Munchkin Mommy

Litratong Pinoy #32: Maalaala Mo Kaya?

“Maalaala mo kaya? Ang sumpa mo sa akin? Na ang pagibig mo ay sadyang di magmamaliw?”

25 pounds ago Unang araw ng Pebrero ng taong 2001 nang ako’y pormal na yayaing magpakasal ng aking kasintahan ng mahigit pitong taon.  Pormalidad na lamanag ang pagyayayang ito at ang pagbibigay ng singsing dahil bago pa man ang araw na iyon ay nakapagpasya na kaming magpakasal sa susunod na taon.


Nakakalungkot! Ang payat namin noon!  Hahaha!

Pitong taon na ang nakalilipas simula ng araw na iyon ngunit tandang-tanda ko pa rin ang mga kaganapan.  Hindi “book worthy” ang aming proposal story.  Hehehe.  Maghapon kaming bumisita sa iba’t ibang simbahan sa Makati noon at naghahanap ng pagdarausan ng aming kasal.  Noong kinagabihan, dinala ako ng aking pinakamamahal sa Cafe Maestro sa Reposo (bago na yata ang pangalan ngayon) para sa isang romantikong paghahapunan.  Tinulungan siya ng isa naming matalik na kaibigan na mai-reserve ang ikalawang palapag ng restaurant para lamang sa aming dalawa. Alam ko na siyempre na iyon na ang gabi.  Bwahahaha!  Habang hinihintay ang aming inorder na pagkain, itinanong na nga ang mahiwagang tanong sabay bigay ng singsing.  May I cry ako siyempre matapos sambitin ang matamis na oo. :D  Pagkatapos ay dumating ang waiter at iniabot sa akin ang mga bulaklak (ang sweet ng waiter ano?). Nagdessert kami pagkatapos sa lobby ng Shangri-la Makati at nang ako’y ihatid na sa aming tahanan, saka kami nagpicture taking! :D

Ika-5 ng Enero ng 2002 nang samahan ang aking engagement ring ng isang wedding ring…sagisag ng pagiibigang hindi magmamamaliw.

Oo, naaalala ko pa. At natitiyak kong naalala pa rin niya. :)

Larawan ng mga pinakamamahal na buhay sa iking puso’t isipan ang isa ko pang lahok para sa Litratong Pinoy.

Mabuhay! :)

29 comments

29 Comments so far

  1. fortuitous faery  November 5th, 2008 11:01 am

    ang ganda niyong magkasintahan!

    don’t be sad about physical changes…embrace those changes, dahil kalakip nito ang pag-iibigan niyo through the years….yeeeha! :)

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy29maalaala-mo-kaya-will.html

    fortuitous faerys last blog post..miss igorota rocked the vote

    Reply

  2. [...] Larawan naming magkasintahan naman ang isa ko pang lahok sa Litratong Pinoy.. Posted in: Litratong Pinoy | | Post tags: [...]

  3. julie  November 5th, 2008 11:34 am

    Awww, ang sweet naman :) Ok lang kahit hindi mala-fairy tale ang proposal, basta nagmamahalan at magkasama habang buhay, yun ang importante :)

    julies last blog post..Maalaala Mo Kaya?

    Reply

  4. Linnor  November 5th, 2008 12:37 pm

    parang may magic sa numerong 7 sa inyong dalawa. sana marami pa kayong bilangin na pitong taon sa inyong pagsasama :)

    Overflow
    Captured Moments

    Linnors last blog post..LP: Maalaala Mo Kaya?

    Reply

  5. ces  November 5th, 2008 3:22 pm

    ay ang tamis tamis ng lahok na itoh! nilalanggam ako wengski! ganda ng mgalarawan, malinaw na malinaw at kitang kita ang inyong pagmamahalan…

    cess last blog post..Litrato: MMK…lego

    Reply

  6. Pinky  November 5th, 2008 5:06 pm

    Di bale, Weng, kahit mas mapayat tayo noon, mas masaya naman tayo ngayon, di ba? Hehehe! ;)

    Aba, at may pagka-romantiko rin palang naitatago itong pinsan ko ha… thanks for sharing your proposal story!

    Pinkys last blog post..LP #32: Maalaala mo kaya?

    Reply

  7. lino  November 5th, 2008 5:09 pm

    ayos ah… black and white … happy huwebes… :)

    linos last blog post..maalaala mo kaya…(can you remember?)

    Reply

  8. ibyang  November 5th, 2008 7:58 pm

    pang-teleserye ang iyong labstory :)
    kinilig ako hahaha.

    ibyang
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

    Reply

  9. TANCHI  November 5th, 2008 8:34 pm

    ang ganda ng shot:)
    saludo ako sayo:)

    maligayang LP

    http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-2-maalala-mo-kaya.html

    Reply

    munchkinmommy Reply:

    Hi Tanchi! Naku, for this entry, hindi ko kuha ang mga pics. Obvious sa unang pic dahil ako ang nasa picture. Hahaha! Yung dalawang pics naman, kuha ng aming wedding photographer. :D

    Reply

  10. eDs  November 5th, 2008 11:21 pm

    Wow! nakakakilig naman ng iyong mga litrato kaibigan! Sadyang napakasayang araw nga yan sis!!! Naalala ko tuloy ang aking kasal! hiihih :)

    Magandang Huwebes!

    http://edsnanquil.com/?p=1157

    eDss last blog post..♥ LP#31 { Maalaala mo kaya? } ♥

    Reply

  11. purplesea  November 6th, 2008 12:07 am

    uuuyyyyyy… ang sweet naman. ako kaya kelan aayain? hahahaha!

    Happy LP!

    purpleseas last blog post..LP 32: Maalala Mo Kaya

    Reply

  12. komski  November 6th, 2008 12:22 am

    Gusto ko na magpakasal, hehehehe:) as if kaya, hinde naman:P

    komskis last blog post..Maala-ala ko kaya

    Reply

  13. toni  November 6th, 2008 1:01 am

    Ang sweet. And I love that last picture of the ring circling “I do.” Beauuuitful pic.

    tonis last blog post..Sa pula, sa barya

    Reply

  14. Sreisaat  November 6th, 2008 1:13 am

    Ang sweet!! Yan talaga ang bagay na hindi makakalimutan.

    Sreisaats last blog post..Litratong Pinoy #15: Maalaala Mo Kaya?

    Reply

  15. G_mirage  November 6th, 2008 3:01 am

    Kilig!!! :D Mabilis man lumipas ng panahon, ang alaala ng masasayang sandali mananatili lagi…

    Yeap, the last pic of the rings is perfect! Happy LP!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Maalala Mo Kaya

    Reply

  16. thess  November 6th, 2008 3:06 am

    hanukebah! tawa ako ng tawa sa intro mo, lukaluka ka! Lmao!* sexy la nga nuon pero mas gusto ko face mo ngayon, o laban ka?!

    paano ba yan, palibhasa nagtanan lang ako kaya walang ganyang memories ha ha ha!

    thesss last blog post..Maalaala mo kaya (LP 32)

    Reply

  17. peachkins  November 6th, 2008 3:20 am

    Aaawww…..sweet naman ng post na ito

    Nandito po ang akin.

    Magandang Huwebes!

    peachkinss last blog post..LP: KADILIMAN

    Reply

  18. sugarplumfairy_lyn  November 6th, 2008 6:13 am

    ..nakakainggit naman.. heheh nakakakilig…^_^

    ito akin

    happy lp

    sugarplumfairy_lyns last blog post..maalaala mo kaya?

    Reply

  19. gracita  November 6th, 2008 10:35 am

    OMG, ang payat mo nga non! medyo kamuka mo pa si daphne osena! :) o diba? :)

    Reply

  20. junnie  November 6th, 2008 1:38 pm

    unang una, ang galing ng kuwento, pangalawa, ang galing ng litrato…

    pero huling huli – ang galing ng inyong pagsasamahan, tuloy tuloy yan magpakailanman

    Reply

  21. JO  November 6th, 2008 7:12 pm

    Mabagal na ang metabolism natin habang tumatanda… kaya karamihan ay tumataba. Di ka nag-iisa.

    Eto ang aking lahok. Salamat.

    Reply

  22. Shuttercow  November 7th, 2008 12:40 am

    Nakakatuwa talaga ang mga kwentong ‘proposal’ at kasalan.

    Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

    Shuttercows last blog post..Litratong Pinoy #32: Maalaala mo kaya?

    Reply

  23. Girlie  November 7th, 2008 1:09 am

    kagandang kwento…mabuhey! ganda din ng mga litrato

    Girlies last blog post..Maalala Mo Kaya : 26th Litratong Pinoy

    Reply

  24. pining  November 7th, 2008 6:02 am

    how sweet :-)
    kami rin ng mister ko 7 years na.
    happy weekend sa’yo :-)

    pinings last blog post..Maalaala mo kaya

    Reply

  25. nina  November 8th, 2008 3:11 pm

    wow! I think every proposal is book worthy :) Happy LP!

    ninas last blog post..LP – Maalaala mo kaya?

    Reply

  26. Dyes  November 11th, 2008 4:33 am

    hang swit naman :) lagi mong ikwento kay abby at sa mga magiging apo mo ang inyong storya :)

    happy LP!

    Dyess last blog post..WS: Mud Slide

    Reply

  27. Twinkie  November 13th, 2008 6:08 pm

    Sigh. Wala kasi akong wedding proposal na maikwento, pero promise pang-maalaala mo kaya rin ang istorya namin ng aking mister.

    Ate Weng! Maganda at pogi kayo seven years ago pero I would say na mas maganda at mas pogi kayo ngayon. Walang biro ito.

    At ang daliri a…hugis candles. :)

    Twinkies last blog post..Easel

    Reply

  28. Meeya  November 25th, 2008 12:38 pm

    buti ka nga, minsan sa iyong buhay naging payat.. e kami? hahaha! oo nga, parehas tayo halos ng idea for the theme, pero based sa reaction ng mga nakakita, mukhang mas wholesome ang picture niyo kesa sa amin, hahaha!

    Reply

Leave a reply