Munchkin Mommy

Archive for July 24th, 2008

LP #16 & #17

Mabuhay! :D  Hindi ako nakalahok sa LP noong nakaraang linggo dahil nagbakasyon ang aming pamilya.  Nais kong humingi ng paumanhin sa mga dumalaw sa aking lahok para sa temang ”Balingkinitan” at hindi ko pa naibabalik ang inyong pagbisita.  Babawi po ako ngayong linggo.

Pagsasabayin ko na lamang ang tema noong nakaraang linggo at ang sa linggong ito. :)

oOo

LP #16:  Luntian

Ang mga sumusunod na larawan ay kuha sa Sea World noong Abril.  Lorikeet ang tawag sa ibon sa mga larawan.  Nakapagpakita na ako noon ng mga larawan ng mga lorikeet dito ngunit pula ang kulay ng kanilang balahibo.  Inilaan ko talaga ang mga larawang ito ng ibong  may luntiang balahibo para sa temang ito ng LP. :D

oOo

LP #17:  Sa Gawing Kanluran

Sa gawing kanluran ng Estados Unidos…sa West Coast kung tawagin, matatagpuan ang California.  Doon kami nagbakasyon mula 11-19 Hulyo.  Ang larawang ito ang isa sa aking mga paborito…

Kuha ito mula sa loob ng umaandar na sasakyan ilang minuto makalipas ang ika-6 ng gabi.  Papunta kami sa Mammoth, isang popular na destinasyon (bundok) sa panahon ng Winter dahil sa snow.  Matagal ko nang inaabangan ang pagkakataong makuhanan ang ganitong sinag ng araw.  Kaya naman kahit nasa loob ako ng sasakyan ay nagkuha pa rin ako ng litrato. :)

May isa pa akong lahok DITO.

Magandang Huwebes sa inyong lahat!

13 comments