Munchkin Mommy

LP #21: Mithi

Noong Linggo, nagdiwang ng kaniyang ikaapat na kaarawan si Abby. At tulad ng nakagawian na ng aming pamilya simula pa noong kauna-unahan niyang pagdiriwang ng kaarawan, umaga pa lamang ay may cake nang nakahanda at naghihintay ng kaniyang paggising. :)

Nakakatuwang pagmasdan si Abby habang nakapikit at mataimtim na pinagisipan at matahimik na hiniling ang katuparan ng kung ano man ang kaniyang mga minimithi.

At nang matapos humiling, kumuha na ng buwelo upang mahipan ang mga kandila sa kaniyang munting cake.

Ayan, hinipan na ang mga kandila!

Ano kaya ang mga minimithi niya sa kaniyang murang gulang? Sana’y kaya naming ibigay ng kaniyang ama.

Kung minsa’y nakakainggit ang mga bata. Simple lang ang kanilang mga minimithi…mga bagay na hindi dapat maging dahilan para hindi makatulog sa gabi. :) Ako ma’y naiinggit kung minsan kay Abby. Nagaabang ang bukas sa kaniya. Isa sa aking pinakamimithi bilang ina ay ang maihanda namin siya ng husto sa pagharap dito. :)

Isa pang lahok para sa LP DITO.  Magandang Huwebes sa inyo! :)

17 comments

17 Comments so far

  1. dang  August 20th, 2008 11:35 pm

    napakagandang larawan at napakagandang akda..pareho tayo ng minimithi para sa ating anak..ang maging ina nga naman..nakakapagbago talaga ng pananaw sa buhay!

    Reply

  2. toni  August 21st, 2008 12:35 am

    Nakakatuwa naman ang mga larawan at ang kwento. Ang ganda-ganda pa ng ngiti niya habang nakapikit at humihiling. :)

    tonis last blog post..And the star jumped over the spoon

    Reply

  3. SOMETHING PURPLE  August 21st, 2008 12:47 am

    ako din nagtatanong ano kaya minimithi niya?
    totoo sinabi mo nakakaiinggit sila, si ethan kahit pinagsasabihan ko at minsa naiiyak na sya kaka time out after awhile masaya na ulit.

    maligayang lp!

    Stripe&Yellow
    Living the Healthy Life
    Vanity Kit
    Something Purple
    Em’s Detour

    Reply

  4. ShutterHappyJenn  August 21st, 2008 1:05 am

    Wow naman ang gandang mga litrato! Ang kyut nung nakapikit, talaga yatang pinag-iisipan niya kung anong mithi nya.

    DITO naman nakalista ang aking mithi.

    ShutterHappyJenns last blog post..Mithi (Wish)

    Reply

  5. [...] Mommy LP #21: MithiOne Day is Not EnoughFour TodayTemptation WeekendLP #20: Pagliliwaliw sa Palisades [...]

  6. julie  August 21st, 2008 1:44 am

    Maligayang kaarawan, Abby, sana magkatotoo ang iyong mithi, pati ang mithi ng iyong magulang para sa iyo :)

    julies last blog post..Mithi

    Reply

  7. Rach (Heart of Rachel)  August 21st, 2008 5:32 am

    Belated Happy Birthday to Abby! I love how intent she was on making that wish.

    Rach (Heart of Rachel)s last blog post..Storytelling in Filipino Part 2

    Reply

  8. Meeya  August 21st, 2008 9:15 am

    ang ganda naman ng pics at ng iyong akda, naantig ang aking puso. siguro dahil pareho tayo ng minimithi para sa ating mga anak.

    maligayang bati abby, may all your wishes come true. :) *muah*

    Reply

  9. JO  August 21st, 2008 11:28 am

    maligayang kaarawan kay Abby.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Mithi (wish)

    Reply

  10. Jay  August 21st, 2008 11:35 am

    happy bday sa’yo kapatid :) wow mukhang masarap yung cake, pahingi :) matupad sana ang mithi mo kapatid :)

    Reply

  11. fortuitous faery  August 21st, 2008 12:06 pm

    happy 4th birthday, abby girl! ganda ng cake nya!

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#18:mithi (wish)

    Reply

  12. sardonic nell  August 21st, 2008 4:00 pm

    hmmm, ano kayang wini-wish ni abby? sis weng, baka naghahanap na ng kapatid. hehehe ;)

    Reply

  13. lino  August 21st, 2008 8:11 pm

    nice capture…. pasensya na at nahuli ako… :)

    Reply

  14. Colored Heart  August 21st, 2008 9:15 pm

    AH, ang ganda naman ni Abby. Kaka-inggit ang mga batang ito. Punung-puno ng pananampalatayang ang mga pangarap ay ibibigay ng Dios! Salamat sa madamdaming lahok!

    Ito naman ang sa akin:
    http://www.coloredheart.blogspot.com

    Colored Hearts last blog post..LP: MITHI (Wish)

    Reply

  15. carol bustos-santiago  August 21st, 2008 10:53 pm

    happy happy birthday little abby :)

    ano kaya wish nya? bilang magulang, nais natin ibigay ang lahat ng kanilang kahilingan. nakakatuwa talagang panoorin ang mga batang nag-w-wish :)

    carol bustos-santiagos last blog post..LP Mithi

    Reply

  16. architect  August 22nd, 2008 2:48 am

    cute ng baby mo.. happy birthday!
    i have a tag for you here
    http://memoryfilled.blogspot.com/2008/08/spread-love.html

    architects last blog post..spread the love

    Reply

  17. celiaK  August 22nd, 2008 5:32 pm

    Belated happy birthday Abby!

    Happy LP sa inyo …

    Reply

Leave a reply