Kung mayroon mang gawaing bagay ang pinaka ayaw at talaga namang pinakaiiwasan ko, iyo’y walang iba kung hindi ang…drumroll please…PAMAMALANTSA!!!

Magluluto, maglalaba (gamit ang washing machine siyempre!) at maghuhugas ako ng plato araw-araw, maghapo’t magdamag kung kinakailangan, pero kung maaari lang talaga, ayaw kong mamalantsa! Ngunit di maiiwasan. Ayaw ko namang bansagang “habulin ng plantsa” ang aking mister!

Mabuti na rin lang at dito siya sa aming tahanan nagtatrabaho (home-office). Namamalantsa lamang ako kung kailangan niyang magbiyahe at ang dapat na bauning kasuotan ay mga pang-itaas na mahahaba ang manggas. Pero kung t-shirt lang, lusot pa rin ako!
May mga ayaw pa ako DITO.
Magandang Huwebes sa inyo!

Fish Sarciado
Egg Pie

