Archive for November 5th, 2008

05 Nov 2008 Litratong Pinoy #32: Maalaala Mo Kaya?

“Maalaala mo kaya? Ang sumpa mo sa akin? Na ang pagibig mo ay sadyang di magmamaliw?”

25 pounds ago Unang araw ng Pebrero ng taong 2001 nang ako’y pormal na yayaing magpakasal ng aking kasintahan ng mahigit pitong taon.  Pormalidad na lamanag ang pagyayayang ito at ang pagbibigay ng singsing dahil bago pa man ang araw na iyon ay nakapagpasya na kaming magpakasal sa susunod na taon.


Nakakalungkot! Ang payat namin noon!  Hahaha!

Pitong taon na ang nakalilipas simula ng araw na iyon ngunit tandang-tanda ko pa rin ang mga kaganapan.  Hindi “book worthy” ang aming proposal story.  Hehehe.  Maghapon kaming bumisita sa iba’t ibang simbahan sa Makati noon at naghahanap ng pagdarausan ng aming kasal.  Noong kinagabihan, dinala ako ng aking pinakamamahal sa Cafe Maestro sa Reposo (bago na yata ang pangalan ngayon) para sa isang romantikong paghahapunan.  Tinulungan siya ng isa naming matalik na kaibigan na mai-reserve ang ikalawang palapag ng restaurant para lamang sa aming dalawa. Alam ko na siyempre na iyon na ang gabi.  Bwahahaha!  Habang hinihintay ang aming inorder na pagkain, itinanong na nga ang mahiwagang tanong sabay bigay ng singsing.  May I cry ako siyempre matapos sambitin ang matamis na oo. :D  Pagkatapos ay dumating ang waiter at iniabot sa akin ang mga bulaklak (ang sweet ng waiter ano?). Nagdessert kami pagkatapos sa lobby ng Shangri-la Makati at nang ako’y ihatid na sa aming tahanan, saka kami nagpicture taking! :D

Ika-5 ng Enero ng 2002 nang samahan ang aking engagement ring ng isang wedding ring…sagisag ng pagiibigang hindi magmamamaliw.

Oo, naaalala ko pa. At natitiyak kong naalala pa rin niya. :)

Larawan ng mga pinakamamahal na buhay sa iking puso’t isipan ang isa ko pang lahok para sa Litratong Pinoy.

Mabuhay! :)