Sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata, hindi na bago ang pagkakaroon ng temang “Farm Party”. Ngunit noong nakaraang Linggo, isang bago (bago para sa aming mag-anak!) Farm Party ang dinaluhan namin dahil unang-una sa lahat, ito’y literal na farm party na ginawa talaga sa farm.
Simple lang ang pagdiriwang ngunit masaya! Isa sa mga talaga namang bagong palaro ay ang paghahanap ng mga premyo sa ilalim ng mga damo (hay). Ayaw ni Abby noong una ang lumuhok at maghukay ng premyo sa damuhan. Hahaha! Hanggang sa tinulungan namin siya ng kaniyang ama at ipinakita kung ano ang dapat gawin. :D

Mayroon ding maliit na bouncer kung saan nagtatalon ang mga bata. At siyempre, hindi kumpleto ang farm kung walang mga manok. Ika nga ni Abby sa mga manok, “bok bok, bo-bo-bok!”

Mayroon ding stamp at tattoo section…

Opisyal nang tungkulin ng aking asawa ang paglalagay ng tattoo kay Abby. :D

Nagenjoy din ang mga bata ssa paglalagay ng mga tatak/stamps sa mga blangkong papel.

At ang pinakanagpasaya sa mga bata. ang pony rides!

May tatlong ponies sa farm na siyang salit-salit na sinakyan ng mga bata.

Makatlong ulit yatang sumakay ng pony si Abby. Una niyang sinakyan ang kulay itim.

Mabuti at may mga nakatatandang humihila sa mga ponies. :D

Sumunod namang sinakyan ni Abby ang puting pony.

May kapilyahan ang pony na ito. At lagi ring gutom! :D

Ikinatakot ko na baka matapos ang party ay magpabili ng pony ang anak ko! Hindi bale, maraming “My Little Pony” sa tindahan. :P

Matapos ang pagsakay-sakay sa kabayo, nauhaw ang alaga ko…hindi na bago ‘yun. Hahaha!

Mahigit isang taon na kami sa Texas at patuloy pa rin ang pagdating ng mga bago at masasayang karanasan. :) At natitiyak kong marami pang darating! :)
Isa pang bago DITO.
Mabuhay! :)






