Munchkin Mommy

LP #16 & #17

Mabuhay! :D  Hindi ako nakalahok sa LP noong nakaraang linggo dahil nagbakasyon ang aming pamilya.  Nais kong humingi ng paumanhin sa mga dumalaw sa aking lahok para sa temang ”Balingkinitan” at hindi ko pa naibabalik ang inyong pagbisita.  Babawi po ako ngayong linggo.

Pagsasabayin ko na lamang ang tema noong nakaraang linggo at ang sa linggong ito. :)

oOo

LP #16:  Luntian

Ang mga sumusunod na larawan ay kuha sa Sea World noong Abril.  Lorikeet ang tawag sa ibon sa mga larawan.  Nakapagpakita na ako noon ng mga larawan ng mga lorikeet dito ngunit pula ang kulay ng kanilang balahibo.  Inilaan ko talaga ang mga larawang ito ng ibong  may luntiang balahibo para sa temang ito ng LP. :D

oOo

LP #17:  Sa Gawing Kanluran

Sa gawing kanluran ng Estados Unidos…sa West Coast kung tawagin, matatagpuan ang California.  Doon kami nagbakasyon mula 11-19 Hulyo.  Ang larawang ito ang isa sa aking mga paborito…

Kuha ito mula sa loob ng umaandar na sasakyan ilang minuto makalipas ang ika-6 ng gabi.  Papunta kami sa Mammoth, isang popular na destinasyon (bundok) sa panahon ng Winter dahil sa snow.  Matagal ko nang inaabangan ang pagkakataong makuhanan ang ganitong sinag ng araw.  Kaya naman kahit nasa loob ako ng sasakyan ay nagkuha pa rin ako ng litrato. :)

May isa pa akong lahok DITO.

Magandang Huwebes sa inyong lahat!

13 comments

13 Comments so far

  1. [...] May isa pa akong lahok DITO. [...]

  2. komski kuno  July 24th, 2008 2:25 am

    Weird nung ibon, parang mala-tiger skin pa yung breast niya, hehe:) Gusto ko yung pagka-green, ang tingkad.

    Oo nga, gusto ko rin makakuha ng ganang tanawin, the sun, piercing the clouds ang drama:D Kaya lang ‘di nakakatsempo.

    Reply

  3. ZJ  July 24th, 2008 3:08 am

    Ang ganda ng ibon! Sa KL Bird Park ako nakakita ng ganyan at iba pang makukulay na ibon.

    Uyy perfect timing ang pagkakuha mo ng pangalawang larawan – buti na lang may camera ka palagi. Ang ganda pati ng kuha!

    Reply

  4. fortuitous faery  July 24th, 2008 3:31 am

    ang ganda ng color combination ng lorikeet!

    tama, gawing kanluran nga ang california…na hindi ko pa nararating!

    pakisilip din ang aking lahok…

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy14sa-gawing-kanluran.html

    Reply

  5. betchay  July 24th, 2008 5:31 am

    ang ganda nga sa california… sarap balik-balikan

    Reply

  6. Meeya  July 24th, 2008 7:35 am

    wow ang ganda naman ng second picture! perfect timing nga :)

    Reply

  7. ShutterHappyJenn  July 24th, 2008 8:52 am

    Ganda ng mga pictures mo!

    Reply

  8. lidie  July 24th, 2008 6:05 pm

    nice to see you again!
    magandang araw sa’yo!

    Reply

  9. dang  July 24th, 2008 10:51 pm

    hello! ang ganda ganda ng kuha mo at paborito ko ang ikalawa..gleng talaga ni lord! buti na lang nahuli mo ang tanawing ito ..danganda talaga!;) glad you’re back!

    Reply

  10. NONA  July 25th, 2008 12:16 am

    Wow, ang gaganda ng lahok. Parehong maganda walang itulak kabigin. I like the parrot, naalala ko ang alaga kong si charlie. He passed away na.
    Thanks sa comment!
    Andito pala ang aking lahok na kanluran http://myfreehand.info

    Reply

  11. Reflexes  July 25th, 2008 9:16 am

    napakaraming lorikeet na dumadapo sa aming bakuran…di ko pinagsasawaang tingnan…nakakaaliw silang pagmasdan.

    galing kitang kita ang sinag ng araw.

    Reply

  12. Leap of Faith!  July 26th, 2008 8:50 am

    Hataw sa purselas yan ha… tell Dondi hanga ako sa kanya… di ko kaya yan… pang trendsetters lang.

    Nice second shot too.

    Reply

  13. tin  July 26th, 2008 8:58 am

    gusto ko din ang mga keets. :) maganda rin ang sinag ng araw sa 2nd shot! :)

    Reply

Leave a reply