Napakadali para sa akin ang “Liwaliw” na tema ng Litratong Pinoy para sa linggong ito. Kung pagliliwaliw rin lang naman ang pag-uusapn, ay naku, batikan ang aking pamilya riyan! :D Kung noo’y namomroblema ako dahil wala akong larawang mailahok, ngayon nama’y sa dami, hindi ko alam kung ano ang aking isasali!
Sa pagbabakasyon namin sa California noong nakaraang buwan, nagkaroon kami ng pagkakataong makapagliwaliw sa Palisades Park sa Sta. Monica. Ang kahabaan nito’y kinatatayuan ng mga nagtataasang balingkinitang puno.

Maraming tao ang tulad naming nagliliwaliw rin. Ang iba’y nagjajogging at ang iba nama’y matahimik na nakaupo sa mga bangko habang nagbabasa ng aklat.

Sa may damuhang kinauupuan namin ni Abby at ng aking mga pamangking si Maddie at Mason, may mga taong nageehersisyo kasama ang isang “private trainer”. Marami-rami kaming nakitang taong nageehersisyo!

Ano ang pinagmamasdan nila?

Nasa larawan si Abby, ang aking mga pamangking, ang aking Tita at ang mamang nagmamatiyag sa di kalayuan ay aking Tito.
Ito, ang dalampasigan!

Kaya kong magtagal ng ilang oras sa lugar na ito para makapagbasa, magmuni-muni o manood lamang ng palo ng alon sa buhangin. Ika nga nila sa Ingles, “This is the life!”

Ang dami naming larawan dito. E kasi naman, malayu-layo ang dagat sa tinitirahan namin! Parang ngayon lang kami ulit nakakita ng dagat!

At ito ang kuha ng aming mapagliwaliw na pamilya.

Pagliliwaliw naman kasama ang mga Mustangs ng Las Colinas ang isa ko pang lahok para sa LP.
Magandang Huwebes sa lahat!

Shrimp Salad
Banana Pudding

