Munchkin Mommy

LP #20: Pagliliwaliw sa Palisades Park

Napakadali para sa akin ang “Liwaliw” na tema ng Litratong Pinoy para sa linggong ito.  Kung pagliliwaliw rin lang naman ang pag-uusapn, ay naku, batikan ang aking pamilya riyan!  :D  Kung noo’y namomroblema ako dahil wala akong larawang mailahok, ngayon nama’y sa dami, hindi ko alam kung ano ang aking isasali!

Sa pagbabakasyon namin sa California noong nakaraang buwan, nagkaroon kami ng pagkakataong makapagliwaliw sa Palisades Park sa Sta. Monica.  Ang kahabaan nito’y kinatatayuan ng mga nagtataasang balingkinitang puno.

Maraming tao ang tulad naming nagliliwaliw rin.  Ang iba’y nagjajogging at ang iba nama’y matahimik na nakaupo sa mga bangko habang nagbabasa ng aklat. 

Sa may damuhang kinauupuan namin ni Abby at ng aking mga pamangking si Maddie at Mason, may mga taong nageehersisyo kasama ang isang “private trainer”.  Marami-rami kaming nakitang taong nageehersisyo!

Ano ang pinagmamasdan nila?


Nasa larawan si Abby, ang aking mga pamangking, ang aking Tita at ang mamang nagmamatiyag sa di kalayuan ay aking Tito. :D

Ito, ang dalampasigan! 

Kaya kong magtagal ng ilang oras sa lugar na ito para makapagbasa, magmuni-muni o manood lamang ng palo ng alon sa buhangin.  Ika nga nila sa Ingles, “This is the life!”

Ang dami naming larawan dito.  E kasi naman, malayu-layo ang dagat sa tinitirahan namin!  Parang ngayon lang kami ulit nakakita ng dagat!  :D

At ito ang kuha ng aming mapagliwaliw na pamilya. :D

Pagliliwaliw naman kasama ang mga Mustangs ng Las Colinas ang isa ko pang lahok para sa LP.

Magandang Huwebes sa lahat!

25 comments

25 Comments so far

  1. [...] Ang isa ko pang lahok sa LP ay pagliliwaliw naman sa Palisades Park sa Santa Monica, California. [...]

  2. Back to Earth — Munchkin Mommy  August 14th, 2008 1:21 am

    [...] LP #20: Pagliliwaliw sa Palisades Park [...]

  3. Thess  August 14th, 2008 3:31 am

    Tita Rowenaaaaa, wagi sa photos yahoo!! Natawa ako sa sinabi mo na sa dami naman ngayon ng nasa kaban mo ay hindi mo malaman ang isasali ha ha! Pero napili mo ay magaganda!

    Tita Weng, ang sweet sweet mo talaga, salamat sa pag-alala ng aking kaarawan, lab yu lat!! (wa me Internet koneksyun eh, nasa mga nanay ko, dumadayo pa hu hu hu)

    Thesss last blog post..LP 20: Liwaliw

    Reply

  4. iska  August 14th, 2008 4:50 am

    Korek ka dyan! Ang pinakamahirap lang para sa temang ito ng liwaliw ay ang pagpili ng litratong ilalahok…

    iskas last blog post..LP20: Liwaliw sa Beijing

    Reply

  5. Reflexes  August 14th, 2008 6:06 am

    kay gandang titigan ng iyong mga lahok…napakasayang larawan mag-anak na samasamang nagliliwaliw.

    Reflexess last blog post..Man’s Best Friend

    Reply

  6. ShutterHappyJenn  August 14th, 2008 6:39 am

    salamat sa pagdaan sa LP ko. sarap ng liwaliw pag kasama ang pamilya, di ba?

    ganda rin ng font sa namestamp mo sa mga litrato!

    Reply

  7. Meeya  August 14th, 2008 7:42 am

    medyo nanibago ako, iba na pala ang theme mo, hehehe.

    ganda ng pics! ganda ni abby! :) ang hirap pumili ng pics no? yan din dilemma ko kahapon, haha!

    LP Liwaliw sa MyMemes
    LP Liwaliw sa MyFinds

    Reply

  8. fortuitous faery  August 14th, 2008 9:24 am

    iconic california ang mga palm trees! ganda!

    fortuitous faerys last blog post..bird’s nest chair?

    Reply

  9. sardonic nell  August 14th, 2008 11:10 am

    lovely photos, sis weng! ganda ng beach sa sta. monica. and what’s best eh you were surrounded by your love ones. dba? happy thursday, miss yah!

    sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #20: Liwaliw

    Reply

  10. JO  August 14th, 2008 1:43 pm
  11. SOMETHING PURPLE  August 14th, 2008 3:49 pm

    paborito ko ang santa monica beach.
    ayan na inggit na naman ako sa byaheng west coast niyo!

    mwah!

    SOMETHING PURPLEs last blog post..weekend snapshot #22

    Reply

  12. G_mirage  August 14th, 2008 4:57 pm

    Ang sarap tumakbo at magpawis jan ganun din ang magliwaliw dala ang camera gaya ng ginawa mo! Ang ganda din ng panahon pati mga modelo! Happy LP!

    G_mirages last blog post..Litratong Pinoy – Liwaliw

    Reply

  13. iceah  August 14th, 2008 6:34 pm

    cool pics u got here c:

    iceahs last blog post..Your Body

    Reply

  14. ettey  August 14th, 2008 7:20 pm

    ang saya! at ang ganda ng mga piktyurs :D

    etteys last blog post..LP:LIWALIW sa CEBU

    Reply

  15. tin  August 14th, 2008 7:47 pm

    i love california, too! di rin ako magsasawa balik-balikan ang mga pasyalan dyan. :)

    tins last blog post..[LP] Liwaliw sa Central Park

    Reply

  16. Joy  August 14th, 2008 8:02 pm

    Mukhang enjoy nga kayo sa pagliwaliw ninyo!

    Salamat sa pagdalaw sa LP ko!

    Joys last blog post..LP: Liwaliw

    Reply

  17. architect  August 14th, 2008 8:02 pm

    ganda nd taanawin.. at aganda ng posing.. salamat sa dalaw

    architects last blog post..wordless wednesday # 11/ Litratong Pinoy -Liwaliw

    Reply

  18. julie  August 14th, 2008 10:32 pm

    Ang saya naman ng pasyal niyo :) Maganda talaga sa beach pumunta, sariwa ang hangin.

    Reply

  19. karmi  August 14th, 2008 11:32 pm

    waaa, gusto ko ring pumunta dyan. :D
    ang saya naman ng liwaliw ng pamilya.. ^_^

    Reply

  20. Litzie  August 15th, 2008 1:23 am

    Napakasayang magliwaliw pagkasama mo ang iyong pamilya. Salamat sa pagbisita sa aking LP ngayong linggo. Sa uulitin.

    Litzies last blog post..LP: Liwaliw

    Reply

  21. Dyes  August 15th, 2008 3:20 am

    mukhang enjoy ang lahat sa liwaliw ah! ang saya-saya!

    Dyess last blog post..LP : Liwaliw

    Reply

  22. Jason  August 15th, 2008 6:10 am

    Really nice indeed!

    Jasons last blog post..LP 20: Liwaliw

    Reply

  23. zamejias  August 15th, 2008 9:17 pm

    Must have been an enjoyable trip. I can see it in the pictures. :-)

    zamejiass last blog post..Friday Fill-Ins #2

    Reply

  24. alpha  August 16th, 2008 8:19 am

    sana kasama ako sa pagliliwaliw nyo hehe

    salamat sa comment ha :D

    alphas last blog post..Online Babble.

    Reply

  25. Colored Heart  August 24th, 2008 6:40 pm

    pasensya na’t ngayon lang nakadalaw. masaya pa din akong nakapaglahok nung huwebes, at masaya ding dumadalaw sa mga lahok ninyong lahat. :)

    Colored Hearts last blog post..LP: MITHI (Wish)

    Reply

Leave a reply