Sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata, hindi na bago ang pagkakaroon ng temang “Farm Party”. Ngunit noong nakaraang Linggo, isang bago (bago para sa aming mag-anak!) Farm Party ang dinaluhan namin dahil unang-una sa lahat, ito’y literal na farm party na ginawa talaga sa farm.
Simple lang ang pagdiriwang ngunit masaya! Isa sa mga talaga namang bagong palaro ay ang paghahanap ng mga premyo sa ilalim ng mga damo (hay). Ayaw ni Abby noong una ang lumuhok at maghukay ng premyo sa damuhan. Hahaha! Hanggang sa tinulungan namin siya ng kaniyang ama at ipinakita kung ano ang dapat gawin.

Mayroon ding maliit na bouncer kung saan nagtatalon ang mga bata. At siyempre, hindi kumpleto ang farm kung walang mga manok. Ika nga ni Abby sa mga manok, “bok bok, bo-bo-bok!”

Mayroon ding stamp at tattoo section…

Opisyal nang tungkulin ng aking asawa ang paglalagay ng tattoo kay Abby.

Nagenjoy din ang mga bata ssa paglalagay ng mga tatak/stamps sa mga blangkong papel.

At ang pinakanagpasaya sa mga bata. ang pony rides!

May tatlong ponies sa farm na siyang salit-salit na sinakyan ng mga bata.

Makatlong ulit yatang sumakay ng pony si Abby. Una niyang sinakyan ang kulay itim.

Mabuti at may mga nakatatandang humihila sa mga ponies.

Sumunod namang sinakyan ni Abby ang puting pony.

May kapilyahan ang pony na ito. At lagi ring gutom!

Ikinatakot ko na baka matapos ang party ay magpabili ng pony ang anak ko! Hindi bale, maraming “My Little Pony” sa tindahan.

Matapos ang pagsakay-sakay sa kabayo, nauhaw ang alaga ko…hindi na bago ‘yun. Hahaha!

Mahigit isang taon na kami sa Texas at patuloy pa rin ang pagdating ng mga bago at masasayang karanasan. :) At natitiyak kong marami pang darating!
Isa pang bago DITO.
Mabuhay! ![]()

Shrimp Salad
Banana Pudding


[...] Tayo na sa bukid!…isa pang lahok sa LP. Posted in Litratong Pinoy, Me Stuff by munchkinmommy RSS 2.0 [...]
Ayos tong farm party na to ah…makatotohanan hahaha. Cute ni abby lalo na sa last pic…napagod yata sa pagsakay ng kabayo
Magandang Huwebes
wow ang saya naman nyan. at ang saya ninyong mag-anak
buti pa baby nak ride ng pony ako takot akong mag try
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Jays last blog post..LP#29: Bago nga Kaya (is it new?)
What a lovely and colorful chronicle of something new!
Happy LP!
Ate Weng, as soon as Mia saw Abby she said: Mommy! It’s Abby again! (Syempre lagi namin pinapanuod nuon ballet video niya.) Can Abby be my sister instead of Maggie? (Maggie ang plano namin ipangalan sa susunod na anak namin kung babae…) Sinabi ko na lang na Abby will be another baby’s sister and if she’ll get Abby that baby will lose an Ate. Si Mia napanguso na lang.
Btw, Mia loves ladybirds and spots and pink too! Cute outfit! Very pretty Abby!
Twinkies last blog post..Part 2 of 4: Our 4th Year Anniversary Celebration
ang cute ni Abby

last year we attended a birthday party in an animal farm too, and it was a big hit for the kids, so I’m sure your daughter loved it!
maligayang araw sa’yo
pinings last blog post..does my bum look big in this?
Ibang klase nga itong party na ito - sobrang makatotohanan! Mukha ngang masayang-masaya ang ating “Pony Princess” na si Abby.
Pinkys last blog post..LP #29: Bago nga ba?
Naalala ko tuloy yung araw na naglaro kami sa haystack. Ang saya talaga!
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
ShutterHappyJenns last blog post..Bago Nga Ba? (Is it Really New?)
cool party… happy huwebes!!!
linos last blog post..bago nga kaya?
never heard of Farm Party before pero mukhang masaya naman.
FickleMindeds last blog post..Thursday13: Stupid Laws Around The World
ang saya saya naman!!! very unique!
ang saya saya! cute cute nman ni abby:) nakakita na rin kmi ng ganito noong nag-berry picking kmi,mukha ngang masaya at kakaiba:)
nakakatuwa naman ang naging bagong experience nyong mag-anak. sa pinas kaya puedeng gawin ang farm party? magandang ideya kasi.
http://moonlight-mom.blogspot.com/
http://linnormarikit.wordpress.com/
Moonlight Moms last blog post..Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?
ang saya naman dyan. mukhang nag-enjoy talaga ang anak mo..pati na si daddy
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Bago Nga Ba?
bagay na cowgirl ang anak mo, ha!
fortuitous faerys last blog post..choose your maverick
What an adorable little girl she is!!!!! For sure enjoy sya…
JoyDs last blog post..Litratong Pinoy(Bago nga kaya?)
Cool, Weng. What an experience for all of you… astig naman ng birthday na yan specially because of the Pony rides. It reminded me of Baguio!
Bago din ata ang design ng iyong site. I like it.
Clicking Aways last blog post..LP 029 - Bago nga Ba?
I’m sure the kids enjoyed this farm party. Una, bihira na ang ganitong kalawak na espasyo para makapaglaro ng husto ang mga bata. Open field, ang saya.
Lynns last blog post..Kombi
Ayus nga yan, enjoy panigurado:D
komskis last blog post..Bago nga kaya?
wow! ang galing ng ideya. something na kakaiba
korkys last blog post..LP #29 Bago Nga!
farm party! uso talaga diyan ang themed parties no? dito not so much sa mga “common people” like me. haha. which reminds me, bday na ni mia next month. pool party kaya — sa garahe namin!
iriss last blog post..Bago [lp]
Ang saya naman ng party na ito!
Nandito po ang sa akin..
Happy LP!
peachkinss last blog post..Pepper Lunch
nice ide ha! and cute ng girlie mo
pasyal k din po sa post ko d2
inyangs last blog post..LITRATONG PINOY: Bago nga kaya?
ang ganda ng damit ni abby
pero mas maganda ang bagong bahay mo! love the new look 
Gracies last blog post..the apple of my eye
napakagandang karanasan iyan para kay abby. kahit akong magulang ay matutuwa din…madalang ata ang ganyang mga pagkakataon.
Reflexess last blog post..Flesh and Bones
uy wala pa pala akong comment dito? why oh why?? hehehe!
nandiri daw ba sa hay si abby, haha! masisira daw kasi ang kanyang cute outfit. uy baka naman ang next outfit niya ay rider’s habit na! wow
nakakatuwa naman ang inyong mga bagong experiences! may you have many many more to come