Munchkin Mommy

LP #22: Ayaw Ko

Kung mayroon mang gawaing bagay ang pinaka ayaw at talaga namang pinakaiiwasan ko, iyo’y walang iba kung hindi ang…drumroll please…PAMAMALANTSA!!!

Magluluto, maglalaba (gamit ang washing machine siyempre!) at maghuhugas ako ng plato araw-araw, maghapo’t magdamag kung kinakailangan, pero kung maaari lang talaga, ayaw kong mamalantsa!  Ngunit di maiiwasan.  Ayaw ko namang bansagang “habulin ng plantsa” ang aking mister!

Mabuti na rin lang at dito siya sa aming tahanan nagtatrabaho (home-office).  Namamalantsa lamang ako kung kailangan niyang magbiyahe at ang dapat na bauning kasuotan ay mga pang-itaas na mahahaba ang manggas.  Pero kung t-shirt lang, lusot pa rin ako!  :)

May mga ayaw pa ako DITO.

Magandang Huwebes sa inyo! ;)

20 comments

20 Comments so far

  1. Leah  August 28th, 2008 12:34 am

    Naku, isa yan sa ayaw ko ring gawin. Pero wala akong choice kasi yan ang assignment ko sa bahay namin. :(

    Leahs last blog post..LP: Ayaw ko!

    Reply

  2. [...] Mommy LP #22: Ayaw KoAbby’s Pump It Up PartyHer Wish Was Our CommandLP #21: MithiOne Day is Not [...]

  3. Mayet  August 28th, 2008 1:42 am

    isa rin yan sa mga ayaw kong gawin–kaya minsan natatambakan ako esp yung mga damit ng baby ko!

    Mayets last blog post..Ayaw ko! /Reject

    Reply

  4. Jay  August 28th, 2008 2:25 am

    ako din po, ayaw ko….”wash and wear” nga ako eh, paki ko kung gusot :)

    magandang huwebes, eto po ang sa akin:
    http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

    Jays last blog post..LP#22: Ayaw ko! (Reject)

    Reply

  5. julie  August 28th, 2008 2:44 am

    mabuti na lang hindi ako nagga-ganyan. Nagpapa-laundry kasi kami :D

    julies last blog post..Ayaw Ko!

    Reply

  6. komski kuno  August 28th, 2008 3:13 am

    Kung ako mas ok na mamalantsa kaysa mag-urong, hehehe. ‘pag nag-urong kasi parang kadiri, hehehehe. e yung pamamalansta, dry, malinis pa ung damit, mabango:D

    Reply

  7. JoyD  August 28th, 2008 6:42 am

    Ako rin ayaw kong mamalansta kaya nga tambak tambak ang palanstahin ko 2 basket!!!! tignan mo nga ang aking ayaw maglinis ng kwarto http://aussietalks.com

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy (Ayaw ko! Reject)

    Reply

  8. dang  August 28th, 2008 11:46 am

    ako din ako din..hates ko mamalantsa..di ko talaga magawa yan kaya ke charlie yan nakatoka..heheheh..pero maglalaba din ako, magluluto, magsasaing, lahat na, pwera plantsa..

    Reply

  9. Gracie  August 28th, 2008 12:40 pm

    i feel weird…ako lang ‘ata ang mahilig magplantsa sa mga nag-comments dito. kasi pag nag-plantsa na ko exempted nako sa ibang gawaing bahay. tsaka nung college ako, to earn extra allowance, i offer to iron my tita’s office uniforms kaya precious sa kin ang chore na ‘yan! :)

    Gracies last blog post..after the milestone

    Reply

  10. Mimi  August 28th, 2008 12:44 pm

    Strangely, I find ironing umm…relaxing. Ok, deal tayo — I do your ironing, you do the cleaning up in my kitchen hehehe ;)

    Mimi
    http://www.sleeplessinkl.com

    Reply

  11. sardonic nell  August 28th, 2008 1:33 pm

    mukhang parehas pa tayo ng plantsa hah, white nga lang yong sa amin. and yan yong retractable your wire, right? heheheh! and speaking of plantsa, yan naman ang isang bagay na gusto ko. kaysa sa maghugas ng pinggan or maglaba. kaya kami ng sis ko eh may agreement, sya maglalaba ng damit ko (if ever wala si mommy) at ako naman ang magplaplantsa ng uniform nya. ayos na nga sana yong kasunduan namin. kaya lang minsan itong kapatid ko eh mautak, nagdadagdag ng uniform ng asawa nya. not fair, dba? pero dahil labs natin sila eh tikom nalang bibig ko at may i plantsa nalang. hahahah :mrgreen:

    sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #22: Ayaw Ko

    Reply

  12. fortuitous faery  August 28th, 2008 11:47 pm

    oo nga, time-consuming pati ang pamamalantsa….pero ngayon pag kelangan lang maging itsurang wrinkle-free ang damit, gaya ng business attire. otherwise, kunyari broken-in look! :P

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#19:ayoko!

    Reply

  13. lino  August 29th, 2008 12:35 am

    ako ok lang basta pa-isa isa o dalawa lang… pasensya na at nahuli, TGIF na… :)

    linos last blog post..ayaw ko…

    Reply

  14. Sreisaat  August 29th, 2008 1:50 am

    Ako rin – hate ko rin ang pamamalantsa.
    Lagi akong frustrated kasi sa tagal ng panahon na iginugol ko sa pagpaplantsa ng isang blouse e mukhang di pa rin ito na-plantsa. Help, inay!

    Sreisaats last blog post..Litratong Pinoy #010: Ayaw Ko

    Reply

  15. yvelle  August 29th, 2008 8:49 am

    sa lahat ng gawaing bahay, dati ayoko rin ng pagpplantsa.. pero, lately naeenjoy ko na sya. ang problema sa akin, pag namalantsa ako.. umaabot ako ng buong araw, kc lahat gusto ko na plantsahin. :)
    maligayang huwebes!
    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html

    yvelles last blog post..LP # 22 Ayaw Ko

    Reply

  16. Toni  August 30th, 2008 2:13 am

    ayoko ng kahit anong gawaing bahay, period!!!

    at hindi ako marunong mamalantsa. :D

    Tonis last blog post..Weekend Soiree #34: A game of comment interaction

    Reply

  17. kathycot  August 31st, 2008 8:14 pm

    maglalaba na ako forever wag lang mag plancha! hehehe
    http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/

    kathycots last blog post..LP: Ayaw

    Reply

  18. JO  August 31st, 2008 10:44 pm

    Hate na hate ko din yan. Lalo na kung summer time. Dahil double ang init mamalantsa. Buti na lang at lumalamig na ulit dito.

    JOs last blog post..BlogDay 2008

    Reply

  19. odette  September 2nd, 2008 4:09 pm

    pinaka-ayaw ko rin ang mag-plantsa. buti na lang, walang uniporme si mister, at laging naka-sweater at jacket. lusot na lusot din ako! :)

    odettes last blog post..persuasion :: jane austen

    Reply

  20. Meeya  September 5th, 2008 1:35 pm

    ako plantsa, tupi, linis ng banyo, at paghuhugas ng pinggan, haha! kaya nga chore ang tawag kasi kung masaya siyang gawin hindi na siya chore. (uy labo nun ha! hahaha!)

    Reply

Leave a reply