Nabasa ko sa isang aklat na isang paraan para makaakit ng suwerte ay ang pagdadala o pagbitbit sa katauhan ng isang tao, ng mga bagay na nagpapahiwatig ng suwerte o kayaman. Hindi kinakailangang mamahaling bagay. Mga simbolo o kulay lamang na nagpapakahulugan ng suwerte o kayaman ay sapat na…tulad ng mga pananamit o kagamitang kulay ginto at pilak. Kaya naman nang makakita ako ng bag na kulay pilak noon pang Pebrero, e binili ko na! Tutal, nagdadala rin naman talaga ako ng bag at uso naman ang mga metallic na kulay para sa taong ito. Hee hee.

Nag-iisa na lang ang bag na ito sa tindahan at mahigit 50% ang discount. Tamang-tama para sa akin kasi malaki. Kasya ang mga abubot ko, abubot ni Abby at ang aking camera bag.
At mabuti nga ang malaking bag, para malaking suwerte rin ang papasok.
Pilak para sa mga prinsesa naman ang isa ko pang lahok. Bisitahin ang iba pang mga litratista ng LP dito.
Maligayang Huwebes sa inyo!







note to self: hindi nako magpapalit ng bag para parating swetehin ^_^
Girlies last blog post..Pilak (Silver) : 18th Litratong Pinoy
[...] May isa pa akong lahokt para sa LP DITO. [...]
Tama ka!!! Good Feng shui.. Naway lalo lkang swertehin!!!
JoyDs last blog post..Litratong Pinoy (Pilak/Silver)
korek! masasalo ng malaking bag ang maraming blessings! hehehe
Dyess last blog post..LP : Pilak
Ay, ganun ba? Hmmm, parang wala ata akong parang sumisimbolo sa kayamanan ah. Makahanap nga minsan:)
komski kunos last blog post..Katumbas ay pilak.
Malaki nga ang bag ko pero hindi kulay ginto o pilak
nauso nga yang ganyang kulay pero mas type ko yung pilak kesa sa ginto.
Penge naman ng suwerte ha? Mukhang marami kang mahahakot sa laki ng pilak bag mo – hahaha!
Eto naman ang sa akin:
http://chinois972.wordpress.com/2008/09/11/lp-24-pilak/
Pinkys last blog post..SSS #119: The Wait is Over
ako din simula ng magka-anak…mas nahilig na ako sa malalaking bag. yung kasya ang halos buong bahay ko (joke). magandang araw ng LP!
ang ganda naman ng bag mo… naku, talagang kailangan ko ng bumili ng bagong bag! Happy LP!
Naku! Puro brown pa naman ang bag ko haha!
Eto naman ang akin
http://etc-atbp.com/2008/09/litratong-pinoy-pilak/
gusto ko yatang bumili ng silver na bag, ah!!
Mayets last blog post..Pilak/Silver
oi…aminin ang tatak:) hehehe! maski nka-50 off..mahal pa rin hehehe! alam mo pilak na bag ata ang wala ako! teka nga…hahaha! gandacious! even the size!
what’s with women and bags? hehehe….
linos last blog post..pilak…(silver)
hehe ang laki nung bag. kasya ba ako dyan ate weng hehe.
ate weng matagal ko na natangap. naipost ko na nga sya dito
http://bluepanjeet.net/1361/what-is-the-answer/
inilink ko pa sya dito sa dotcom mo pero di ko maintindihan kung bakit di nakarating sa dashboard mo.
akala ko nga nasa vacation ka pa kasama sina Keith
anyhow salamat talaga kapatid sa letter mo hehe. nakatagao sya for special purposes in the future. Tatched naman talaga ako sis. Andun sa post ko, pinagyabang ko talaga haha
Happy Thursday
bluepanjeets last blog post..Brace yourself, here’s another one: Super typhoon Marce will hit Batanes
Hi BlueP! Natawa ako sa’yo kasi tama ka…kinain nga ni Akis ang comment mo! Hahaha! Salamat naman at natanggap mo. Akala ko e kailangan ko pang huntingin ang post office ng Quezon! Sige, pupuntahan ko ang entry mo. Ora mismo!
ayun kinain na naman ni akis ang comment ko hehe
aw, mukang bibili ako ng silver bag nito! hehehe
bdw, here’s mine:
http://www.buhaymisis.com/2008/09/lp-pilak-silver.html
http://whenmomspeaks.com/2008/09/lp-pilak-silver/
http://www.walkonred.com/2008/09/lp-pilak-silver.html
kathycots last blog post..LP: Pilak {silver}
naku! maski nga ako na single..malaki na rin ang bag, dami kasing dala-dala. lalo pa’t may camera hehehe! eto ang sa akin..http://www.pinaylighterside.com/2008/09/litratong-pinoy17-silver-pilak.html
maritess last blog post..Litratong Pinoy#17 Silver (Pilak)
hi! I subscribed to your blog.. sana subscribe ka rin sken..
http://www.sweetprettynaughty.blogspot.com
http://www.memoryfilled.blogspot.com
architects last blog post..Blog Contest for Pinay #3
hmmm…ang aklat ba na iyon ay patungkol sa feng shui? hehe. meron akong malaking bag na kulay ginto na siyang pinambyahe ko papuntang pinas…sa dami ng laman ay bumigay na ang tahi sa loob nito pag-uwi ko…hehe.
gara ng bag mong pilak!
fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#21:pilak
naku… ano kayang simbolo ang pwede kong dalhin-dalhin?
magandang araw sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-pilak-silver.html
lidies last blog post..LP #24 :: Pilak (Silver)
nice bag.
ganda ng reflection ng liwanag sa silver na surface na yan.
celiaKs last blog post..Litratong Pinoy #24: Pilak (Silver)
weng, i saw in the news texas will be hit with the storm tonight. i hope you and your family be safe!
take care and and my prayers are with you!
odettes last blog post..create your calendar
Hi Odette! Believe it or not, while Houston and Galveston are about 3 or so hours away from us, there was not a drop of rain where we are! Thank God! Ang dami tuloy naming baterya, tubig at delata. Hahaha!
Once a girl scout, always a girl scout.
maganda ang bag, ha! wala pa akong silver…hmmm…swerte ba kamo?
gusto ko rin ang pagkakakuha mo sa bag? anong background ginamit mo? parang sa studio pa ang kuha ng bag ah!
Gracies last blog post..recalling Monte Carlo memoires
Hi Gracie! Hahaha, coming from you, natutuwa ako at nagandahan ka sa bag kong pilak. Hee hee. Lahat ng bags ko ngayon kinoconsider kong suwerte regardless of color.
Ang bag ay ipinatong ko lang sa itim naming arm chair! Hee hee. I’m glad you liked how the photo came out.
ay ang galing kakaiba ang iyong entry! ako din di ko kayang mabuhay sa maliit na bag! maligayang lp weng mwah!
something purples last blog post..aching for 25$ paypal money???