05 Aug 2008 LP #19: Ako (Bahagi/Parte Ko)
 |  Category: Family, Litratong Pinoy

Hindi na kailangan ng mahabaan pang paliwanag kung bakit ang mga larawang ito ang aking napili para sa Litratong Pinoy sa linggong ito. Kuha ang mga larawang ito sa Blow Up Babies noong Disyembre ng 2006. Nakagawian na ng aking pamilya ang magpakuha ng litrato sa mga propesyunal, minsan sa isang taon. Ito ang aming pinakahuling “family picture” bago lumipat ng Estados Unidos, kami ng aking pamilya. Narito AKO at ANG MGA MAHAHALAGANG PARTE O BAHAGI KO


1ST Row (Nakatayo mula sa kaliwa): ang aking kabiyak, aking pamangking si Jad, at ang aking kapatid na si Edward
2nd Row (Nakaupo): Ako, si Abby, ang aking Ina, ang aking manugang kapatid na si Claire
3rd Row: mga pamangkin kong si Sophie, Macy at Kylah

Ito ang pinakapaborito kong litrato ng aming buong pamilya…

Walang araw na lumipas na hindi ko pinananabikan ang makapiling ang aking mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas: ang aking Ina at ang pamilya ng aking kapatid. Hindi lamang masyadong halata dahil pinipili kong hindi bigyan ng masyadong pansin ang aking pangungulila sa simpleng kadahilanang ayaw kong mabaliw. Mwahahahaha! Ayan na nga o! :D Allergic kasi ako sa malungkot. ;)

May mga parte pa ako DITO.  :D  Magandang araw! :)

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

16 Comments

  1. komski on 05.08.2008 at 01:12 (Reply)

    Ang ganda nga nung paborito mong litrato:D At ang laking pamilya ha, hehehe.Ang bababata pa ng mga itsura:)

  2. [...] Narito sa isa ko pang lahok ANG KABUUAN KO. (Here is the whole of me, my other Litratong Pinoy entry.) Posted in Abby, Family, Litratong Pinoy by munchkinmommy RSS 2.0 Leave Your Comment [...]

  3. tin on 05.08.2008 at 02:36 (Reply)

    favorite mo ang cream or brown ano? pansin ko lang sa mga blog templates na napili mo *wink*. looong time no pasyal ako sa iyong mga blogs.

    ang ganda ng mga family pics ninyo ha. gusto ko ring maging tradisyon namin yan.

    ingats, weng.

    1. munchkinmommy on 07.08.2008 at 14:28 (Reply)

      Hi Tin! Thanks for the visit. :) Hindi sinasadyang cream, brown or green ang aking napipiling themes. Kakapalit ko lang ulit ng theme. Green…color ng $. Hee hee. May hindi kasi ako makalikot doon sa luma kong theme. Hee hee.

  4. Thess on 05.08.2008 at 06:13 (Reply)

    Tita Weng, ang gaganda ng kuha!! Buti ka pa may family pictures, ako wala, as in!

    Ito ang balak ko gawin pag-uwi ko, buong Adam’s family…este pamilya pala namin, pakokodakan ko! (syempre e-extra ako ng kuha hi hi hi)

    muah!

  5. dang on 05.08.2008 at 09:18 (Reply)

    hmm…nice idea! pag uwi nmin sa pinas sa disyembre, yan ang project ko!!

  6. ces on 05.08.2008 at 10:31 (Reply)

    nice! naku isa ito sa mga listahan namin ngayong darating ang buong pamilya ko dito:) ang magpa-phot shoot! kasi ngayon lang kami ulit makukumpleto with an additional baby pa:)

  7. Meeya on 05.08.2008 at 16:49 (Reply)

    totoo naman na ang ating pamilya ay malaki talagang bahagi ng ating pagkatao. ganda ng family picture niyo! ang pamilya ko, shy sa ganyan kaya wala kami, hehe. hopefully kapag nakauwi kami, pipilitin ko talaga silang magpa-picture! *muah*

  8. fortuitous faery on 05.08.2008 at 19:43 (Reply)

    ang ganda ng family picture nyo! all white! at syempre, lahat ng kasapi ay magaganda!

  9. maver on 05.08.2008 at 22:43 (Reply)

    nais ko din magpastudio syat. pero matatagal pa yan. dapat seksi ako. hahaha!

    eto po ang aking lahok:

    http://maver.wifespeaks.com/2008/08/lp18-ako.html

  10. odette on 06.08.2008 at 11:01 (Reply)

    what a beautiful family!

  11. yvelle on 06.08.2008 at 11:31 (Reply)

    nakakamiss ang ganitong mga pagkakataon.
    maligayang araw!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html

  12. lino on 06.08.2008 at 21:47 (Reply)

    nice portrait of your family… happy LP… :)

  13. Cookie on 07.08.2008 at 04:23 (Reply)

    ang ganda ng inyong family portrait…mukhang masaya kayo lahat :D
    Cookies last blog post..Palawan Adventure Day 4 : St. Paul’s Underground River

  14. munchkinmommy on 07.08.2008 at 14:34 (Reply)

    Maraming salamat po sa lahat ng nag-iwan ng comment para sa lahok kong ito sa LP! Mabuhay kayong lahat! :)

  15. feng on 07.08.2008 at 22:07 (Reply)

    love your family portrait Weng. true, they’ll always be a part of you, no matter where your feet may take you. :)

Leave a comment