Munchkin Mommy

Archive for July 9th, 2008

LP #15: Balingkinitan

Paunang Salita:  Napag-isip kong tuwing Miyerkules ng hapon na ilathala ang aking lahok para sa LP simula ngayon. Tutal Huwebes na naman sa Pilipinas. :D

Ngayon, ika-9 ng Hulyo ay araw ng kapanganakan ng aking ama na malugod naming tinatawag na Daddy Cho ng aking kapatid na si Edward.  62 na sana siya ngayon kung hindi siya kinuha agad ng Diyos halos dalawampung taon na ang nakakalipas.  Huwag kayong mag-alala, hindi makabagbag damdamin ang aking lahok.  Hee hee hee. :)

Ang salitang balingkinitan ay hindi magagamit sa pagtukoy kay Daddy Cho.  Hindi ba’t ang mga balingkinitan ay mga payat…patpatin kung tawagin ng mga nanunukso?  Kabaligtaran ng balingkinitan ang tatay ko.  Pero ang ina ko, siya ang balingkinitan simula’t sapul.  Sayang at hindi namin namanang magkapatid.  Pahirapan para sa aming dalawa ang maging payat.  Hee hee.

Kaya para sa mga balingkinitan…ito ang aking pagpupugay para sa inyo…

…mga sanga ng halamang kawayan.  Hindi ba’t kawayan = patpat?  O, lambing lang ha!  Bawal ang pikon.  :P  Hee hee! 

Isa pang interpretasyon para sa balingkinitan ang matatagpuan DITO.

oOo

Daddy Cho, I miss you…we miss you…still. :)   That’s something that’s not bound to change any time soon.  July wasn’t ever the same since you “left”.  Nevertheless, we still celebrate your birthday in our little way.  Today, we’ll do it during cocktail hour.  The hotel we’re at right now is having complimentary bbq.  Hee hee!  We know you’re having a great time and having a big bash wherever you are.  Because that’s just you…ever the life of the party.  We love you, Daddy…always have…always will.  Keep comfy in your special place in my heart.  Happy birthday!  Mmmwah! 

22 comments