Liwanag ng haring araw ang bumati sa amin noong magpunta kami sa Sea World noong ika-5 ng Hulyo. Damang-dama naman talaga ang init ng Tag-Init (Summer) dito sa Texas. Kaya naman sa makailang punta namin sa Sea World, sa unang pagkakataon ay napagpasyahan naming magbabad sa Lost Lagoon ng Sea World.
Gagamitin ko na ang pagkakataon ito upang mailathala ang mga larawang kinuha namin noong araw na iyon. Oktubre na at hindi ko pa nailalathala ang marami pang larawan noong Tag-Init!

Panangga sa liwanag ng araw ang pink shades ni Abby.

Hindi ba’t maliwanag pa sa sikat ng araw na magkamukha kaming mag-ina? :P

Talaga namang nagliwanag ang mukha ng mag-ama dala ng kanilang mga ngiti. :)

Sa aming pagtatampisaw sa tubig, disposable waterproof camera ang aming ginamit. Ito ay natutunan namin sa aming mga kaibigang si Meeya at ang kaniyang asawa nang magkasama kami noong isang taon sa Schlitterbahn.
Narito ang mga kuha mula sa disposable camera. Pasensya na sa hindi kagandahang quality ng mga larawan. Pero ipinapangako kong maganda naman ang quality ng mga ngiti! :D

Ang sarap magbabad sa tubig!

Talaga namang nag-enjoy si Abby sa pagangkas sa mga naglalakihang mga salbabida (tube) at sa paglangoy mag-isa (salamat sa life vest!).

Kung minsa’y kumakandong siya sa akin at dalawa kaming nakaupo sa malaking tube.

Walang zoom ang disposable camera. Literal na close-up itong kuhang ito dahil talagang kinailangan kong ilapit ang camera kay Abby. :D

Tuwang-tuwang kaming dumaan sa ilalim ng mga sprinklers.

Maliwanag din ang ngiti ng mama na itinuturo ng arrow! Nakisali sa picture! Hahaha!

Mabuti at nakahiligan ni Abby ang paglangoy.

Malapit na rin namin siyang ienroll sa swim class.

Ilang beses kaming umikot sa languyang ito sakay ng tube o paminsan minsa’y naglalakad sa tubig.
Nang magsawa sa lazy river, lumipat naman kami sa laruan ng mga bata. At ito ang mga kuha doon…






Kulang ang 27 exposures sa akin. Dahil bawa’t galaw ni Abby ay gusto kong kunan ng litrato. Hindi ko tuloy nakuhanan ang wave pool. :D Next year na lang ulit. Sarado na ngayon ang Lost Lagoon ng Sea World dahil Fall na. :)
Sana ay naibigan ninyo ang mga larawan.
Mga bagay na nangangailangan at nagbibigay ng liwanag ang isa ko pang lahok sa LP.
Mabuhay!







Hi Weng!
Tagged you on my other blog :)
Jens last blog post..Viral Linking.
anak nyo pala akala ko kapatid nyo, kamukha kasi..pwera usog :))
maliwanag talaga ang pamilya pang hindi pundido ang “ilaw ng tahanan”
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Jays last blog post..LP#30: Liwanag (Light)
hay…ang liwanag ng Summer,mga ilang buwan pa ang dapat hintayin bago masilayan muli.
FickleMindeds last blog post..LP#5:Liwanag(Light)
kita ang liwanag sa mga ngiti sa mga pictures niyo :) miss ko na mag-waterpark ulit, di na pwede at sobrang lamig na dito, hehehe.
maaga rin akong nag-LP ngayon (kasi busy na naman ako bukas at baka makalimutan ko, hehe).
*muah*
Meeyas last blog post..LP30: Liwanag (Light)
ang saya! pero mukhang elusive na ngayon si haring araw dahil taglamig na…hehe. :)
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy27liwanag-light.html
fortuitous faerys last blog post..the dark knight
Liwanag talaga ang pinakikita ng mga larawang ito, napaka gandang samahan ng pamilya. Ang saya!
vanidosas last blog post..A different kind of Light
[...] Liwanag naman ng Tag-Init (Summer) ang isa ko pang lahok para sa Litratong Pinoy. [...]
lovely photos, sis weng. all smiles kayong lahat…
nells last blog post..Litratong Pinoy #30: Liwanag
GRABE!! super talaga ang ngiti ninyo na talagang nakakasilaw, eto nga at kahit ako ay hindi mapalis ang ngiti dahil nahawa sa inyo!!
wow legs! nasilaw ako! mwahahaha! ang saya saya!
spiCess last blog post..Litrato: Light
Ang haba na pala ng buhok mo, cousin! New look ha? ;)
Nasilaw ako sa mga kumukutitap na ngiti at maliwanag at maaliwalas ninyong mga mukha – ang saya!
Pinkys last blog post..LP #30: Liwanag
Ate Weng, bagay sa’yo ang mahabang buhok! Ganda! Ganda rin mga kuha ninyo. Ang saya-saya!
May bigay pala ako sa’yo rito: http://twinkiegolosino.blogspot.com/2008/10/i-love-this-blog.html
Ingat palagi!
Twinkies last blog post..I Love This Blog
yan din una kong naisip ilahok pero nagbago isip ko :)
kakaiba ang liwanag na nadadala ng ating pamilya sa buhay natin no?
carol bustos-santiagos last blog post..LP Liwanag
Ate, type ko ang shades mo. Hehehe! Bagay sa iyo!
At naisip ko lang (matagal ko na tong napansin actually) na yung smile ni Abby is the same as her daddy’s. Cute!
I Digresss last blog post..Liwanag (Light)
na miss ko tuloy ang sea world… :) happy huwebes… :)
linos last blog post..liwanag…
ahhh nakakamiss ang summer. napakaganda at saya g inyong pamilya.
gandang hwebes kalitratista!
purpleseas last blog post..LP 30: LIWANAG
natawa ako dun sa nakikisali sa picture…
Girlies last blog post..Liwanag : 24th Litratong Pinoy
Weng, mukhang super enjoy kayo ha. Good idea yung disposable cameras na yan ha… pero sandali, you scanned all those pictures?!
Clicking Aways last blog post..LP030 – Liwanag
sino ba yung mama sa likod…panginti ngiti pa :) hahaha
ang liwa liwanag at halatang halatang gusto makipag kodakan :) heheh
Andami kodakan, ay kulang pa? Ang liwanag ng ilaw ng tahanan kaya naman si tatay at anak, kumukutikutitap! :D
G_mirages last blog post..Ruby Tuesday – Background
ang saya naman ninyong tignan…maliwanag pa nga sa sikat ng araw na mahal na mahal nyo si Abby :)
Cookies last blog post..Hyper Models