Ginintuang puso daw ang akin ng mga taong nagtataglay ng mga magagandang katangian…lalo na ang pagiging mapagbigay at matulungin sa kapuwa. Kaya naman ang mga puso ng ganitong mga tao ay napakasarap yakapin…

Embraced Hearts
At karapat-dapat ding bigyan ng mga malaanghel na pakpak…

Winged Hearts
Ang Heart Collection ay isa sa mga paborito kong collections na inexport ng aming kumpanya. Taong 2001 nang ilabas namin ang mga ito. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng designer kasi baka sumikat pa. Hahaha! Hindi ako eh. PInakapaborito ko ay ang “Embraced Hearts’. Anim na klase ng mga puso ang kabilang sa collection na ito. Hindi kasi ginto ang kulay nang iba kaya hindi ko na isinali dito ang mga larawan.
oOo

Tropeo ni Abby para sa pagtatapos ng unang taon niya sa kaniyang Dance Class
Ang pagkakamit ng medalya o tropeo ay isang magandang motivation upang ang isang tao ay magsikap na mag-aral mabuti o maging mahusay sa sports na kinahihiligan. Aaminin ko, noong ako’y nag-aaral pa, hindi sapat para sa akin ang makakuha lamang ng pasadong marka. Flying colors dapat! Dinadasal kong magkaroon din si Abby ng dedikasyon sa pag-aaral, tulad ng sa akin at tulad ko, magkaroon din ng mga kaibigang mabigat ang pagpapahalaga sa pag-aaral. :D
oOo
May isa pa akong lahok para sa Litratong Pinoy DITO.






