LP #30: Liwanag
Liwanag ng haring araw ang bumati sa amin noong magpunta kami sa Sea World noong ika-5 ng Hulyo. Damang-dama naman talaga ang init ng Tag-Init (Summer) dito sa Texas. Kaya naman sa makailang punta namin sa Sea World, sa unang pagkakataon ay napagpasyahan naming magbabad sa Lost Lagoon ng Sea World.
Gagamitin ko na ang pagkakataon ito upang mailathala ang mga larawang kinuha namin noong araw na iyon. Oktubre na at hindi ko pa nailalathala ang marami pang larawan noong Tag-Init!

Panangga sa liwanag ng araw ang pink shades ni Abby.

Hindi ba’t maliwanag pa sa sikat ng araw na magkamukha kaming mag-ina? :P

Talaga namang nagliwanag ang mukha ng mag-ama dala ng kanilang mga ngiti. :)

Sa aming pagtatampisaw sa tubig, disposable waterproof camera ang aming ginamit. Ito ay natutunan namin sa aming mga kaibigang si Meeya at ang kaniyang asawa nang magkasama kami noong isang taon sa Schlitterbahn.
Narito ang mga kuha mula sa disposable camera. Pasensya na sa hindi kagandahang quality ng mga larawan. Pero ipinapangako kong maganda naman ang quality ng mga ngiti! :D

Ang sarap magbabad sa tubig!

Talaga namang nag-enjoy si Abby sa pagangkas sa mga naglalakihang mga salbabida (tube) at sa paglangoy mag-isa (salamat sa life vest!).

Kung minsa’y kumakandong siya sa akin at dalawa kaming nakaupo sa malaking tube.

Walang zoom ang disposable camera. Literal na close-up itong kuhang ito dahil talagang kinailangan kong ilapit ang camera kay Abby. :D

Tuwang-tuwang kaming dumaan sa ilalim ng mga sprinklers.

Maliwanag din ang ngiti ng mama na itinuturo ng arrow! Nakisali sa picture! Hahaha!

Mabuti at nakahiligan ni Abby ang paglangoy.

Malapit na rin namin siyang ienroll sa swim class.

Ilang beses kaming umikot sa languyang ito sakay ng tube o paminsan minsa’y naglalakad sa tubig.
Nang magsawa sa lazy river, lumipat naman kami sa laruan ng mga bata. At ito ang mga kuha doon…






Kulang ang 27 exposures sa akin. Dahil bawa’t galaw ni Abby ay gusto kong kunan ng litrato. Hindi ko tuloy nakuhanan ang wave pool. :D Next year na lang ulit. Sarado na ngayon ang Lost Lagoon ng Sea World dahil Fall na. :)
Sana ay naibigan ninyo ang mga larawan.
Mga bagay na nangangailangan at nagbibigay ng liwanag ang isa ko pang lahok sa LP.
Mabuhay!
21 comments





