Munchkin Mommy

LP #25: Ginintuan (Golden)

Ginintuang puso daw ang akin ng mga taong nagtataglay ng mga magagandang katangian…lalo na ang pagiging mapagbigay at matulungin sa kapuwa.  Kaya naman ang mga puso ng ganitong mga tao ay napakasarap yakapin…


Embraced Hearts

At karapat-dapat ding bigyan ng mga malaanghel na pakpak…


Winged Hearts

Ang Heart Collection ay isa sa mga paborito kong collections na inexport ng aming kumpanya.  Taong 2001 nang ilabas namin ang mga ito.  Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng designer kasi baka sumikat pa.  Hahaha!  Hindi ako eh.   PInakapaborito ko ay ang “Embraced Hearts’.  Anim na klase ng mga puso ang kabilang sa collection na ito.  Hindi kasi ginto ang kulay nang iba kaya hindi ko na isinali dito ang mga larawan.

oOo


Tropeo ni Abby para sa pagtatapos ng unang taon niya sa kaniyang Dance Class

Ang pagkakamit ng medalya o tropeo ay isang magandang motivation upang ang isang tao ay magsikap na mag-aral mabuti o maging mahusay sa sports na kinahihiligan.  Aaminin ko, noong ako’y nag-aaral pa, hindi sapat para sa akin ang makakuha lamang ng pasadong marka.  Flying colors dapat!  Dinadasal kong magkaroon din si Abby ng dedikasyon sa pag-aaral, tulad ng sa akin at tulad ko, magkaroon din ng mga kaibigang mabigat ang pagpapahalaga sa pag-aaral. :D

oOo

May isa pa akong lahok para sa Litratong Pinoy DITO.

26 comments

26 Comments so far

  1. [...] Mga ginintuang puso ang isa ko pang lahok para sa Litratong Pinoy. [...]

  2. Pinky  September 17th, 2008 6:16 pm

    Di ba may ballerina collection din kayo before that you gave away during your wedding? Meron pa ata sa bahay nila Monty if I’m not mistaken…at gold din yon! :) I heart your “Heart Collection” too!

    Pinkys last blog post..LP #25: Ginintuan

    Reply

  3. kathycot  September 17th, 2008 7:35 pm

    at ang daming collectiong weng! gaganda! :)

    kathycots last blog post..LP: Golden {ginintuan}

    Reply

  4. ces  September 17th, 2008 7:49 pm

    tunay na ginintuang puso nga!:) galing! teka out of topic..iyan bang mga libro sa gilid e ok? i saw them sa tjmaxx noong isang araw bibilin ko sana:)

    Reply

  5. ettey  September 17th, 2008 7:57 pm

    ang ganda ng mga golden winged hearts! ^_~.

    etteys last blog post..LP: PENPEN

    Reply

  6. cez  September 17th, 2008 9:15 pm

    gustong-gusto ko talaga ang mga koleksyon na likha ninyo. ang gaganda! wish ko lang na available dito yan :D

    cezs last blog post..LP: Ginintuan

    Reply

  7. lidie  September 17th, 2008 9:31 pm

    ang cute ng hearts!

    magandang huwebes sa’yo!
    http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-ginintuan.html

    lidies last blog post..LP #24 :: Ginintuan

    Reply

  8. lino  September 17th, 2008 10:38 pm

    those hearts are nice…. happy huwebes… :)

    linos last blog post..ginintuan…(golden)

    Reply

  9. Dyes  September 17th, 2008 11:23 pm

    ang gaganda nga ng mga ginintuang puso mo :) at syempre, wala ng tatalo sa champ ballerina :)

    Reply

  10. leah  September 17th, 2008 11:49 pm

    ang ganda naman ng mga pusong iyan! happy lp sa iyo.

    leahs last blog post..LP: Ginintuan

    Reply

  11. JoyD  September 18th, 2008 12:22 am

    Ang cute ng mga golden hearts!!!!!!

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy ( Ginintuan /Gold)

    Reply

  12. julie  September 18th, 2008 1:11 am

    Ang ganda ng mga golden hearts pero siyempre, yung para ke Abby ang da best! :)

    Reply

  13. Clicking Away  September 18th, 2008 1:18 am

    Weng, nakaktuwa nga ang disenyo ng mga pusong iyan. Gusto ko rin yung Embraced Hearts. Pero, mas maganda pa rin ang mga disenyo mo… naks!

    Ang galing naman at may tropeo na si Abby… ako kailangan ko atang bumili para sa aking sarili para lamang magkaroon niyan.

    Clicking Aways last blog post..LP025 – Ginintuan

    Reply

  14. ShutterHappyJenn  September 18th, 2008 1:31 am

    wow.. ang gaganda ng mga puso! parang gusto ko yung embraced hearts.. ang sweet! happy lp!

    ShutterHappyJenns last blog post..Ginintuan (Golden)

    Reply

  15. iris  September 18th, 2008 2:12 am

    yup it is nice, weng :) nagd-dance class si Abby? hehe galing!

    iriss last blog post..Ginto [lp]

    Reply

  16. haze  September 18th, 2008 2:18 am

    ang ganda naman ng collection!

    congrats kay abby sa kanyang tropeo!

    =)

    hazes last blog post..LP# 25: Ginintuan

    Reply

  17. Thess  September 18th, 2008 4:26 am

    Ang gaganda naman ng iyong mga pusong koleksyones, mamah Rowena :D type ko sa lahat yung embraced hearts …at uy, late man, congrats kay Abby sa kanyang tropeo!

    regards from Hollandia…back to business na he he

    Thesss last blog post..LP #25: Ginintuan

    Reply

  18. komski kuno  September 18th, 2008 6:57 am

    huwaw:D Gusto ko rin niyan:)

    Reply

  19. fortuitous faery  September 18th, 2008 8:17 am

    galing ng disenyo ng mga puso! kakaaliw tignan! parang magandang gawing tropeo for “gintong puso” awards! haha

    fortuitous faerys last blog post..new york in a bag!

    Reply

  20. Girlie  September 18th, 2008 10:15 am

    uy ang ganda naman nyan

    Girlies last blog post..Online Trading

    Reply

  21. Meeya  September 18th, 2008 4:41 pm

    uy akala ko ikaw ang designer, handa na ang aking wow speech :D pero nice nice ng hearts! hayaan mo, kapag nagkaroon ako ng sariling bahay pupunuin ko ng products niyo. :)

    dapat inilagay mo rin yung ballerina statue, katabi ng trophy ni abby hehehe. kambal! :)

    Reply

  22. Reflexes  September 18th, 2008 10:22 pm

    ganda ng gloden heart collections.

    Reflexess last blog post..Costume Making

    Reply

  23. Twinkie  September 19th, 2008 5:00 am

    Ate Weng, pwede ba malaman ang supplier/s ninyo rito? Napakagaganda ng mga nakikitang kong desenyo ninyo. Mahilig si Mia sa mga palamuti na tulad niyan. Manghang-mangha talaga siya at alam niya naman na hindi sila para paglaruan.

    Sa mga videos at litrato ni Abbie na nag-baballet, gasgas na gasgas ang notebook ko. Ang galing-galing niya talaga. Sana nga at matupad ang kahilingan niyo na makatagpo si Abby ng mga kaibigan na may pagpapahalaga rin sa pag-aaral dahil alam kong wala na magiging problema kung siya lang ang pag-uusapan.

    Maligayang pagtatapos ng linggo sa inyo!

    Nakikitodo-tagalog ako kahit ‘di ako miyembro ng LP kasi baka ma-OP ang aking komento. Hehehe!

    Reply

  24. bluep  September 19th, 2008 7:05 am

    ang gaganda mommy M ng ineexport mo. Bilib na talaga ako sa kumpanya nyo. Pwede kaya magpa cast ako ng mukha ko tapos gawin din ganyan, bebenta kaya? haha

    Happy weekend

    Reply

  25. Junnie  September 19th, 2008 1:10 pm

    ang ginto ay naging regalo rin ng 3 hari kay Hesus nung siya’y pinanganak…kaya magandang regalo sa mga magulang ang gintong tropeo at medalya….marami pang ganyang tropeo ang maiuuwi ni Abby, am sure.

    Reply

  26. Jay  September 20th, 2008 3:05 am

    ang ganda naman nung embraced hartz….sana may mag embrace din ng aking heart :)

    gandang LP sa lahat
    eto AKIN

    Jays last blog post..LP#25: Ginintuan (Golden)

    Reply

Leave a reply