Munchkin Mommy

Archive for October 29th, 2008

LP #31: Kadiliman sa Disney’s California Adventure

Kadiliman ang kailangan upang lubusang makagiliwan ang panonood ng Electric Parade sa Disney’s California Adventure.  Hindi siyempre maaappreciate ang naggagandahang makukulay na mga ilaw ng mga karosa kung tirik na tirik pa ang araw.

Nagsisimula na ang parada nang dumating kami sa isang kalyeng dadaanan nito sa loob ng theme park.  Agad na humanap ng lugar ang aking asawa at si Abby na may kalapitan sa daan.  Pinaupo ng aking asawa si Abby sa kaniyang mga balikat upang makita nitong maigi ang mga karosa. :)

Ako nama’y pumuwesto nang medyo malayo ng kaunti at naghanap ng matutungtungan. :D

Maraming taon  na ang nakalipas nang una akong makapanood ng Electric Parade.  High school pa lamang yata ako noon at wala pang California Adventure noon.  Sa Disneyland pa idinaraos ang parada.

Nakakatuwa na sa ikalawang pagkakataon ay kasama ko na ang aking asawa’t anak sa panood ng parada.

Magkatapat lamang ang California Adventure at Disneyland at mas maagang nagsasara ang California Adventure.  Ito ang kuha ko sa labas ng theme park, bago kami lumipat sa Disneyland para naman habulin ang Fireworks display.

Sa kadiliman lang maaappreciate ang pangitaing ito.

May mga palabas sa kadiliman rin kaming natunghayan sa Disneyland, ang isa ko pang lahok sa Litratong Pinoy.

Maligayang araw at mabuhay! :)

33 comments