Hindi na kailangan ng mahabaan pang paliwanag kung bakit ang mga larawang ito ang aking napili para sa Litratong Pinoy sa linggong ito. Kuha ang mga larawang ito sa Blow Up Babies noong Disyembre ng 2006. Nakagawian na ng aking pamilya ang magpakuha ng litrato sa mga propesyunal, minsan sa isang taon. Ito ang aming pinakahuling “family picture” bago lumipat ng Estados Unidos, kami ng aking pamilya. Narito AKO at ANG MGA MAHAHALAGANG PARTE O BAHAGI KO

1ST Row (Nakatayo mula sa kaliwa): ang aking kabiyak, aking pamangking si Jad, at ang aking kapatid na si Edward
2nd Row (Nakaupo): Ako, si Abby, ang aking Ina, ang aking manugang kapatid na si Claire
3rd Row: mga pamangkin kong si Sophie, Macy at Kylah
Ito ang pinakapaborito kong litrato ng aming buong pamilya…

Walang araw na lumipas na hindi ko pinananabikan ang makapiling ang aking mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas: ang aking Ina at ang pamilya ng aking kapatid. Hindi lamang masyadong halata dahil pinipili kong hindi bigyan ng masyadong pansin ang aking pangungulila sa simpleng kadahilanang ayaw kong mabaliw. Mwahahahaha! Ayan na nga o!
Allergic kasi ako sa malungkot.
May mga parte pa ako DITO. :D Magandang araw! ![]()

Shrimp Salad
Banana Pudding

