mga estatwa (sculptures) na may bahid ng istilo at kapanahunang Griego (Greek).

Para sa gustong makaalam sa kapalarang naghihintay sa kanila sa kinabukasan, tabi-tabi ang makukulay na tents kung saan may nagbabasa ng palad, tarot, mga bituin (Astrology) at pati siguro bolang kristal. :D

Ang mga gamit sa pakikipaglaban noong panahong iyon ay amin ring nasilayan.  Sa katunayan ang mga ito’y  ibinebenta bilang ala-ala (souvenir) sa pagdalo sa festival.  Mayroon ding mga espada na gawa sa matigas na foam at ang iba’y gawa sa kahoy.

Mga gayuma: pampabata, pampaganda, pampabango at kung anu-ano pa!  Pabango talaga ang mga itong isinasalin sa mga naggagandahang maliliit na bote puwedeng gamiting palawit ng kuwintas (pendant).

Nasubukang sumakay ng aking mag-ama sa isang camel sa tumataginting na  $4 bawa’t isa.  Hold-up!!!  Pero gusto talagang sumakay ng aking anak at dahil siya’y may kaliitan pa, hindi siya papayagang sumakay kung hindi may kasamang matanda.

May mga diwata (fairies) ring namimigay ng mahiwagang alikabok (fairy/pixie dust).  Hindi naman nila talaga binibigay, dahil magbabayad ka muna ng $1 para sa alikabok na iyong hihipan upang ikaw ay makapagbulong na kahilingan.  Pagkatapos ay bibigyan ka din ng diwata ng kristal. Hold-up ulit!  Pero di kami nagpabiktima…ang mga kasama lang namin.  Hahaha!  Mahirap pahindian ang mga anak.  :)

Kapag nakagawa ng matinding kasalanan, ito ang iyong aabutin…pagpugot sa ulo sa gitna ng plaza!  Iyan ang tagapugot (executioner) at ang kaniyang alalay.

Mahigit 300 ang mga larawang kuha ko mula sa festival.  Akin pang pinipili ang aking ipapakita sa mga susunod na araw. Nailathala ko na sa aking blog tungkol sa pagkain ang mga masasarap na pagkain sa festival.

Ang isa ko namang lahok para sa Litratong Pinoy ay pagpapaliwanang kung bakit sanay sa pagpapakuha ng litrato ang aking anak. :)

Mabuhay!

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

26 Comments

  1. adinille on 12.11.2008 at 10:22 (Reply)

    ay!! ang saya!!! napakarami mong kuha sa mga nakagisnang kultura at pananamit diyan sa banda mo! sakto ang lakad nyo sa tema natin ngayong Huwebes sa LP! :)

  2. [...] Mga nakagisnang kultura noong panahon ng Renaissance naman ang isa ko pang lahok para sa Litratong Pinoy. [...]

  3. fortuitous faery on 12.11.2008 at 11:17 (Reply)

    ang saya naman sa ganito! di pa ko nakakapunta sa renaissance fair. siguro parang ganyan din pag nagparty ka sa “medieval times.”

    fortuitous faerys last blog post..death of a mouse

  4. thess on 12.11.2008 at 12:09 (Reply)

    Cool costumes! saka kamukha nga ni Sting yung guy ha!

    hayyzzz, ang sarap naman ng lakad nyo na ito, Weng ;)

  5. avril on 12.11.2008 at 12:16 (Reply)

    What a wonderful experience!

  6. JO on 12.11.2008 at 13:45 (Reply)

    ang saya naman… ganda ng mga damit!

    I haven’t seen one like that in person..

    JOs last blog post..Wordless Wednesday #8

  7. ces on 12.11.2008 at 14:24 (Reply)

    ang gaganda! at ang saya saya!

    cess last blog post..Litratong Pinoy: Kinagisnan

  8. ibyang on 12.11.2008 at 15:05 (Reply)

    salamat sa pag-share sa amin.

    eto naman ang mga nakagisnan ko:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-kinagisnan.html

    ibyangs last blog post..A Different Kind Of Appreciation

  9. RoseLLe on 12.11.2008 at 18:13 (Reply)

    hindi na baleng holdup parang ang saya namang experience para sa iyong munting prinsesa :)

    napakaganda talaga ng kanilang mga kasootan…ang garang tingnan. at totoo kilig talaga kung ganyang ka tikas ang iyong iniirog.

    ang aking mga lahok ay naririto: Reflexes at Living In Australia

    RoseLLes last blog post..Beach All Over

  10. peachkins on 12.11.2008 at 18:18 (Reply)

    Wow! ang ganda.Iba-iba talaga ang nakagisnan ng iba’t ibang tao..

    Nandito po ang akin.

    Magandang Huwebes!

    peachkinss last blog post..Nag-mall kami noong Lunes…

  11. cookie on 12.11.2008 at 19:39 (Reply)

    ang saya naman nyan. parang pang-pelikula :)

    eto ang lahok ko :)

    cookies last blog post..Litratong Pinoy : Kinagisnan

  12. tanchi on 12.11.2008 at 19:54 (Reply)

    wow..isang napakagandan cosplay:)
    maligayang LP

    monkeymonitor.blogspot.com

  13. ShutterHappyJenn on 12.11.2008 at 19:55 (Reply)

    Wow ang ganda naman niyan!

    Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!

    ShutterHappyJenns last blog post..Kinagisnan

  14. julie on 12.11.2008 at 20:24 (Reply)

    Wow, type ko ang mga ganito puntahan. Daming matututunan at madaming mga photo opps :)

    julies last blog post..Kinagisnan

  15. marites1034 on 13.11.2008 at 01:06 (Reply)

    mukha namang kaaliw-aliw ang napuntahan mo..may kamahalan nga lang pero siguro kapag dolyares ang kinikita, kakayanin nalang hehehe! kakatuwa at andoon pala si “Sting” at nakikigulo..asan kaya ang kanyang asawang si Trudis:)maligayang LP sa iyo.

    marites1034s last blog post..Litratong Pinoy#26 Kinagisnan

  16. dyes on 13.11.2008 at 01:29 (Reply)

    aba, medieval na medieval nga ang dating :) parang napaka-romantiko ng panahon na yan :)

    dyess last blog post..LP: Kinagisnan

  17. toni on 13.11.2008 at 04:19 (Reply)

    “Ang mamang ito ay hindi si Sting. ” *LOL* OO NGA ‘NO! Kamukha nga nya!!

    Uuuuy mukhang mag-e-enjoy ako dito!!! Naaliw ako sa potions at jousting!

    tonis last blog post..Ang kinagisnang mga ngiti sa may gate

  18. pining on 13.11.2008 at 08:35 (Reply)

    ang gara ng kanilang medieval costumes (naalala ko tuloy si Richard Gere sa the First Knight…haaay), fantastic :-)

    pinings last blog post..Kinagisnan

  19. pao on 13.11.2008 at 08:46 (Reply)

    huwaw! knights! nako pag nakita ng asawa ko yan mae-excite yon. hahaha.

    happy LP!

    paos last blog post..On companionship

  20. G_mirage on 13.11.2008 at 15:30 (Reply)

    Ay bigla ko naalala yung mga ganito sa germany, dapat pala yun post ko lol. Ang galing di ba, para silang mga artista na talagang may magarbong damit…Happy late LP lol. =D

    G_mirages last blog post..Ruby Tuesday – Sleepyhead

  21. Twinkie on 13.11.2008 at 18:19 (Reply)

    Wee! Camel ride! Kahit “hold-up” pa ‘to sulit na rin.

    Uhmmm kung ako bata matatakot ako dun sa fairy…pero maganda siya mag-smile ah.

    Twinkies last blog post..Easel

  22. Shuttercow on 14.11.2008 at 06:37 (Reply)

    Wow! Cool na pasyal.

    Ito po ang lahok ko.

    Shuttercows last blog post..Litratong Pinoy #33: Kinagisnan

  23. nina on 15.11.2008 at 15:26 (Reply)

    meron din palang statue ng the thinker dyan :) ganda ng mga damit nila…

    ninas last blog post..LP – Kinagisnan

  24. Em Dy on 17.11.2008 at 05:47 (Reply)

    Nakakatuwa nga ang panahong yan. Ang sarap kodakan.

    Em Dys last blog post..Euphorbia

  25. caryn on 17.11.2008 at 20:49 (Reply)

    wow, this is such a cool event! love the costumes and all the little gimmicks that they came up with ;-)

    caryns last blog post..nanowrimo fever

  26. Meeya on 25.11.2008 at 12:28 (Reply)

    three years na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin naa-upload ang aming mga pictures sa renaissance festival na dinaluhan namin sa charlotte, haha! ang saya no? kakaiba!

Leave a comment

CommentLuv Enabled