LP #21: Mithi
Noong Linggo, nagdiwang ng kaniyang ikaapat na kaarawan si Abby. At tulad ng nakagawian na ng aming pamilya simula pa noong kauna-unahan niyang pagdiriwang ng kaarawan, umaga pa lamang ay may cake nang nakahanda at naghihintay ng kaniyang paggising. :)

Nakakatuwang pagmasdan si Abby habang nakapikit at mataimtim na pinagisipan at matahimik na hiniling ang katuparan ng kung ano man ang kaniyang mga minimithi.

At nang matapos humiling, kumuha na ng buwelo upang mahipan ang mga kandila sa kaniyang munting cake.

Ayan, hinipan na ang mga kandila!

Ano kaya ang mga minimithi niya sa kaniyang murang gulang? Sana’y kaya naming ibigay ng kaniyang ama.

Kung minsa’y nakakainggit ang mga bata. Simple lang ang kanilang mga minimithi…mga bagay na hindi dapat maging dahilan para hindi makatulog sa gabi. :) Ako ma’y naiinggit kung minsan kay Abby. Nagaabang ang bukas sa kaniya. Isa sa aking pinakamimithi bilang ina ay ang maihanda namin siya ng husto sa pagharap dito. :)
Isa pang lahok para sa LP DITO. Magandang Huwebes sa inyo! :)
17 comments





