LP #15: Balingkinitan
Paunang Salita: Napag-isip kong tuwing Miyerkules ng hapon na ilathala ang aking lahok para sa LP simula ngayon. Tutal Huwebes na naman sa Pilipinas. :D
Ngayon, ika-9 ng Hulyo ay araw ng kapanganakan ng aking ama na malugod naming tinatawag na Daddy Cho ng aking kapatid na si Edward. 62 na sana siya ngayon kung hindi siya kinuha agad ng Diyos halos dalawampung taon na ang nakakalipas. Huwag kayong mag-alala, hindi makabagbag damdamin ang aking lahok. Hee hee hee. :)
Ang salitang balingkinitan ay hindi magagamit sa pagtukoy kay Daddy Cho. Hindi ba’t ang mga balingkinitan ay mga payat…patpatin kung tawagin ng mga nanunukso? Kabaligtaran ng balingkinitan ang tatay ko. Pero ang ina ko, siya ang balingkinitan simula’t sapul. Sayang at hindi namin namanang magkapatid. Pahirapan para sa aming dalawa ang maging payat. Hee hee.
Kaya para sa mga balingkinitan…ito ang aking pagpupugay para sa inyo…


…mga sanga ng halamang kawayan. Hindi ba’t kawayan = patpat? O, lambing lang ha! Bawal ang pikon. :P Hee hee!
Isa pang interpretasyon para sa balingkinitan ang matatagpuan DITO.
oOo
Daddy Cho, I miss you…we miss you…still. :) That’s something that’s not bound to change any time soon. July wasn’t ever the same since you “left”. Nevertheless, we still celebrate your birthday in our little way. Today, we’ll do it during cocktail hour. The hotel we’re at right now is having complimentary bbq. Hee hee! We know you’re having a great time and having a big bash wherever you are. Because that’s just you…ever the life of the party. We love you, Daddy…always have…always will. Keep comfy in your special place in my heart. Happy birthday! Mmmwah!
22 comments22 Comments so far
Leave a reply






[...] ang isa sa aking dalawang lahok para sa LP sa linggong ito. ;) NARITO ang isa [...]
matatawa na sana ako sa iyong patpat hirit kaya lang you suddenly turned poignant with your tribute to your dad. kakaloka!
anyway, happy birthday daddy cho! :) the kawayan is weng’s paunang blow-out, kasunod na lang daw ang lechon. :D
Reply
Ouch! Ganya yata ako kapayat nun :D
Happy Birthday to your Daddy Cho :) I know he is happy with your little daughter kahit hindi sila nagpang-abot.
Reply
aray! dahan dahan naman! hehe…feeling! dati yun, ngayon hindi na! waaaaaaah!
Reply
uy! pareho tayo! pero mas maganda ang pagka-berde ng lahok mo! :P
magandang huwebes sa’yo!
Reply
nice bamboo… tamang tama… maligayang araw ng huwebes… :)
Reply
unang tingin sabi ko..” wow! parang legs ko!” hahaha! joke lang po yon.
Reply
payat nga.. gandang huwebes!
Reply
Haay, kung pwede lang piliin ang pagmamanahan ng katawan ano? hehehe. Pareho tayo:D
Reply
Gusto ko ring payat ako pero wag naman patpatin hehehee…
maligayang kaarawan pala sa iyong itay. :)
Reply
Weng, oo nga no pero medyo mas may negative conotation ang patpat kaysa balingkinitan. Patpat nga ang tawag ng mga naiingit lang sa mga taong balingkinitan.
Reply
Weng pahabol lang… happy birthday pala! MAg ka birthday ba kayo ni Daddy Cho?
Reply
ako man kung tawagin ay “patpat”. pramis, hindi sya nakakatuwa. :(
LP: Lean
LP: Slender
Happy LP!
Reply
hihi. paki-edit na lang please yung URLs ko, i forgot to add “no follow”. thankie! :)
Reply
ang ganda naman ng kawayan mo, berdeng berde he he
magandang araw sayo :-)
Reply
Weng, kala ko naman ay makikita ko na rin at long last ang pic of your beloved Daddy Cho e biglang naging bamboo – ngek! :lol:
One day apart lang pala ang birthday ninyo ng dad mo – galing naman. Enjoy your “semi-joint” birthday cocktail hour. Here’s to more years of good health and happiness. Cheers!
Reply
Oh wow! Halos magka birthday kayo ng dad mo pala! Happy Birthday, daddy Cho, counted pa po yun :)
re; balingkinitan…daliri ko na lang ganyan kanipis hu hu hu
;)
Reply
pasok n pasok sa tema!
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-balingkinitan.html
Reply
uy, happy bday pa rin po sa daddy nyo kung gayon. :)
muntikan na rin pong kawayan ang lahok ko! kaso may nahalungkat pa ko sa baul hehehe.
maligayang paglilitrato po! :)
http://gallerianeri.blogspot.com/2008/07/sexy-siesta.html
Reply
happy birthday, daddy cho! i can relate…
happy lp muchkin mommy!
Reply
ang ganda ng pagkaberde nito!!
have a great week ahead!
Reply
gandang-ganda ako sa pagkaberde niya. tama nga ang kawayan sa balingkinitan. payat pero matabay:)
Reply